Gustong matawa ni Sunshine pero pigil na pigil lang n'ya habang palihim na vinivideohan si Apollo. May malay ito ng ilipat sa private room nito. Kanina pa ito naka titig sa kanya na parang pinipilit na kilalanin s'ya. Ayon sa nurse side effect daw yun ng anestisya rito kaya ganun ang intial reaction ni Apollo, hindi ito nag sasalita kitang groggy pa ito at pinipigilan lang na pumikit. May benda ang ulo nito at may bandang ulo nito ang inahit ang buhok para daw matahi ng ayos ang sugat. "Who are you?" tanong pa nito sa mahinang tinig. "Don't you remember me, I'm your girlfriend." "Oh my god! am I cheating on my girlfriend Kylie?'' tanong pa nito na parang 'di makapaniwala habang nakatingin sa kanya. Tumaas pa ang kamay nito at gamit ang index finger na inilapat pa sa pisngi n'ya. "Your