Bella POV Putok ng baril ang narinig ko mula sa labas. Alam ko nandito na si Harris upang iligtas kami ng anak ko. Nanghihina na rin ang katawan mula sa pagkabugbog ni Jane. Nanalangin na sana walang masamang mangyari sa anak sa loob ng tiyan ko. Mabuti na lang na tanggal ko ang takip sa bibig ko. "Anak-anak! Ayos ka lang," paulit-ulit na tawag ko sa anak ko. Ngunit hindi ito nagising kaya lubos ako nag-alala kay Clark. "Anak, wag mo naman ako takutin ng ganyan, gumising ka?" maluhang-luha saad ko sa anak ko. Hindi ko ito mahawakan dahil may tali ang aking kamay. Maya-maya bumukas ang pinto. Pumasok roon ang babaeng may takip ang mukha. "Ayos lang kayo!" saad ng taong naglitas sa amin. "Sino, ka bakit nandito ka?" tanong ko dito. "Wala na tayong oras upang magpakilala ang impor