CHAPTER 2: Paubaya

1587 Words
Mia's POV “What the heck!” Bulyaw ko nang mapabalikwas sa kama dahil sa naramdaman kong malamig na kung anong ibinuhos sa akin. Napatili ako at pupungas-pungas na pinunasan ang basa kong mukha. Napatingin ako sa kung sinong gumawa sa akin nito at tumambad sa harapan ko ang bruha kong kapatid na si Angel. “What the heck is your problem huh?” Naiinis kong tanong sa kanya. Nakataas ang kilay at nakahalukipkip siyang nakatingin sa akin. Wala man lang bahid ng pagsisisi sa mukha niya. “Kanina pa kita ginigising, inalog na kita at lahat tulog ka pa rin kaya ayan! Binuhusan na lang kita ng malamig na tubig,” anito. Tiningnan ko ang kama ko at may kasama pa talagang yelo. Napaka bruha! Napapisil ako sa sintido ko. Ang sakit ng ulo ko, parang may hang over yata ako. Pati katawan ko masakit—para akong nakipagbugbugan kagabi. “Ano? Wala ka bang balak umattend ng kasal ko?” Tanong ni Angel sa akin. Nagbalik ako ng tingin sa kanya at saka ko lamang napansin na naka bride's robe pala siya at may naka-clip pang pangkulot sa buhok niya. Naka make-up na rin siya. Kasal niya nga pala ngayon. At iyon nga pala ang dahilan kung bakit ako nagwalwal kagabi. “Hoy, umamin ka nga. May masamang tinapay ka ba na ikakasal kami ni Jaydee?” She asked straightforwardly. Inirapan ko naman siya. “Kapag sinabi ko bang Oo hindi mo itutuloy ang kasal?” Sagot kong nanunudyo. Gano'n ako sa kanya. Dinadaan ko sa pahaging ang nararamdaman ko minsan ukol sa relasyon nila ni Jaydee. The man I love and soon to be my brother-in-law. Funny right? “Gaga!” Sagot nito at saka binato ako ng unan. “E ‘di ikaw na ang pinakamasamang tita sa buong mundo kung gano'n,” anito saka hinaplos ang tiyan. She is 4 weeks pregnant kung kaya't minadali nila ang pagpapakasal. “Joke lang! Napakasensitive ng bruha,” tugon ko naman. Which is understandable naman kasi ugali raw iyon ng mga buntis.   “Then get the f**k up there and fix yourself,” anito saka tuluyan na akong iniwan. “Yeah sure,” I murmured. Kakabati lang namin galing from eight long years na pagtatampuhan. Mahal ko naman ang babaeng iyon kahit bruha siya. Well, I was just blinded by jealousy sa mahabang panahon.  Nasa kanya na kasi ang lahat. Beauty, brain, own home and cool image. Everything that I wanted is just so easy for her to have. And it took me eight freaking long years before I finally realized that I should not be jealous of her. Actually kung hindi lang nawala ang daddy, baka magkaaway pa rin kami ngayon. Gusto kong bumawi. Kaya kahit masakit, ipapaubaya ko si Jaydee sa kanya kahit siya ang Ate. Pero as if naman akin siya! Alam ko rin naman na si Angel ang mahal niya. Enough with the drama. Tumayo na ako sa higaan. s**t naman! Bakit kaya ang bigat ng katawan ko? Pakiramdam ko nakipag wrestling ako kagabi. Hindi ko naman maalala kung anong pinaggagawa ko. Biglang may nag flash sa isipan kong mukha ng isang lalaki. His face was so close to mine in my imagination. He was a bearded man, with thick brows, dark stared eyes and a prominent nose. He has a chiseled jaw line and mouthwatering lips. I am good at recognizing people's faces so I am so sure that it was that guy! That Herson, the owner of the bar. At bakit ko naman siya naisip bigla? Dahil ba do'n ako naglasing sa bar niya? Bakit ba? Kung hindi lang naman dahil sa free drinks coupon na binigay niya, e hindi ako magwawalwal sa bar niya. Sayang naman. Hindi ko rin naman nakitang nando'n siya. Pero.... OMG. Ano ba 'tong naiisip ko? “Come with me, let's talk...” Nag-eecho sa isip ko ang boses niya. Which is hindi ko maintindihan kung bakit.   Sunod kong naisip ay hinihila niya ako papunta sa kung saan... He was assisting me to walk... He laid me in a couch... And I kissed him? Shit! Ano ba itong naiisip ko? Napahawak ako sa bibig ko at tumakbo sa banyo. Nabuwal ako bigla. Nagmumug pa ako sa lavatory at pagkatapos ay napatingin sa salamin. “What did I do?” At hindi ko na talaga nagustuhan ang iba ko pang naalala. Taena talaga!           **** “Huy, bakit ka ba nababalisa diyan?” Tanong ni Angel sa akin. Nasa bridal car na kami ngayon at papunta na kami sa reception. In fairness, ang ganda ganda niya sa suot niyang balloon type off shoulder wedding gown. Syempre maganda rin ako kahit na infinity dress lang na kulay maroon ang suot ko. Napahawak ako sa sintido ko. In denial stage ako sa mga naiisip ko. For Pete's sake! Napaka gross talaga. “Matanong ko lang, paano ba ako nakauwi kagabi?” I started to ask her.  “Hindi mo maalala?” Tanong niya. “Magtatanong ba ako kung naaalala ko?” Pambabara ko naman. Umiling-iling siya. “Herson called me, you were so wasted. Hindi mo na raw kayang umuwi kaya sinundo ka namin ni Jaydee. I found you so wasted in a private KTV room.”   “What?” Private KTV room? Ang pagkakaalala ko ay hindi naman ako nag-rent doon. Walanghiya! Ibig sabihin totoo iyong mga naaalala ko kanina? “What the fudge!” Ani ko sabay hawak sa mga labi ko. Napapasighap pa ako out of disbelief. “Ano bang problema mo?” Nagtatakang tanong naman ni Angel. “Para kang sabog,” kumento pa niya. May nangyari sa amin ng lalaking iyon kagabi? And how could I tell my sister about it? Sobrang kahihiyan! At walanghiya! Kinuha niya ang virginity ko. Kyaaaaah! “W-wala. Forget it,” tugon ko na lamang. Buti at hindi na rin nangulit ang buntis. Shocks! Hindi naman yata invited ang gunggong na iyon no? Pero s**t talaga! Sana over imagination ko lang lahat ito. Finally, nakarating na kami sa simbahan. Hindi ko maiwasang kabahan. As if naman ako ang ikakasal. Totoo na nga ba 'to? Hinintay muna naming matapos ang entourage. Kami kasi ang huling maglalakad sa aisle. Ako kasi ang maid of honor niya. This is it! Heto na. Tapos na iyong flower girls at ring bearer. Ako na ang susunod. Bumaling ako kay Angel bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Niyakap ko siya nang mahigpit.   “Masaya ako para sa'yo.... Ate.” Medyo awkward sa part ng 'ate' matagal ko na kasi siyang hindi tinawag no'n. A small tear fell from her. This time hindi lumabas ang pagkabruha niya. Ramdam kong ate ko talaga siya. “Thank you,” ani niya. Simpleng salita pero napakaraming laman. Thank you kasi nagparaya ako. Thank you dahil dumalo ako sa pinakamahalagang araw niya. Thank you dahil nagkabati na kami.   I just smiled and walk out from the car. I entered the church. I finally saw the aisle and took a small step. Nakaka in love iyong kanta. Pero ako, iyong music na nasa isip ko habang naglalakad ay Paubaya ni Moira. I should do my best na hindi tumulo ang luha ko hanggang matapos ang paglalakad ko patungo sa altar. Imagine walking the aisle while seeing the man you love waiting at the altar. But you are not his bride. Only the maid of honor. Mas masakit pa yata sa saksak na sampung ulit. I have to be brave at kailangan kong itawid ito nang di nagbre-break down. I now finally reached the altar. I gave Jaydee a smile and headed towards my seat. At nang makaupo na ako ay saka ako nagpakawala ng buntong-hininga. I did it. Good job self.   Nilingon ko namang muli ang gawi ng pinto. Naroon na si Angel. She started walking. Meanwhile, Jaydee started to sing a song for her. So sweet. Hindi ko na nga napigilan ang munting luha na tumulo sa mga mata ko. But I stopped immediately. Ayokong may makapansin sa pagdra-drama ko. In fairness, na-survive ko naman hanggang matapos ang seremonya. Uuwi na sana ako at pumayag naman si Angel. Kaso ako ang nahiya. Baka nga lumabas na bitter ako kaya itotodo ko na. I stayed until reception kahit wala akong friends. Nasa sulok lang ako at tumutungga ng Jack Daniels habang pinapakinggan ang mga message ng guest sa bagong mag-asawa. “Why are you alone here Babe?” Ani ng boses na nanggaling kung saan. Hindi ko lang pinansin. Alam ko namang hindi ako iyon dahil wala naman akong boyfriend para may tumawag sa akin ng babe. Pero nagulat ako nang biglang tumambad sa harapan ko ang isang lalaki. And he was that jerk! Mabilis kong tinakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko. Hindi rin ako umimik.   “Hey, what's the point of hiding? Nakita na kita,” he said and tried to sweep my hair out of my face pero kinabig ko siya. “Ano ba? Hindi kita kilala,” naiiritang tugon ko. “Really?” Nanunudyo niyang tugon. “Paano iyong kagabi, wala na lang iyon?” Medyo sinadya niyang lakasan ang boses kaya napatingin ako ng matalim sa kanya. “Shut up. I don't know what you're talking about,” I slurred. He just smirked like crazy. “Oh, ang dali naman sa iyong kalimutan ang nangyari sa'tin—” Bago pa man siya makapagsalita ay tinakpan ko na ang bibig niya. Walang dapat makarinig sa kanya dahil ikasisira ng image ko iyon. At ang manyak! Inamoy pa ang palad ko. “Hmmm. Smells the same as last night...” “Hindi ka titigil?” Sabi ko saka nagtaas ng kilay. “Relax babe,” he cooed. Mas lalo akong nainis kaya tumayo na ako at lumabas ng venue. Binilisan ko ang paglakad pero naramdaman kong nakasunod siya sa akin. Narating na namin ang garden sa kakasunod niya. “Ano bang gusto mo?” Naiinis kong tanong saka humarap sa kanyang muli. Naghalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.   “Look. What happened to us last night was just a one-night stand. Let's not make it a big deal okay?” I explained. Pero walang hiya! Paanong hindi big deal na kinuha niya ang viginity ko? “Is that how you will act towards the person who took your virginity?” I snorted. Grrr! How did he knew about it? “What? You want me to file a rape case against you?” I said bluntly. “Ikaw kaya ang nauna,” tugon niya na may halong pagpapa cute. “Talaga lang ha—” “I'll take responsibility for you.”   “What?” Natigilan ako sa sinabi niya. “Let's date.” I snorted again. “Are you crazy?” “Be my girlfriend.” Nanlaki ang mga mata ko. I can't believe him. He must be really freaking crazy.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD