Kabanata 17 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA NAHULI AKONG PUMASOK SA KWARTO. Nagligpit muna ako ng mga naiwang tasa ng kape sa kusina at hinugasan ang mga iyon. Habang naghuhugas ay iniisip ko kung paano ko sasabihin ang lahat ng ito kay Hercules, kung paano niya ba iyon mauunawaan, kung paano niya sisimulan na ituring bilang ama si Hector. Napag-isip isip ko na huwag munang biglain ang bata sa mga nangyayari dahil hindi niya pa ito mauunawaan ng mabuti. Kung kaya't, kailangan kong makausap si Hector. At isang bagay na bumabagabag sa aking isipan ay paano kung sabihin ni Hector na mayroon siyang karapatang makasama si H