Kabanata 4
PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica.
MARTHA
WALA AKONG ibang choice kundi ang pagbuksan si Sir Arthur. Kaya't naglakas loob na lang akong magtungo sa pintuan at buksan ito.
"Hello," bati niya mula doon.
Maluwag ang pagkakangiti niya at mayroon siyang dalang kotse-kotsehan. Ito kasi ang request sa kanya ng anak ko dahil nagsawa na siya sa laruan niyang regalo sa kanya noong huling binigyan siya nito.
"H-hello sir," sagot ko.
Pumasok na siya dahil sa kanya naman ang apartment na ito. Dere-deretso na siya sa loob at halata ko ang pagkagulat niya nang makita niya si Hector at si Hercules sa sofa.
Nakarinig ng ingay ang anak ko at nang nagmulat siya ng kanyang mga mata ay nakita niya si Sir Arthur.
"Tatay," napabangon bigla si Hercules at patakbong pumunta kay Sir Arthur.
Yumuko naman si Sir Arthur upang salubungin ang anak ko.
"I have something for you," ani Sir Arthur habang nasa likuran na niya ang kanyang regalo sa anak ko.
"What is it tatay?"
"This," saka niya ipinakita kay Hercules ang kotse-kotsehan na ibibigay niya.
"Wooow!" Napasigaw ang anak ko.
"What will you say anak?"
"Thank you tatay," saka siya humalik sa pisngi ni Sir Arthur.
"I have a new friend now. He is superman," sabi ni Hercules.
Tumayo si Arthur at saka tumingin kay Hector.
He knows Hector. I told him about Hector when we are starting to get to know each other. Kaya't hindi na rin siya magtataka kung nasa loob man ngayon si Hector at kasama ang anak ko.
"Hey Bro," bati ni Sir Arthur kay Hector.
Tumayo si Hector at saka lumapit.
"He saved me tatay. He is superman," pagmamalaki ni Hercules.
Nagtaka naman si Arthur sa sinabi ng anak ko.
"Ssshhh, it is just our secret right?" Ani Hector sa anak ko.
Tumahimik na rin si Hercules.
"Hey Bro. Hector," pagpapakilala niya.
Ngumiti lang si Sir Arthur at saka tumingin din sa akin na walang kibo sa tabi nila.
"Nag-dinner na ba kayo?" Tanong ni Sir Arthur to light up the atmosphere.
Napaka-awkward kasi ng kapaligiran at hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko.
"H-hindi pa," sagot ko.
"Tara, nagluto ka na ba?" Tanong ni Sir Arthur.
Mahilig siyang dumaan dito para lang makikain at uuwi na rin kapag nakatulog na ang anak ko.
"I have to go," paalam ni Hector.
"Join us Superman," sabad ng anak ko.
"No big man. I have to go, because I still have lives to save, alright. We'll see each other again, don't worry," ginulo niya ang buhok ng anak ko.
"When will that be?"
"Soon,"
"Will you go to my school and let them know that you are superman?"
"Hindi ba't sikreto lang natin iyon?"
"But they will no longer tease me kung makikita nilang friend ko po si Superman," mayroong lungkot sa mga mata ng anak ko.
"Baby, Hector is a busy person. He is a school accountant, right," sabad ni Sir Arthur.
"What's accountant tatay?"
Lumuhod si Hector upang tingnan sa mga mata ang anak ko.
"I'll ask your nanay kung papayagan niya akong sunduin ka, tomorrow. Will that be okay?"
"Yeheyyyy!" Lumundag pa ang anak ko sa tuwa.
"Okay. I'll go now," tumayo na si Hector.
"Thanks Martha," paalam niya sa akin saka tumingin kay Sir Arthur at ngumiti.
"I-ihahatid ko lang siya," paalam ko sa kanilang dalawa.
Sinundan ko si Hector palabas.
Pumapanaog kami ngayon sa hagdan pababa. Wala akong kibo at siya naman ay wala ring imik.
Ilang hakbang na lang at nasa baba na kami.
"Martha," huminto siya sa paglalakad.
Tumingin ako sa kanya.
"May I get your num…," hindi niya natapos ang sasabihin niya.
"Hector, mag-usap na lang tayo sa ibang araw," putol ko sa kanya.
"So, that means makakabalik pa ako ulit dito?" Ngumiti siya.
Napalunok ako saka tumitig sa kanya.
"You know that it is totally different now, right," sabi ko.
"Yeah I know. You now have a boyfriend. And I also have a wife," aniya.
So anong ibig niyang sabihin?
Inirapan ko siya.
"I mean, that's the difference," aniya.
Tumingin ako ulit sa kanya.
"I just want you to know na hindi ka pwedeng basta bastang pumasok na lang sa apartment ni Sir Arthur,"
"But I am not going to do anything unless you will allow me to…,"
"Tigilan mo na ako Hector," putol ko ulit sa kanya.
"But it is not you. Gusto ko lang makita ang anak mo at gusto niya rin akong makita,"
"Huwag mong gamitin ang anak ko sa mga balak mo,"
"Ipagkakait mo ba sa kanya na makita ako?"
"Oo kung iyon ang dapat. Wala naman kayong dapat pagsamahan," sabad ko.
"You know that you need to tell me something, soon," sumeryoso ang paningin niya at saka tumitig sa aking mga mata.
Biglang kumabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.
"Wala na tayong dapat pag-usapan Hector,"
"But you just said that sa ibang araw na lang tayo mag-usap," pagpupumilit niya.
"Yes but not here," wika ko saka humakbang ng isa.
"Where? In my place?"
Alam kong inaasar niya ako at pilit na ipinapaalala sa akin ang nakaraan kung saan ay lihim naming ginagawa ang mga bagay upang makaraos sa tawag ng laman.
Napailing ako dahil isa isang bumabalik sa akin ang mga bagay na iyon.
"Hector, will you please stop!"
Inagaw niya sa akin ang hawak kong cellphone at saka binuksan iyon.
"What are you doing?" Aagawin ko sana ang cellphone ko ngunit inilayo niya iyon.
Masyado siyang matangkad upang maabot ko ang cellphone ko.
"Give me your number," ma-autoridad niyang wika.
"No,"
"Then, I'll get it myself," saka niya muling tiningnan ang cellphone ko.
Aagawin ko sana ngunit hinagip ako ng malakas niyang kamay dahilan para magbungguan ang mga katawan naming dalawa.
Nagtamang muli ang mga mata naming dalawa. Nadama kong muli ang init ng katawan niyang tila ba tumatagos sa suot niyang puting t-shirt.
Ganoon pa rin siya. Limang taon na ang nakararaan ngunit hindi pa rin nagbabago ang karisma na mayroon siya. Habang tumatanda siya ay mas lalo siyang nagkakaroon ng malakas na s*x appeal.
Matipuno pa rin siya at naalala ko ang sobra sobra kong paghaplos noon sa kanya nang mga panahong iyon.
Pero teka, pinupuri ko na naman ang taong dapat kong iwasan.
"Let me go," pumiglas ako.
"Kada pilit mong layuan kita, mas lalo akong ginaganahan na lapitan ka. Martha, let's bring back our past, come one. Come back to daddy," halos pabulong na ang pagkakasabi niya nito at naamoy ko ang mabango niyang hininga na dumadampi sa aking pisngi.
Umiwas ako sa kanya ng tingin.
"Now that I got the chance to be with you again, mas lalo mo lang pahihirapan ang sarili mong umiwas, baby," saka niya sinubukan na halikan ang pisngi ko ngunit umiwas ako.
Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko mawari ang tumatakbo sa isipan ko dahil wala akong ibang maisip kundi ang bagay na gusto ng puso ko.
I want him, too. But it's different now. Totally.
"I know you want me back babe," aniya.
Nabasa niya ba ang nasa isip ko?
"No, I don't want you back, Hector," tanggi ko.
"Iba ang sinasabi ng katawan mo, Martha," aniya sabay tingin sa kamay kong ngayon ay kapit na kapit na pala sa t-shirt niya.
Agad kong binitiwan iyon at saka napaatras.
"Please leave," sabi ko.
"I'll just leave when I get to have your number with me," saka niya binuksan ang cellphone ko at umilaw iyon.
Wala na rin akong magagawa kaya't hinayaan ko na siya.
"What's the password?" Tanong niya.
"05-22-16," sabi ko.
"What's that?"
"Wala ka na doon,"
Hindi na siya umimik pa. Hanggang sa magsearch siya at nag-type sa kanyang cellphone.
Upang masigurong iyon nga ang number ko ay tinawagan niya ito at nag-ring.
"Alright, you can have it now, babe," aniya saka ibinigay sa akin ang cellphone ko.
Walang ganang inabot ko ang cellphone ko at saka tumitig lang ng masama sa kanya.
"Tomorrow, ihahatid ko kayong dalawa ni Hercules in your work place. Don't try to block my number, I can have all the way to get it back. Plus, tell that guy over there that I am not afraid to get you back. Good bye beautiful," saka niya ako biglang hinalikan sa pisngi ko.
Nakaw iyon ngunit damang dama ko ang init ng kanyang mga labi at ang pagkakadampi niyon sa pisngi ko ay naging dahilan upang mag-init ang aking pisngi at sa palagay ko ay namula iyon.
Agad ko siyang nasampal at halatang nagulat siya.
"Aww," nasapo niya ang kaliwa niyang pisngi na dinapuan ng kamay ko.
Ngunit pagkatapos niyon ay hinalikan niya ako ng sapilitan sa aking labi.
Napasandal ako sa pader at nahalikan niya ako na tila tumagal ng limang segundo bago ko siya masampal ulit.
Gulo gulo ang buhok kong tiningnan siya.
"Bastard," angil ko.
Ngumiti siya ng nakakaloko at tila inaasar pa ako.
"Your lips still tastes good,huh. Good job," nag thumbs up pa siya.
Tiningnan ko siya ng masama at ninenerbyos pa rin ako.
"Last one," saka niya ako hinalikan muli sa noo.
Nagtagumpay siya ngunit nahagip ng kamay ko ang kanyang pisngi at nasampal siya.
Nakangiti pa rin siya at tila ba isang loko loko na naglakad pababa. Hindi na siya lumingon pa.
Bago siya makababa ay kumaway siya na nakatalikod na para bang ina-anticipate na nakatingin pa rin ako sa kanya.
That bastard.
I still want him. Damn.
Pagtatapos ng Ika-apat na kabanata.