EPISODE 23

2415 Words
Chapter 23~ Declaration Skyler's POV* Andoon na siguro ang halos lahat ng estudyante sa gymnasium at kasalukuyan pa kaming papunta doon. Hindi naman ako masyadong kinakabahan ngunit kinakabahan pa rin ako. I am not good in facing people! Katabi kong naglalakad si Ivan. He is reminding me things just like a daddy. May nakasubo na naman na lollipop sa bibig niya. Bakit ba ang hilig niyang sumubo? Aside from that, ano pa kaya ang paulit-ulit na isusubo niya? Edi kutsara. Duh, wag dirty-minded. "Remember to show some respect." "Control your temper." "Why aren't you smiling? Dapat ngumiti ka to gain people's respect." "Be strong. Kaya mo 'yan, fighting!" "Gayahin mo ako, tignan mo, I have a very good image." "My leader is the one who recommended you so if you behave recklessly, you will put our gang's name and image in danger." "Kung pwede just shorten your speech. Dapat with all your heart. Maintain our good image, okay?" "Also, you should give me some sweets. Mahirap kayang mag-advice!" "Nakikinig ka b-" "Shut up! Naiirita na ako!" inis na sabi ko. Agad naman siyang tumahimik. I am reckless pero marunong akong magkontrol 'no! Pero sometimes hindi mapigilan pero good girl naman talaga ako ah! "Oy! Kakasabi ko lang na control your temper! Listen to your manager!" sigaw niya. Tumahimik nalang ako kasi for sure pareho kaming walang magagawang matino. Tsaka, kailan pa ako nagka-manager? And I don't need one because I can manage myself! Umakyat ako sa stage at umupo sa tabi ni Grey. He is playing with his gadget as always pero ramdam mo pa rin ang aura niya. Aaminin ko, nakakatakot siya and he is definitely not approachable. "Staring is rude," sabi niya habang nakatingin pa rin sa phone niya. Napalunok na lang ako. Paano niya nalamang nakatingin ako sa kaniya? Or masyado lang talaga akong obvious? Napaiwas nalang ako ng tingin at ibinaling ang atensyon ko sa mga estudyante na nasa baba. Nakita ko sina Gianna at Jahara and they are smiling at me. Almost every students are eyeing me and scanning my presence, nagtataka kung bakit nasa stage ako. Nagtaka ako kung bakit biglang nagsiyukuan ang mga estudyante. Nakita ko ring nakayuko na ang babae na nasa tabi ko. Palinga-linga ako sa paligid at nakita kong halos lahat ay nakayuko na para bang nagbibigay-galang. "Btch, get your head low," iritang sabi sa akin ng babaeng katabi ko. Before I realize things, nakita kong naglakad paakyat sa stage ang principal. Lumingon siya sa gawi ko kaya agad akong yumuko. "So, good morning students," bati niya. She is wearing a long-sleeved purple dress, with a slit exposing her skinny legs. She's wearing a shade kaya hindi ko nakikita ang mga mata niya, and she looks so gorgeous and sophisticated. And come to think of it, sa mga araw na andito ako I didn't even know her name! Who is this drop-dead gorgeous principal? "Madam Park," the girl beside me whispered at nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. She rolled her eyes. "She's Madam Park and I think you don't know her yet." "All I know is that she is the principal, am I right?" tanong ko. She nodded. So everyone calls her Madam Park? The name suits her anyway. Mysterious and glamorous. "I gathered everyone for the declaration of the newly elected Student Council President and Vice President. The decision was made by the staff and teachers of this institution yesterday," sabi niya. Her voice is disturbingly calm and deep. "We are sorry for not conducting a quick election. I know the students should have a fair share about this matter, but not now when the school is still weeping about the late SC President's death." "To keep the peace and to manage the students, let us all welcome, the previous Vice President of the Student Council and now, the President," sabi ni Madam Park. She smiled at Grey and said, "Grey Alberts!" Nagpalakpakan naman ang mga estudyante at nakita kong naglakad papunta sa harapan si Grey at iniwan ang iPad niya sa upuan niya. Naging tahimik naman ang mga estudyante at halatang takot sa kanya. "What am I going to say? Should I set rules and promises?" bored na tanong niya. Is that how a speech should begin? I thought he was going to say false promises and make everyone believe that this school will be in peace! I thought he prepared a long sweet message to everyone. I guess I still don't know this guy. "Okay, so first, about the gangs, I don't give a fvck even if you kill each other in front of me, but not inside classrooms and dorms," sabi niya. "Give respect to the poor sleeping bodies and geeks reading books." "Second, about the relationshits, don't make out in front of those hopeless romantic singles. Not in front of me," he said. I heard some groaned and I chuckled. Bawal kasi dapat lumandi, andito kayo para mag-aral at hindi magpasabog ng bulkan, duh! "Lastly, don't disturb me if I'm playing, I really hate noise pollution," sabi niya. I rolled my eyes. Pagkatapos niyang sabihin lahat ng 'yon ay bumalik na siya sa pwesto niya at kinalikot na naman ang iPad niya. Everyone fell silent na parang hindi ma-digest ang speech ni Grey. Kinuha na naman ni Madam Park ang mic. "And now, I want to introduce to you the new Student Council Vice President, let's all welcome, Skyler Lee!" Hudyat iyon ng pagtayo ko sa kinauupuan ko at kinuha ang mic. Hindi katulad sa nangyari kanina nang ipakilala si Grey, masyadong maingay ang mga estudyante. Halatang wala silang respeto sa akin. "That's unfair! There should be an election!" "She's not even qualified! Narinig mo na bang muntik na niyang patayin si Ms. Kate?" "There are even rumors that she killed her and Kane." "Really? So hindi accident ang nangyari kay Kane?" "She's a devil! She shouldn't be the Vice President!" "Oo nga! She's not even a leader!" Napahalakhak naman ako ng malakas nang marinig lahat ng 'yon. Agad natahimik ang mga estudyante nang marinig iyon. Patuloy pa rin ako sa paghalakhak at napahawak pa ako sa tiyan ko. These people are so funny hahaha! "Really? I am not qualified? So you think you guys are qualified?" hindi-makapaniwalang sabi ko. They became silent and I smirked at them confidently. "Come on! Why don't you fight with me? Raise your hand if you think you are qualified," sabi ko. Walang nagpataas ng kamay sa kanila kaya napataas ang kilay ko. "Kanina ang ingay niyo and now, no one's answering me? You really like talking at someone's back," iling-iling na sabi ko. Nanatili pa rin silang tahimik. Seriously they are cowards! "You did not even reach half of my standards, now you're thinking that you would reach the standards of this position?" natatawa kong sabi. Mas lalo akong nabingi dahil sa katahimikan ng lahat. "Before I end this, I'm just saying that, libreng mangarap so just dream big! Diyan naman kayo magaling eh," nakangiting sabi ko at ibinalik ang mic. Before I turned my back, I said, "I will not promise anything. As long as you obey, then I'm good. We're good." First of all, I hate being disobeyed. I hate someone talking about me in my back at sinisiraan ako. If they are strong enough they should face me. Hindi naman ako nangangagat eh. __________________________ "Hindi mo ba ako papagalitan?" Tinignan ko ang manager ko raw na nakatago sa likod ni Kyle. Nakataas ang kilay ko sa kanya dahil parang iniiwasan niya ako. "I-I am not your manager anymore!" sigaw niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Ano na naman ba ang issue ng childish na 'to? "Then that's good," walang gana kong sabi. Tatalikod na sana ako ngunit tinawag na naman niya ako. "Sky!" he shouted. "What?" "P-Pero huwag mong kalimutan ang candies ko ha? Kahit hindi mo na ako manager kailangang may candies ako everyday!" sigaw niya at mas lalong hinila ang sleeves ni Kyle. Hindi naman talaga kita naging manager eh. "Hey, nag-effort akong plantsahin ang damit na 'to dude, don't waste it," sabi ni Kyle sa kanya at pilit na binabawi ang sleeves mula kay Ivan. "H-Hindi ka ba natatakot makipag-usap kay Ms. Lee? She's so scary," sabi niya na parang hindi ako nag e-exist sa harap niya. Seriously? Isang miyembro ng napakalakas na gang sa school na 'to, takot sa isang newbie? "She's brave, and I like it," nakangiting sabi ni Kyle at tumingin sa akin. I rolled my eyes. Nilapitan naman ako ng babaeng katabi ko kanina at tinawag ako. I had to excuse myself to the boys and listened to her. "Kanina pa ka tinatawag ni Mr. President. H-He is mad already," kinakabahang sabi niya. Napalingon naman ako sa lalaking nakatingin sa akin. Napalunok na naman ako nang makita kung gaano na siya kagalit. Agad naman akong lumapit sa kanya. "M-Mr. President," sabi ko and bowed. Damn! Bakit ba ako nauutal? "I've been calling you three times already." malamig na sabi niya. Napalunok na naman ako. "S-Sorry, Hindi na po mauuli-" "You should stick to me," sabi niya kaya lumapit ako sa kanya ng tatlong hakbang. "Good," sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Naka-headset na naman siya kaya kinalabit ko nalang siya. He glared at me kaya tumindig na naman ang mga balahibo ko. "D-Diba ang secretary mo dapat ang gumagawa nito? I am the vice-" "I want you." Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya? H-He wants me? "I want you to follow me so that I can order you around. Dirty-minded," sabi niya at nilagpasan ako. Nainis naman ako doon. Edi dapat ang secretary niya diba? Vice ako! Viceee! "Dapat ang secretary mo ang gumagawa nito. Kainis," bulong ko sa sarili ko. Pero parang ang talas ng pandinig ng letseng pabidang lalaking 'to, kaya ayun umepal. "You owed me a big favor, Skyler Lee. If not because of me, you are not going to be the vice president," kalmadong sagot niya. Tssk. First of all hindi ko naman talaga ginusto ang maging vice president. Hindi nalang ako sumagot at nagpatuloy nalang sa pagsunod sa kanya. Sinusundan kami ng mga titig na mga estudyante at umiiwas naman sila kapag tinitignan ko. I rolled my eyes. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa isang pinto na may malaking marka na Student Council Office. Binuksan ni Grey ang pinto at sinalubong kami ng mga Student Council Officers. Some are familiar to me at ang iba naman ay ngayon ko lang nakita. "This is your table, Mr. President." sabi ng babae kanina at tinuro ang table na nasa gitna. Pumunta naman si Grey doon at umupo at tinanggal ang headphones sa ulo niya at inilagay sa mesa. Nakita ko naman ang table na may nakalagay na pangalan ko kaya I'm certain na table ko 'yon. Agad naman akong umupo at sinuri ito. Napakalinis, wala kang makikitang kahit konting dumi or dust. Kung makikita mo ang kalinisan sa office na 'to siguro mahihiya kang tumapak. "Good afternoon, Mr. Michael Hinahon." Napahinto ako nang biglang bumati ang mga SC Officers sa taong kakapasok pa lang. Biglang kumunot ang noo ko nang ma-realize na siya ang class adviser namin. "Welcome, Mr. Alberts and Ms. Lee," nakangiting bati niya sa amin. That's when I realized that he was the Head of the Student Council! Bigla tuloy akong nahiya nang maalala ko ang pagsisigawan namin ni Renzo sa classroom. "Are you sure you are comfortable about being here, Grey Alberts? You can always have Kate Mendez' office," mahinahong sabi ni Sir. Tumango si Grey. "I wanted to be alone, but I'm not comfortable with Kate's soul sitting beside me," sagot ni Grey. Tumawa nalang si Sir at umalis. Grey looked at me. "Sign these papers, Vice President. I'll sign the others," sabi ni Grey. Inilagay naman ng babae ang mga papers sa table ko. Napabuntong-hininga nalang ako at kinuha ang sign pen na nasa table ko at pinirmahan ang mga papers. I checked the papers and signed. Nakita kong nakaupo ang babae sa desk na may nakalagay na Grace Fuentes, Student Council Secretary. So she is the secretary, that's why she's here. Nang matapos na akong pumirma ay pinikit ko muna ang mga mata ko. Konti pa nga lang ang mga nagagawa ko ngunit pagod na ako. Nakapikit lang ako hanggang sa di ko namalayan ay nakatulog na ako. Alas-singko na ng hapon nang magising ako. Wala nang mga tao kaya agad kong kinuha ang bag ko at aalis na sana sa table ko kaya lang may tumawag sa akin. "You're not done with your duty yet." Napahinto ako nang marinig ang boses na 'yon. So andito pa si Mr. President? Ba't hindi pa siya umaalis? "Wala na naman ang ibang officers so maybe I can take a bre-" Inabot niya sa akin ang isang folder at agad ko naman itong kinuha. Binuksan ko naman ito at tinignan ang laman. "Verzalias Festival next week. Those are the plans for the festival and I want you to add something on it. The plan of the secretary is boring so I want you to manage this," sabi niya. Wala na akong nagawa kundi tanggapin nalang ito kasi hindi naman ako makakatanggi sa utos niya. "By the way, noong time na pumasok ako sa kwarto niyo, bakit nga pala pinarusahan ang Student Council?" tanong ko. He looked at me kaya umiwas naman ako ng tingin. "Because of you," sagot niya. Kumunot naman ang noo ko. Dahil sa akin? Ano naman ang kinalaman ko doon? "B-Bakit naman ako?" tanong ko. This time nasa akin na talaga ang atensyon niya. "Because you pretended to know the secret," sabi niya. Doon ko lang narealize na ang tinutukoy niya ay 'yong time na nagpanggap akong may alam ako pero wala naman talaga. "You shouldn't have done that. Their eyes are on you now, and they are alarmed by your presence. Your bravery can kill you, Skyler." "A-Ano ba kasing sekreto niyo?" lakas-loob kong tanong. He refused to look at me and prepared to leave the room. "Don't tell me I never warned you. It will not be my fault if you ended up getting shot by a furious bullet," sabi niya. He now looked at me seriously. "I'm gonna tell you the ever famous line, curiosity kills. Take this as a piece of warning and an advice from one of the keepers of the secret." (end of chapter)

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD