"I know where the items are!"
Biglang napatigil sina Brando sa ginagawang pagpatay sa mga tauhan nina Demitri nang magsalita ang isa sa mga natitira pa.
Maverick eyes narrowed and paused from taking his motorcycle from the ground. He then turned to the person who spoke a while ago.
"What did you just say?" he asked.
Malinaw niyang narinig ang sinabi nito pero gusto niyang siguraduhin kung tama nga ang kan'yang narinig.
Si Brando naman ay pinatayo ang lalaki, hawak ang collar ng damit nito. Tinulak niya ito palapit kay Maverick para ito mismo ang kumausap sa kanya.
"I. . .I heard that the cont. . . contraband was sent to another group—"
"Which group?"
Hindi nito natapos ang sasabihin nang bigla itong hinablot ni Maverick sa kuwelyo nito at hinila palapit sa kanya na halos dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Nanginginig ang lalaki na napapikit dahil sa matinding takot na ni hindi magawang salubungin ng tingin ang mga mata ni Maverick na muling nag-aapoy sa tindi ng galit.
"B. . .boss. . ."
"Which group?! Can you just fvcking tell me? Now!" pasigaw na wika ni Maverick sabay bitaw sa lalaking hawak at tumalikod habang sinusuklay ng daliri ang buhok. Halos maglabasan ang litid nito sa leeg sa galit na nararamdam. Ang mga nito'y nanlilisik na animo'y leon na handang manakmal ng kahit na sino.
Ang kan'yang mga tauhan ay napapailing na lamang dahil sa mabilis na pag-init na muli ng ulo nito. Paano nga ba makakasagot ang tauhan ni Demitri kung hindi niya ito binibigyan ng tamang panahon para makapagsalita maliban sa nababalot na ito ng takot dahil sa nakikitang galit mula sa kanya?
"I just heard the country Philippines but I didn't hear what was the name of the group." Hindi magkandatutong tugon ng lalaking bihag.
Biglang lumingon dito si Maverick na naniningkit ang mga mata sa galit. At ilang sandali ay inilang hakbang niya ang kinaroroonan nito at muling pinatayo hawak ang kwelyo nito.
"That's all?" he asked with his teeth gritted in annoyance and anger. He was annoyed with himself because he was betrayed. He began asking why his foes got easily slipped off from them. They managed to get their products without a hitch. But, was triggered by the name of the place mentioned by the man —The Philippines!
Nasapo ni Maverick ang ulo nang tila umaalingawngaw sa kan'yang pandinig ang lugar kaya pabagsak niyang binitawan ang lalaking hawak. Umakyat baba ang dibdib nito na parang hapong-hapo at kasabay na naningkit ang kan'yang mga mata ay inilang hakbang ang kinatatayuan ni Brando at hinablot ang hawak nitong de kalibreng baril at walang habas na pinagbabaril ang natitira pang tauhan ng kalaban habang malakas na sumisigaw. Hindi ito tumigil kahit na wala ng buhay ang mga nilalang na nasa kan'yang harapan hanggang sa kahuli-hulihang bala na nilalaman ng sandata. Pati ang sariling mga tauhan ay nahintakutan sa kan'yang ginawa kaya kanya-kanya din silang kubli bago pa man sila madamay sa ginagawa ng amo. Tila saglit itong nawala sa sarili at walang pakundangan sa ginawa.
"Boss! Boss!" Mabilis na inagaw ni Brando ang sandata at ibinigay sa isa pa nilang kasama at inalalayan si Maverick papunta sa upuang kanina'y gamit ni Demitri. Iniupo niya ito doon at pilit pinapakalma.
Pikit-matang isinandal ni Maverick ang likod sa silya. Malakas pa din ang tahip ng kan'yang dibdib at namumula ang mukha sa tindi ng emosyong bumabalot sa kanya. Poot at galit ang lumukob sa kan'yang pagkatao. Halos maglabasan ang mga ugat nito sa braso at leeg sa tindi ng emosyon.
Brando motioned to one of their men to get the water from the car. The man then gave it to him afterwards while the others were busy clearing their mess. Dead bodies piled up as they gathered them but they were vigilant, shifting their stares from time to time to their boss. They were afraid that out of a sudden, he will loss control again.
Agad na tinungga ni Maverick ang laman ng isang boteng tubig hanggang sa masaid ito. Napabuga agad siya ng hangin para maibsan ang nararamdaman at akmang tatayo nang isang sasakyan ang rumaragasang pumasok sa gusaling iyon at isa pang motorsiklo ang nakasunod na ikinagitla nilang lahat ng bigla itong dumako sa ere sa ibabaw ng dalawang sasakyan at lumapag malapit sa kinauupuan ni Maverick nang paikot na may kasamang malakas na pagrerebulosyon kaya napatakip silang lahat ng mukha para protektahan ang mga mata sa alikabok na nilikha ng malakas na pwersa ng motorbike.
"X?!"
******
The Philippines. In the building of the Bureau of Crime Investigation or BCI, each department was busy with the assigned cases to them. The daily scenario in this offices.
In the office of the Director, a woman in her twenties was standing prminently in front of the Director's desk.
"Sandoval, new assignmenr for you!" wika ng Director na sa hinuha'y nasa malapit sisenta ang edad. Inilapag nito ang isang brown folder sa ibabaw ng mesa sa tapat mismo ng babae at umikot sa mesa palapit dito.
He circled her and checked her stance while his hands in his pocket.
"Sir, why me?" she asked after she swallowed to clear her throat and gatheted her confidence. She knows that in her job, she has no right to ask nor refuse to the assignment assogned to her but this time, out of curiosity she inquire. It was because she thought, there are other agents that were better than her.
"Agent 08, tumatanggi ka ba sa trabaho?" tanong ng Direktor na muling bumalik sa upuan nito pero bago umupo ay pinakatitigan muna siya. Matiim na tila sinusukat ang kan'yang pagkatao at magiging desisyon sa kakaharaping trabaho.
"Hindi po, Sir!" maikli ngunit matatag niyang tugon.
"Good!" puri ng direktor at inanyayahan siyang maupo habang umupo din ito sa kan'yang silya.
"Agent Gabrielle Sandoval, hindi ito ang unang misyon na ibinigay ng ahensiya sa 'yo at kaya ka muling napili dahil sa matagumpay mong nagawa ang iyong misyon. Malaki ang tiwala ng ahensya sa kakayahan mo kaya sana mapagtagumpayan mo ulit ito," dagdag pa ng direktor.
Bahagyang nanlaki ang mata ng dalaga nang makita ang nakasaad na misyong itinalaga sa kanya. Napaangat siya ng mukha at tumitig sa direktor na mataman siyang pinagmamasdan.
"Sir, this means, I will work outside the country? And I heard that this group was quite dangerous," saad niya dito.
"I know that's why you are chosen to do the job."
"But—"
"No more 'buts', Sandoval!"
She didn't retorted. She choose not to argue as she knows how determined the Director to assign her for the job.
Binalot ng pag-aalinlangan si Garielle. Hindi niya masyadong kilala ang grupong nakadestino sa ibang bansa pero marami na siyang narinig tungkol dito lalo na sa lider nitong tinaguriang 'silent but deadly'.
"This is a big group of syndicates na matagal nang minamanmanan ng sangay natin sa ibang bansa pero dahil sa kakulangan ng ebedensiya hindi nila ito basta-basta mabubuwag," kapagkuwa'y muling saad ng direktor.
"And why is it that we are the one who will handle this case when it was in the other country? We shouldn't interfere other country's issues, right, Sir?"
"Sandoval, the group was suspected for drvg trafficking and kidnapping women to train them to become a s*x worker and those women are mostly from our country kaya kailangan tayong makialam," mariin at ma-otoridad na tugon ng direktor.
Naitikom na lamang ng dalaga ang bibig at muling pinasadahan ng basa ang nakasaad sa folder na bigay ng direktor. Napabuntonghininga siya nang malalim bago itiniklop ang folder.
"Is there anymore you want to tell me, Sir?" tanong ng dalaga sabay tayo sa kinauupuan.
"That's all for today," maikling tugon nito.
Agad sumaludo ang dalaga at tumalikod bitbit ang folder na naglalaman ng bago niyang trabaho. Akma niyang bubuksan ang pintuan palabas nang muling nagsalita ang Direktor.
"That means, you accepted the job?"
Nilingon ito ng dalaga at napangisi. "Do I have a choice, Sir?" balik tanong niya dito habang nakataas ang isang kilay.
"And I know you won't refuse it," saad nito.
Hindi na niya ito tinugon at itinuloy ang pag-alis at mabilis na naglakad papunta ng elevetor. Nagngingitngit siyang mabilis na naglakad pagkabukas ng elevator sa baba at tinungo kung saan nakaparada ang kan'yang sasakyan. Pagkarating sa kinaparadahan ng kan'yang sasakyan ay agad niya itong binuksan at basta na lamang initsa sa loob ang dalang folder at pumasok dito sabay buhay sa makina. Agad niya itong pinaharurot palabas sa gusaling iyon na nag-iwan ng malakas na tunog at nakaliliyong sagitsit ng mga gulong.
"Shít! Shít!" Napamura siya at napahampas sa manibela nang itinigil ang sasakyan sa gitna ng trapiko.
Nagngingitngit siya dahil sa ginawa ng ama. Si Leandro Sandoval, ang direktor ng kanilang departamento na kakakausap niya ilang minuto lamang ang nakalipas. Hanggang ngayon ay ginigipit siya nito sa mga assignments na ipinapagawa sa kanya pero wala naman siyang magawa dahil tinagurian siya pinakamasunuring anak ng kanilang pamilya. Ang tanging mali ay kung bakit tila responsibilidad niyang iangat ang dangal ng kanilang pamilya.
Her brother was a black sheep in the family. Nalulong ito sa masamang bisyo at kasalukuyang nasa rehabilitasyon. Isang malaking pagyurak sa magandang imahe ng kanilang pamilya ang ginawa ng kanyang kuya kaya pakiramdam niya, siya ang ginawa ng ama para mapagtakpan ang bulok na parte na iyon ng kanilang pamilya.
Though, she decided to follow in his father's steps, a great agent during his time, and became a director but it wasn't easy for her to maintain such dignity. She's responsible and dedicated to her job but sometimes Gabrielle felt that her father purposely gave her a hardtime. Kagaya lamang sa araw na ito. Malaking sindikato ang babanggain niya sa ibinigay na gawain para sa kanya at kung tutuusin maraming mas magagaling na agent sa departamento nila pero, bakit siya?
When the green lights turned on, Gabrielle drove faster to the direction of her residence. She was living separately in one of the luxurious subdivisions in the city of Cebu owned by the developer, the Santana Group of Companies. She chose not to live with her parents since she became an agent to avoid her father.
Pagkapasok sa loob ng kanyang may dalawang palapag na bahay ay basta na lamang tinapon ni Gabrielle sa sofa ang dalang folder at susi ng sasakyan at mabilis na naglakad patungo sa isang may katamtamang laki ng silid. Napaligiran ito ng salamin kaya kita ang mga kagamitang pang-ehersisyo sa loob mula sa labas. Hinubad niya ang suot na medyas at agad hinablot sa lagayan ang dalawang boxing gloves. Mabilis niyang isinuot at walang pag-atubiling agad na sinuntok ng mabilis ang punching bag na nakalambitin sa gitna ng silid.
As her emotion rises, she throws hard punches against the punching bag like it was her enemy. She did it with speed and accuracy until she felt tired and her speed getting low.
Hilam sa luha ang matang napasalampak sa sahig si Gabrielle at hinugot ang mga gloves mula sa mga kamay at yakap ang mga tuhod na humagulgol na lamang. Magkahalong inis at hinanakit sa ama ang kan'yang nararamdaman. She felt that he was unfair for treating her that way. Sometimes, she will question herself, kailangan bang punan ng kapatid ang kakulangan ng isang anak? Kaya masamang-masama ang loob niya sa ama but she has no choice but to do it either. As long as it is part of her job, labag man sa kalooban niya minsan ay ginagawa niya. Alang-alang sa kan'yang ina na tanging nakakaintindi ng mga niloloob niya.
"Gabrielle. . .”