EPISODE 6

2325 Words
Chapter 6~Meet the Monster I woke up at 3 a.m. I am not a morning person pero ayokong makita nila akong umalis. Dapat walang makakita sa akin na nanggaling ako sa Boys Dormitory so I guess I'm using the rope and the hook again! Dahan-dahan akong naglakad palabas nang mapansing wala si Ferrer sa kama niya. Napaisip ako. Maybe kailangan ko pang mag-investigate sa mga gamit niya. A picture frame is not enough to prove that he deserved my sister and my sister deserved him. Nagtungo ako sa kama ni Ferrer at nagsimulang maghalughog ng mga gamit niya sa drawer. His drawer is very organized, hindi ko maiwasang ikompara ang drawer ko sa kanya. Mine is so messy. I wonder kung sino ba talaga ang babae sa aming dalawa. Napatigil ako nang mahawakan ko ang isang photo album. It is entitled 'Moments' at handwritten siya. Alam ko kung kaninong handwriting 'to, hindi ako nagkakamali. "Hmm..." napalingon ako kay Kyle. Oops! Mukhang magigising na siya! Dalhin ko na lang 'tong album sa dorm. Dahan-dahan akong naglakad habang hawak-hawak ang album sa right hand ko. Napahinto ako nang makita ko si Ferrer na nasa veranda na may kausap sa telepono. "Kate, please. I know you're mad at me but believe me. Wala kaming relasyon ni Shanaia," he said. Kate? Diba yun ang babaeng nasa Student Council? Don't tell me may something sa kanilang dalawa? Kung sa bagay, it's not impossible. "Maniwala ka naman. Do you think I'll do so much effort for you kung wala ka lang sakin?" he said. Pfft~ Believe me, he looks so pathetic right now. Pero somehow nakaramdam ako ng tuwa. It's a good thing that he's not into my dead sister until now but I still don't know if his feelings for her is completely genuine. "Kate! Kate!" he shouted at binaba ang phone niya. Nataranta ako nang makita ko siyang lumingon sa gawi ko. Ipinasok ko nalang ang album sa jacket ko. "Kanina ka pa ba diyan?" malamig na tanong niya. Tumango ako kahit lalo akong gininaw sa presence niya. Eto na ba? Papatayin na niya ako? Lord! Sana sa langit ako mapunta! "I thought you're just stupid but you're actually a complete jerk," sabi ko at tumalikod sa kanya. Siguro may ginawa siya sa Kate na yun kaya nag-away sila? Hayy, pag-ibig nga naman. Nabi-bitter ako! He pulled me towards him and leaned closer to mine. I can feel his warm breath in my neck. His gray eyes are mesmerizing. Nang makabalik na ako sa senses ginawa ko ang makakaya ko para itulak siya but I can't. Urggggh! Madaling araw pa lang nabwibwisit na ako! "Don't tell this to anyone," he said in a husky voice.I felt insecure kasi ang bango ng hininga niya kahit halatang kakagising lang niya. I looked like a scary potato right now. "I don't follow rules," I said and pulled away from him pero hindi ko pa rin magawa. Bakit mas malakas ang mga lalaki kaysa sa mga babae? This is so unfair! Dapat malakas rin ang mga babae para walang discrimination! "Pagsisisihan mo kapag ginawa mo yun," he said. I'm not a chatty person at saka isa pa, sino naman ang pagsasabihan ko tungkol sa kanila? He's lucky because it's me who heard him begging.  "Pagsisisihan mo rin kapag hindi mo ako pinakawalan dito," I said. He smirked. I badly want to wipe that smirk in his face! "Talaga lang ha?" he said. Inis na sinipa ko ang part-where-it-hurts-the-most at sinampal siya with my full strength. Ayan, humapdi na naman ang likod ko. "Aww! s**t!" he cussed habang namimilipit sa sakit. I smirked at him saka tumalon mula sa balcony habang nakahawak sa tali. "Don't worry, you can't produce little species anymore!" I shouted from the first-floor window. Dapat hindi na kumalat sa mundo ang lahi niya. Sila ang salot sa lipunan. "Who cares about the little species, people only cared about how big or small your hidden treasure is," he answered haughtily. Ano bang pinagsasasabi niya? I walked quickly but carefully papunta sa Girl's dorm. Good thing walang nagbabantay. Nasa huling baitang na ako ng hagdan nang may biglang humila sa akin. "A-Aray!" I shouted in pain. Ngayon ko lang nadama ang sakit sa aking balikat. "You are bleeding," sabi ng lalaking nasa harap ko. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino siya. "Kyle? You were sleeping awhile ago, ang bilis mo namang nakahabol?" takang tanong ko. "You are just walking slowly," sagot niya. Ngayon ko lang nakitang may bitbit pala siyang sling bag at kumuha ng betadine at cotton mula doon.  "Paano mo nalamang nagdudurugo?" tanong ko ulit. Naging manhid ako kanina at ngayon ko lang nadarama ang sobra-sobrang sakit. Dmn, hinila-hila pa naman ako ni Ferrer kanina. "May nakita akong dugo sa kama ko, I thought you were on your period but the blood is on the pillow," sagot niya. Pinaupo niya ako sa hagdan at tinanggal ang jacket ko. The wound on my shoulder is bleeding. Mahigpit kong hinawakan ang album at isiniksik pa lalo sa jacket ko. Abala siya sa pag-aapply ng betadine sa sugat after he took the bandage. "Why are you doing this?" I asked. Hindi siya lumingon sa akin at abala lang sa paggagamot. "I'm a good citizen," sagot niya. I rolled my eyes. "A good citizen but a gangster?" I answered sarcastically. He chuckled. "You reminded me of someone, parang magkamukha kayo," seryosong sagot niya.  "Who is she?" tanong ko. I have a person on my mind but I'm not sure. "I never said it was a girl though," biro niya. Sinimangutan ko siya. "But you were right, she's a girl. Masungit siya, she does have walls but not as high as yours," sagot niya. Nanatili akong tahimik. "Done!" nakangiting sabi niya. Tinignan ko ang balikat ko at malinis na ulit ang sugat. Nilagyan niya ito ng panibagong bandage. "Thanks," I answered and flashed a genuine smile. Hindi ko namalayang tapos na pala siya dahil wala akong naramdamang sakit.  Umalis siya agad. Kinapa-kapa ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto at pinihit ng dahan-dahan ang doorknob. Narinig kong nag-uusap si Gianna at Jahara kaya napahinto ako. "I'm worried sick for Sky, ayokong mangyari ang nangyari kay asdfghjkl noon," Gianna said while wiping her tears. I didn't hear the name she mentioned a while ago. Sino ang tinutukoy niya? "She's safe, Gianna. Think positive," Jahara said.  Pumasok na ako ng kwarto with a blank stare at them. Lumapit sa akin si Gianna at niyakap ako ng mahigpit na para bang binabali ang mga buto ko. I am exhausted at may balak pa yata siyang i-torture ako. God! I already had enough! "O-Ouch," daing ko dahil may sugat rin ako sa brasong nahawakan niya. "Oh my god! I'm sorry! Okay ka lang ba? Ba't andito ang mga Student Council kagabi?" alalang tanong niya. I rolled my eyes at her. Why does she keep on worrying about me? We have our own lives though. "Why don't you ask them? I don't know either," I answered and walked straight towards my bed. Napalingon ako sa album na hawak-hawak ko. "What's that Cutie?" Jahara asked me curiously. I immediately hid it under my pillow. "It's none of your business," I said at humiga sa kama. Finally! Nagkita na rin kami ng kama ko ulit! I wonder kung nami- miss rin ako ng kama ko. "Nga pala Sky, saan ka natulog kagabi?" Gianna asked me habang kumakain ng chicharon. "S-Sa isang puno sa field," pagsisinungaling ko. They shouldn't know that I recently spent my night with the Trinities. For sure mag-eexagerate na naman silang dalawa. Baka mamaya maging hot-topic na naman 'to. "Oh my god! Madaming lamok doon! You should have told us para mapuntahan ka namin!" Gianna said. I rolled my eyes. Para saan pa? Nagsisinungaling lang naman ako. "You don't need to worry, besides kasama ko naman ang kahoy at iba pang nilalang doon," sabi ko sa kanila. Ngumuso naman si Gianna habang nanlaki naman ang mga mata ni Jahara. "D-Different creatures? M-May palaka ba doon? Multo? Monsters?! Waaaahh!" she shouted. What the hell! Ang OA niyang maka-react! "Tumahimik ka nga Ja! Nambubulabog ka diyan eh! Sky, pagpasensiyahan mo 'tong si Jahara ah, nagulat lang talaga siya. Hindi siya makapaniwalang natulog ka sa isang kahoy," sabi ni Gianna habang tinatakpan ang bibig ni Jahara. I don't know if she sounded sarcastic or not. She really thought that I would sleep there? Seriously? Pumasok ako sa classroom mga 7 a.m at wala pang masyadong tao. Sinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko and started listening to the songs of Taylor Swift. I love her music, maybe dahil na rin sa influence ng kapatid ko. Hayy, I miss her. Kung andito lang siya malamang kumakanta na kami ngayon ng sabay. Maya-maya nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Napalingon ako sa may pintuan, dumating na pala si Sir Hinahon. Tumayo ang mga kaklase ko and greeted good morning while I'm just sitting here, playing Color Switch. Darn! Ba't palaging 5 ang nakukuha kong score? "Take your sits class," he said and faced the blackboard. See? Hindi nga niya ako pinatulan eh! Idol ko na siya! "You love messing with other people. No wonder you keep on messing with me," napalingon ako sa katabi ko. Oo nga pala, katabi ko pala ang demonyong 'to. "No Ferrer, you are the one who keeps messing with me," I said and faced the window. Totoo naman ah! Noong una bigla niyang inutusan yung mga gangster na pangit na bugbugin ako kasi he thought I was a boy!  "Where's my album?" he asked. I did not face him. Siguro mahalaga sa kanya ang album na 'yon at kaagad niyang napansin na nawawala. "What kind of album?" I asked, still facing the window. Nakakainis na ang chimpanzee na 'to ha! Ba't ayaw niya akong tantanan? "Don't feign innocence Lee, I know you have it," he said. This time I looked at him with my right eyebrow raised. "Bakit ba palagi mo akong sinisisi kapag may problema ka? Please stop annoying me!" inis na sigaw ko. Totoo naman ah! He always bothered me and irritated me! Wala naman akong nagawang kasalanan ah! Except for the fact na may kinalaman ako sa nawawalang album niya. Sasagot na sana siya ngunit biglang bumulabog sa buong classroom ang lalaking pumasok na padabog na sinara ang pinto. Surprise was registered to my classmate's face nang makita siya. Who is he? "Mr. Cortez, once in a month lang ba ang school days mo?"  Mr. Hinahon asked him calmly. Woah! Ang swerte niya! Gusto ko ring pumasok once a month! And I need a vacation once a year for 1 year! "I have my own rules old man, so fck off," sagot ng lalaki. Maangas ba ang mga lalaki dito sa Verzalias High? Sumusunod sa yapak ng demonyong katabi ko? Or is it just a part of the rules here in this school? Ang dami ko namang theories, siguro pwede na ako maging scientist. Para kapag marami akong madi-discover sisiguraduhin kong maraming pag-aaralan ang mga estudyante. Bwuahaha! Pumunta siya sa direksiyon sa likuran, particularly sa pwesto ko. I raised my right eyebrow to him. Based from my peripheral view my classmates caught their breathes while looking at us. This boy easily catches attention, same as the demon beside me. "Get off," he said coldly to me. I crossed my arms. Who is he to command me? Bakit ako nalang ang napapagtripan ng mga 'to? Una, si Ferrer tapos ngayon naman ang lalaking 'to? "And why?" taas kilay na tanong ko. His face grew anger. "That's my chair lady!" he shouted. I see, kaya pala may nag-iisang vacant chair dito.  "Nauna ako dito! Kasalanan ko bang once a month ka lang pumapasok?" inis na sigaw ko. I admit kinakabahan ako sa kaniya. "But don't worry I'll give this chair to you," I gave him a playful smile and stood up. Ayoko din naman sa seat na 'yon lalo na at katabi ko ang demonyo. Or maybe crush niya si Renzo kaya gusto niyang umupo doon! What the freaking hell! Before I could reach another seat someone grabbed my precious hair. Urgggh! Who the hell is this monster? Sa lahat ba naman ng pwedeng hilahin yung buhok ko pa? "No one underestimates me b-tch," he said. Urgggh! This guy is a monster. Kung noon, nagawa akong bugbugin ng Trinities dahil sa maling akala na lalaki ako, 'tong lalaking humihila sa buhok ko kahit alam niyang babae ako ay pinatulan niya ako. "Except me. Monster!" I shouted as I pulled back my hair but I can't grab it. Naiintindihan kong insecure siya sa buhok ko pero huwag naman sana niyang hilahin ng ganito! I want to scream out loud because of the pain but I don't want to look pathetic. Ayokong kaawaan ako. I don't need the sympathy of others, I don't need them. I don't need anyone. "Don't hurt her." Napunta ang atensyon kay Ferrer. Itinulak ako ng monster ng napakalakas at tumama ang ulo ko sa arm chair na nasa harap ng upuan na inuupuan ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Napapikit ako habang tahimik na nagmumura. Urgggh! Ang sarap pumatay! Tinignan lang ako ni Ferrer na namimilipit sa sakit ng ulo ko. That blank stare was hiding something. He's masking his own feelings. Pinikit ko lang ang mga mata ko. It seems like I was expecting a different reaction from him. Nakalimutan kong wala pala siyang pakialam sa akin. Hindi ko na kayang idilat ang mga mata ko. Sobrang sakit na, but I'm still conscious. Naririnig ko pa ring nagkakagulo sa loob ng classroom. Mga nakakabinging sigawan ng mga kaklase ko, at ang mga nakakabulabog na pag-aaway ng demonyo at ng monster. "Sky!" that voice sounds like Kyle's. Niyugyog niya ang balikat ko. Naidilat ko ang aking mga mata. Tangina, makakapatay talaga akooo! (end of chapter)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD