"SO... HOW'S your mission?" Saglit na natigilan si Lucian mula sa paghihiwa ng steak na nasa kanyang harapan, dahil sa tanong na iyon ng kanyang ama. Naroon siya, kasama ang kanyang ama at dalawang kapatid sa isang mahabang hapag, na kasya yata ang dalawampung katao, at magkakaharap sa isang masaganang hapunan na ipinatawag ng kanilang ama. Mula nang may mangyari sa kanilang dalawa ni Yana, at itigil niya na ang paghahanap ng isang mortal na maaaring magdala ng kanyang supling, upang pagbigyan ang hamon ng kanilang ama, para sa susunod na tagapagmana ng kanyang trono, ay disimulado niyang iniiwasan na magkaroon ng pagkakataon na magka-usap sila ng kanilang ama. Medyo may katagalan na rin mula nang huli siyang tumuntong sa palasyo, kung saan siya lumaki at nagka-isip. Hindi na lamang s