Dalawang taon ko na hinahanap si Bella. Ngunit hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ito nagtatago. Kahit halughugin ko ang Pilipinas hindi ko pa rin ito nakita. Marami na rin nagbaga sa dalawang taon na iyon. Nahuli ko na rin si Anita at pinarusahan ng husto ng grupo namin hanggang sya na mismo ang humiling na tapusin ko na lang ang buhay nito. Pinalabas ko nahuli ito ng mga pulis para walang issue tungkol sa babae. "Good morning" Lord!" sabay-sabay nilang bati sa akin. Hindi ako tumungon sa kanila bagkus umupo ako sa mahabang mesa. Tahimik lang ito at walang sino mang magtangkang magsalita. Ang pinakaayaw ko habang kumain ako may nagsasalita. "Good morning" Bro!" bati ni Carlos sa akin. "Bakit? Nandito, baka nag-alala na naman ang magulang mo," untag ko sa pinsan ko.