Kabanata 6

1750 Words
Kabanata 6 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA "NASAAN SI Hercules?" Hinanap niya ang anak ko sa sala ngunit wala doon. "Tulog na siya," mahina kong sagot sa kanya. "I have to give him this," saka niya itinaas ang kotse-kotsehan na binili niya. Mukhang nakikipagkumpitensya siya kay Sir Arthur dahil nakita niya rin ang dala nitong laruan kanina. Nililigawan ba nilang dalawa ang anak ko to win me? "Iwan mo na lang iyan. Tulog na siya, ayaw ko na siyang gisingin dahil mahihirapan na naman akong patulugin siya mamaya," hinarap ko siya. Tila ba nakalimutan ko na ang ginawa niyang pambabastos sa akin kanina sabay ngiti ng nakakaloko. Tapos ngayon ay bibigyan niya ako ng teddy bear? Akala niya makukuha ako sa pa-ganon ganon lang? "And this, I am giving this to you," inabot niya sa akin ang Teddy bear. "Anong gagawin ko dito?" Nagtataka kong tanong. "Don't you like it?" "Hindi naman ako bata Hector. I am 30 years old now," sabi ko pa. Hindi ko tinanggap. "Maybe you want something bigger huh? Maybe you want me more than this teddy bear," napangiti siya. Umirap lang ako. "Hey, I am just kidding," lumapit siya. "Ano ba? Gabi na. Marami pa akong aasikasuhin para bukas. So please don't disturb me," sabi ko at tumalikod. "I won't disturb you. I won't even make a noise. I'll just watch you," sumunod siya sa akin. "Hindi ako makagagawa ng mga gagawin ko kapag mayroong nakatingin sa akin," pilit akong tumatakas sa kanya. "Hindi ako titingin. I'll just stay overnight," "No. Mayroon kang sariling pamilya at bahay. You have your wife and child, or maybe children," sabi ko pa at saka itinuon ang sarili ko sa pagkuha ng mga damit ni Hercules na nakasampay sa gilid ng apartment. "Martha, it is totally different now. I am not even doing the same things with Carmina. We didn't even had s*x for the last five years, come on," patuloy siya sa pagsunod. So anong gusto niyang isipin ko? Na maswerte ako dahil hindi sila nagsesex ng asawa niya? Na dapat akong magpasalamat dahil he preserves himself for me? Ano siya, hilo? "Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo Hector?" Tanong ko sa kanya and finally, hinarap ko na siya habang hawak ko sa mga kamay ko ang tuyong damit ng anak ko. "Yes. And what I hear are the honest words that come from my heart and speaks about how much I miss and love you, babe," sumeryoso siya at lumapit sa akin. Napaatras ako at huli na nang marealize ko na nasa may lababo ako. "Hector, it is totally different now. Please understand," umiwas ako ng tingin sa kanya. "Is he your boyfriend?" "No," mabilis kong sagot. "Then why are you allowing him to act like he is your boyfriend?" "Am I?" "Yes," agad niyang sagot. "Oh really? Is it because he is good to my son? Is it because he let us stay here in his apartment? Is it because he cares for us?" "All those damn s**t, Martha. All of it, and I am jealous," napasabunot siya sa kanyang buhok at umigting ang panga niya nang mga sandaling iyon. Halata ko ang inis at galit niya kaya naman yumuko ako. "Babe, stay with me again. I promise, I won't hurt you, like I always do," hinawakan niya ang pisngi ko. Napapikit ako at huminga ng malalim. "Hector, I am sorry," sagot ko. "Martha, please. Iniwan mo na ako dati, but now I want you back, please say yes to me this time, baby," dalawang kamay niya na ang nagkulong sa aking mukha. Seryosong seryoso ang mukha niya at napatitig ako sa kanyang mga mata. Hindi ko maikakaila na na-miss ko ang lalaking ito, ang pagtitig ko sa kanyang mga mata habang trinatrabaho niya ako dati, ang kanyang mga labi at ang kanyang mga halik. Ngunit ayaw kong magpadala sa tukso ngayon. Hindi maaari. "Martha, please," pag-uulit niya. Umiling ako. "Hector, please leave. Pinahihirapan mo lang ang sarili mo," "Hindi ako mahihirapan," "You are just saying that," "No. I mean it and I will do everything to win you back. That boy, your son, I will win him too. I am starting to love that child and I want you both in my life. Remember that woman, remember that," madiin ang pagkakasabi niya ng bawat salita at nadama ko iyon. Tumagos sa puso ko ang gusto niyang sabihin. Ngayon at nakita niya na ako at nagkaroon na siya ng chance to see and talk to me ay nasisiguro ko na mas lalong mabubuhay ang kanyang kagustuhan na maibalik kami sa dati. "Hector," "Martha don't fight against the plan of destiny. I am your destiny, I believe in that. And if I am not your destiny, than I will fight and make that damn destiny wrong because from the very beginning, you are mine. I am your first love and you will never forget about me. Am I right Martha?" Napakamakahulugan ng bawat salitang binitiwan niya ngayon. Yes, he is my first love, he is all my firsts, nagawa ko lahat ng first ko sa pag-ibig ng dahil sa kanya. And he is right, I can never forget about him. "No Hector, nakalimutan na kita," ngunit ito ang nasambit ng aking bibig. "Then please remember me, baby," aniya. "Ayaw na kitang maalala at ang nakaraan," "Then let's start a new story, my love. Don't call me daddy, don't think of me as the one who made love to you, don't think of me as an old acquaintance, think of me as a new guy who confesses his love to you," pagpupumilit niya. "But you are the same person as before," "I am but I am not," mahinang wika niya. Napayuko akong muli. "Martha, listen to me," itinaas niya ang chin ko upang makita ko siya. "I loved you and I am still loving you. I didn't stop loving you and I want you to know that my past is miserable without you baby. I want you to know that I am not complete without you and without your love for me. You are the only woman I love and you changed everything in me. You changed my life babe, so please give me this chance, I love you," idinikit niya ang noo niya sa noo ko sa huling sinabi niya. Napapikit ako at dinama ang bawat salitang binanggit niya. Naging apektado ako sa kanyang mga sinabi. Hinding hindi ko maikakaila na kinikilig ako, na mahal ko pa rin siya at nasasabik ako sa kanya. Kaya naman hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko ngayon. "Martha, please give me this chance baby," niyakap niya ako. "I want you back baby, I want you back," bulong niya sa akin. Tumagos sa akin ang init ng katawan niya at ang nararamdaman niyang pagmamahal sa akin na tila ba hindi nagmaliw at napalitan. Napapikit ako dahil ang lalaking ito na dati rati akong pinaliligaya, pinahahalagahan at minamahal ay siya pa rin hanggang ngayon. Hindi siya nagbago at hinding hindi ko nadama ang kaibahan sa kanya. Mali ang sinabi niyang isipin ko siya na iba sa kanyang nakaraan dahil hanggang ngayon ay gusto ko pa rin siya sa kung ano at sino siya noon. Ngunit napaka-tanga ko dahil hindi ko masabi sa kanya ang mga bagay na iyon. Marahil dahil natatakot ako na muling mangyari sa amin ang mga bagay na naganap dati. Kung sakaling magising ang diwa ko sa kagustuhan ng puso ko, magiging kabit ba akong muli? Magtatago ba akong muli? Paano na ang anak ko? Ayaw kong madamay siya sa mga posibilidad na mangyayari sa oras na sinunod ko ang damdamin ko. Ayaw kong maranasan niya ang paghihirap ko kaya't kailangan kong mag-isip ng mabuti. "I will file an annulment, I will marry you and you will be my wife baby. Just please give me time, I swear, I will make this right for us, please just love me again, just like you used to," saka siya tumingin sa akin. "Paano mo ako pipilitin na mahalin kang muli kung kailanman ay hindi kita nagawang hindi mahalin?" Tumulo ang luha ko at sa sobrang pagbugso ng emosyon ko ay nasuntok ko ang dibdib niya. "Hector I hate you because pinahihirapan mo ako," patuloy ko. Hinayaan niya akong gawin ang pananakit sa kanya at nang mapagod ako ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Are you done babe?" Tanong niya. Umiiyak lang ako at hindi ako sumagot. "Now look at me," saka niya ako tiningnan at pinahid ng mga hinlalaki niya ang mga luha sa aking mga pisngi. Pinilit kong tingnan siya sa kanyang mga mata at nakita ko mula doon ang kaseryosohan niya. "Listen to me, okay," mahina ang boses niya ngunit sapat na upang marinig ko iyon. "Let's make this right babe. I know that you still want and love me. So please let me here it from you. I will accept your past, if whoever is the father big Hercules, I will accept that child and you. So please tell me, do you want this to happen between us?" Tumango ako sa wakas. "Please,tell me. Huwag kang tumango lang. I want an answer," "I want you back too, Hector. But please don't rush things. Hindi ganon kadali," pag-amin ko. "Really? Alright. I will not rush things, promise babe," nakita ko ang ngiti sa kanyang mga mata. "Okay. So please leave me now. Ang dami ko pang gagawin," "I'll help you. Ano bang kailangan kong gawin?" "Nothing. Just please leave upang makapagpahinga na ako," sabi ko. "Am I allowed to be back here tomorrow?" "Yes," "Are you sure?" "Ayaw ko sa makulit," "Okay. May I drive you to work?" "Okay. Be here at 6," saka ako naglakad upang di na makulong sa kanya. "Okay. I'll be here at 5," "6," "Okay. I love you babe," "Sige na, uwi na," ako na ang nagbukas ng pintuan para sa kanya. "May I kiss you?" "Not yet," "Okay. Good bye baby," "Okay," ilalapat ko na sana ang pintuan ngunit pinigilan niya ako. "Is this for real?" "Oo nga," naiinis kong wika. "Sinabi mo iyan ah," "Ang kulit," "Okay. Good night," At tuluyan ko nang sinara ang pinto. Pagkatapos ay sumandal ako doon at nag-isip. "Tama ba ito?" Pagtatapos ng Ika-Anim na Kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD