Chapter 2

2201 Words
WALA na ngang nagawa si ate Regin, nang sabihin ko sa kanya na ako muna ang papalit sa trabaho nya. Matagal ang naging usapan namin bago ko sya napapayag. Wala rin kasi kaming sapat naipon dahil sa bahay at pagkain lang napunta ang pera ni ate regin gusto kong bumawi sa kanya. Ipinakilala ako ni ate sa manager at sa may-ari nang bar. Pero usapan nila ni ate regin ay waitress lang ang magiging trabaho ko. Pumayag naman ang manager at sa gabing iyon ay magsisimula na ako. Inihatid ko na si ate regin sa bahay at ako naman ay naghanda na para bumalik sa bar 4PM na kasi kaya dapat bago mag 6 ay naroonna ako. 6 to 6am ang duty ko sa bar gaya ni ate regin. Siya rin ang nag-ayos sakin nang damit ko maging nang makeup ko. Humanga pa nga siya nang matapos ako nitong ayusan. "Mariposa, seryoso kaba na doon ka papasok? Pwede kapa umatras. Sayang ang ganda ganda mo hindi ka bagay don, babastosin at hindi ka lang gagalangin nang mga lalaki sa loob lalo na sa labas kapag nalaman nila na sa bar ka pumapasok". May pag-alalang wika ni ate sakin. "Oo ate payag na ako sa trabaho ko at isa pa diba napag-usapan na natin to? At saka ate kailangan natin ng pera wag mong isipin ang mga taong nasa paligid ko o paligid natin. Walang perpekto lahat tayo nagkakasala ito lang ang choice natin para mabuhay. Wala akong pakialam sa kanila basta ako magtatrabaho parin". Sagot ko dito. "Hays. Sana nasa school ka ngayon hindi sa bar".malungkot na untag nito. "Ate please pwede ba tigilan na natin to, para satin ang gagawin ko para sa magiging anak mo, at isa pa wala naman talagang dapat itago sakin alam mo yan dahil kinuha na lahat nang demonyong amain ko. So ano pang itatago ko?" Nakangisi ngunit may galit sa isip ko. "Sige na, pumasok kana mag-ingat ka doon okey". Ani ate nang ihatid nya ako sa labas nang bahay. Tumango lang ako sa kanya pagkaalis ko sakay nang trisekel. 5:45 nang makarating ako sa naturang bar kong saan ako magwowork. Yayamanin ang bar dahil malaki ito at malaki raw ang bigayan nang tip, higit pa roon mga mayayamang tao ang pumapasok sa loob para uminom or maghanap nang aliw. Pagpasok ko sa loob ay sinalubong agad ako nang manager namin. Bakla siya at napanganga rin sya tulad nang kapwa ko babae sa loob nang makita ako. "Wow, ikaw iyong bago ang ganda mo naman.Sure ba na dito ka talaga magtatrabaho". USISA NANG ISANG BABAE na halos kaedad ko lang. "Ah, oo. Ako ang kapalit ni ate regin". Nahihiyang sagot ko. "Ah ikaw pala.Ang ganda mo di ka bagay dito pero ikaw rin naman ang masusunod". Segunda naman nang isa. "Hoy, kayo magsitahimik nga kayo. Mas okey nga iyon no para mas mabenta tayo sa alak dahil may maganda tayong bago ngayon, tiyak akong marami ang kukuha sa kanya para itable". Sambit nang bakla na manager namin Tama nga ang manager namin dahil sa unang gabi ko palang sa trabaho ay marami na ang gusto akong itable pero tinatanggihan ko sila dahil waitress nga ang trabaho ko. Pero nong papunta ako sa counter ay nilapitan ako ni manager. "Mariposa, pumayag kana mag pa table. Wala ka naman gagawin kundi nakipag-usap at makipag inuman kapalit nang pera malaki ang bigayan doon wala namang mangyayari eh". Pang iiganyo nang bakla sa kanya. Napilitan si mariposa lalo na nong sabihin sa kanya nang manager na 3k raw ang mapunta sa kanya kapag nagpatable sya. Malaki na iyon at makadagdag sa ipon. Sa madaling salita 3k sa isang makatable nya at kong ilan ang makatable nya ay ganon rin ang doble nang perang kikitain nya. Wala pa sa sahod nya bilang waiter. Isang matandang lalaki ang nakipagtable sa kanya pero halatang mayaman. Unang kita palang sa kanya ay gusto na nitong sunggaban si mariposa subalit nagpaalala ang manager na bawal iyon. Ang usapan nila ay uupo lang si mariposa ,mag-uusap sila at iinom sa halagang 5000 pesos. Kapag itatakeout naman daw si mariposa ay 20,000 pesos all in na. Nakipag-inuman nga ako sa matandang customer namin. Halatang mayaman talaga ito dahil mamahaling alak ang inoorder at pinaiinom nya sa akin. Sa una ay ayaw ko nang lasa dahil unang beses ko pa lamang makatikim nang alak pero kalaunay nagustuhan ko narin. Tinatanong ako nang matanda kong ano raw ang pangalan ko at sinabi ko naman. Pero habang nagtatanong pa ito ay naramdaman ko ang kamay nya na gumagapang sa aking hita. Nabigla ako kaya nasampal ko ito wala sa oras dahil mukha nang amain ko ang naalala ko. Mabuti na lamang at hindi nagalit sakin ang matanda sa ginawala ko, tumawa lang ito nang mahina at sya rin ang kusang nagsorry sakin. "Oh, bagohan ka nga talaga sa ganito. Bakit dito mo napiling magtrabaho. Di ka bagay dito". Panimula nang matanda. "W-wala na akong pamilya". Tugon ko naman. "Kong papayag ka, sumama ka nalang sakin at mamuhay bilang reyna sa bahay ko. Lahat nang gusto mo ibibigay ko basta paliligayahin mo lang ako". Deretsahang wika nito. "Sorry sir pero wala sa isip ko ang mag-asawa nang matanda". Seryosong sagot ko. "Hahaha! Just kidding iha. Nagbibiro lang ako. Btw aalis na ako, ito pala ang tip mo at bayad ko sa mga nainom ko". Paalam nang matanda sabay lapag nang 5000 pesos maliban sa inabot nyang 10,000 sakin. Masaya ako kasi malaki ang natanggap kong tip. Pero kalaunay nalungkot rin dahil hindi na ako iba sa mga babaeng naging bayaran. Patuloy lang ako sa aking trabaho hanggang sa tuluyan nang nanganak si ate regine Regin Pableo Evangelista . Mas kakailanganin ko nang dobleng pera lalo na at kailangan operahan si ate dahil may sakit sya sa puso. Wala nang ibang tutulong sa kanya kundi ako lang. Ako na mismo ang humingi ng trabaho kay manager na pagbigyan nya ako para mas malaki ang kikitain ko. Sinabi sakin ng manager na mag patake out raw ako sa mayayamang costumers nila dahil malaki raw ang bigayan lalo na kong maganda at sexy ang mailalabas. Labag man sa kalooban ko ay pumayag ako. Isang lalaki edad 50+ ang gusto akong dalhin sa hotel para makaraos. Pero bago pa ako pumayag ay may isang lalaking gwapo, matangkad at matipuno ang katawan ang siyang lumapit at hinapit ang bewang ko. "Sakin siya sasama." Sambit ng lalaki na tanya ko ay nasa 20 anyos lang. "Seryoso kaba boy? Baka di mo maibigay ang presyo dyan". Sagot naman nang matanda na balak akong ilabas. "Willing akong magbigay dito kahit isang milyon pa, so manager sakin na sasama si miss mariposa?" Paalam nya sa managaer ko at nilapagan iyon nang libo-libong pera at basta nalang akong hinatak palabas nang bar. Mamahaling sasakyan rin ang minamaneho nya na halata talagang mayaman sya. Hindi kami sa hotel pumunta kundi sa isang malaking bahay. May mga maids na nakaabang sa pagpasok namin. Dinala ako nang lalaki sa isang kwarto at lumabas rin kalaunan. Naiwan akong mag-isa sa kwarto at namangha sa mga bagay na nakikita ko. Lahat nang bagay na nakikita ko ay yayamanin pati ang kama, beed sheet ay halatang mamahalin. Nagkaroon tuloy ako nang imahinasyon na sa isang katulad kong bayaran ay nangarap na yayaman balang araw. Habang nag iniikot ko ang paningin ko ay biglang pumasok ang lalaki. Nagbago na ang suot nitong damit naka pambahay na sya. Ngumiti ako sa kanya at lumapit ako dito habang inaakit siya. Pero imbes maakit sakin ay pinigilan nya ako sa gusto ko sanang gawin sa kanya. Sabi kasi ni manager na ako raw dapat ang gagawa nang moves para masisiyahan raw ito at mabigyan ako nang malaking tip. "Kakain muna tayo, alam kong gutom kana. Sumabay kana sakin". Alok nya sakin at nilahad ang kamay para sabay kaming lalabas sa kwarto. "Kakaiba naman ata itong customer ko"! SUMUNOD na ako sa lalaking gwapo patungo sa hapag-kainan. Sobrang dami nang mga pagkain ang nakahanda sa misa na animoy may handaang magaganap. Nagtaka pa ako kong bakit walang ibang nakaupo sa upuan liban sa lalaking ito. "Umupo kana at kakain na tayo".bulalas nito sakin. Nagulat pa ako sa boses nya dahil ang cold niyang magsalita. Umupo na ako sa tapat nang misa at tiningnan isa-isa ang mga nakahandang pagkain. "Kumain kana, hindi ka mabubusog kapag titigan mo lang yan". Muli akong napatingin sa lalaki dahil sa boses nyang cold at seryoso. Hindi ko rin ito nakitaan nang pag ngiti mula kanina. Sumandok na ako nang pagkain ko at nagsimula naring kumain. Ilang saglit pa ay nauna nang natapos ang lalaki samantalang ako ay lumalamon parin. Bigla pa akong nahiya dahil nakatingin ito sakin habang nagkakamay. "Tsk". Rinig kong bigkas nang lalaki "Abay, suplado. Mamaya ka sakin. Tingnan natin kong makakasuplado kapa sa gagawin ko." Bulong ko sa isip pero kalaunay nanginig rin dahil hindi pala basta-basta ang trabaho ko. Isa akong babaeng bayaran na gagawin lahat para sa malaking tip na malukuha at syempre ang bayad nya sakin. Ang lalaking ito ang kauna-unahan kong customer na makakatikim sakin bilang bayaran. Kakayanin ko alang-alang kay ate Regin dahil sa ngayon ay nasa ospital ito at naghihintay lang rin ng pera para maopearahan na sya. Maging ang baby nya ay nasa ospital din bantay ng mga nurses. Kailangan ko nang matapos agad ang trabaho ko sa lalaking to at maibigay nya ang pera na bayad sakin nang sa ganun pupuntahan ko kaagad si ate sa ospital. Nagpahinga lang ako nang kaunti at nagpaalam sa lalaki kong pwede naba pumasok sa kwarto na pinasukan ko kanina. Malamig niya naman akong tiningnan at tumango. Ang tipid niya magsalita idagdag mo pa ang pagkacold nya. Pagpasok ko sa kwarto ay dumeretso ako sa banyo na tanging tuwalya lang ang aking dala. Nilinis ko nang maayos ang aking sarili para bago nya ako gamitin mamaya ay wala itong masabi. Maya-maya pa ay lumabas na ako sa banyo at naghintay sa lalaking bumili sakin. Pero ilang minuto akong naghintay sa kanya ngunit hindi ito pumasok. Nababagot at naiinis na ako dahil nagmamadali ako. Lumabas ako nang kwarto at hinanap ito, mabuti nalang at pahinga ngayon nang mga maids sa kani-kanilang kwarto nabasa ko kasi na nakasulat sa papel na nakadikit sa pader na tuwing 1pm to 3pm pahinga nila. Hinanap ko ang lalaki pero hindi ko ito mahagilap, hanggang sa isang kwarto ang medyo bukas kaya pasimple akong sumilip doon at nakita ko roon ang lalaki na halos kakalabas lang nang banyo. Napangiti ako dahil nag reready na pala ito. Dahan-dahan akong pumasok saka dahan-dahan na lumapit dito. Sinimulan ko na ang trabaho ko nang makalapit ako sa kanya. Hinalik-halikan ko na ang likod nya, balikat nya at sinimulang pagapangin ang aking kamay sa kanyang tyan. "Wtf"! Mura nya sabay harap sakin. "Why?" Gulat kong sabi. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" Sigaw nya sakin. "Ano ba sa tingin mo ha? Maang-maangan kapa! Hindi ba ito naman ang dahilan kong bakit moko kinuha sa bar? Ano pa aasahan ko diba edi ang gamitin moko"! Sigaw ko rin dito. Wala ata plano ang gag* ano dahilan nya? Kinuha nya lang ako don at dinala dito na wala naman palang balak makipag ano sakin sinayang niya ang oras ko na sana don sa matanda nagkapera na ako! "Bumalik kana sa kwarto mo"! Inis niyang turan at akmang babalik nang banyo nan sigawan ko ito. Sinayang mo ang oras ko, dinala moko dito nang wala lang? Di sana hindi mo na ako nilabas at hinayaan ako don sa matanda na alam kong magkakapera ako! Aalis na ako bayaran mo ang oras na sinayang mo sakin, dahil kailangan ko nang pera. Kailangan may mangyari satin"! Gigil kong sabi dito. Nagulat ako nang lumapit ito sakin at bigla akong hinalikan nang marahas. Halos magdurugo ang labi ko dahil sa panggigigil nito sakin. "Ito ba ang gusto mo ha, pagbibigyan kita"! Aniya at muli akong hinalikan at inihiga sa kama. Tinannggal na nito ang suot kong tuwalya sa katawan at tumambad na sa kanya ang kabuoan ko. Ilang saglit pa ay tumayo siya at nilagay sa katawan ko ang tuwalya. "Huwag mong sabihin na hindi mo itutuloy?" Inis na sambit ko. "Bumalik kana sa kwarto mo, at ito". Sambit nya saka lumapit sa kanyang kabinet may kong ano itong kinuha doon. Ilang minuto rin ang tinagal nya sa kabinet bago lumapit sakin hawak ang sobre na may lamang pera. Kumuha pala ito nang pera at binigay sakin. Binilang ko iyon at ganun nalang ang paglaki nang mga mata ko dahil 500,000 Sobra na ito para sa pang opera ni ate. "S-sigurado ka na ganito kalaki ang ibabayad mo sakin? Pero wala pang nangyayari satin ah"., Saad ko. "Magbihis kana at umalis ka narin dito". Pagtutulak nito sakin. Wala na akong sinayang na oras pero bago pa ako lumabas ay ninakawan ko muna ito nang halik na ikinabigla nya. Masyado kasi akong natuwa sa perang ibinigay nya. Wala na kaming poproblemahin ni ate regine mamaya. Nagbihis nga ako at umalis na sa bahay nang lalaki, nag taxi ako pauwi para kumuha nang ibang gamit na kakailanganin ni ate sa ospital bago ako tumungo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD