KABANATA 1
The Greatest Cheater na po itong story.
****
CHAPTER 1
NANGINIG na naman ang laman ni Serena nang mapanood ang panibagong video na kuha mula sa isang nightclub. Makikita sa video na hinalikan ng kaniyang asawa ang isang babae at hinila ito papasok sa loob ng VIP room. Sa isang video naman ay may makikita na ang paggalaw ng kaniyang asawa sa ibabaw ng babae habang parehong hubo’t hubad ang mga ito.
Parang sasabog na naman siya sa galit. Pang ilang video na ba ’to na pinasa sa kaniya ng kaniyang taong inutusan na magbantay sa kaniyang asawa? Ganito na lang lagi, bawat video may nakaka-s*x ang gago niyang asawa na hayok sa laman.
Bawat lugar at bansa na pinupuntahan ng kaniyang asawa ay tumitikim ito ng babae. Sakit na yata nito ang pambababae. Tatlong taon na silang kasal pero wala man lang pagbabago sa ugali nito. Maituturing naman niya itong good husband kapag magkasama sila, pero kapag wala siya sa tabi nito ay cheater husband ang gago.
“This bastard is absolutely disgusting!” She threw her phone in frustration.
Nasa Italy ngayon ang kaniyang asawa para asikasuhin ang mga negosyo nito.
Ayaw siya nitong isama dahil masyado raw delikado at ayaw siyang mapahamak. But she didn’t believe that was the real reason. She was more convinced that it was because of another woman—because if she were there, hindi ito makakatikim ng panibagong babae.
“You’re a disgusting bastard, Cyrus. You said you love me, yet you can’t keep your hands off other women. I hope your d**k swells up and rots—maybe then you’ll finally learn your damn lesson,” muli niyang usal na gigil na gigil pa rin.
Dahil bad trip ay umalis siya ng mansyon at pumunta na lang sa mansyon ng kaniyang kapatid na si Shanel, half sister niya, dahil sa ama lang sila magkapatid. Pero magkasundo naman sila bilang kapatid, at isang buwan lang ang tanda nito sa kaniya.
“He’s cheating on you? Then just cheat on him too,” sagot ni Shanel sa kaniya nang ikuwento na niya rito ang patuloy na pambabae ng kaniyang asawa kahit okay naman ang relasyon nila.
“I can't do that. I'm not a cheater, and cheating on him won't change anything. Baka sa huli matalo lang ako kapag ginawa ko ’yon.”
Shanel scoffed at her response. “Oh, come on, dear sister. Don’t stress yourself over a worthless man. If he were my husband, I would’ve cut off his d**k, chopped his body into pieces, and fed him to the sharks.” She let out an exasperated sigh, rolling her eyes. “Ugh! Men like that make my blood boil. Ang sarap lang sakalin hanggang sa malagutan ng hininga.”
Isang buntonghininga na lang ang kumawala kay Serena at muling nagsalin ng wine sa kaniyang glass bago sumagot sa kapatid.
“I still love him, hindi ko naman siya kayang patayin. Besides, even if I wanted him dead, it wouldn’t be that simple. I’d only be putting myself in danger, and Dad would be furious. You know how powerful he is—not to mention, he’s Dad’s favorite.”
Shanel smirked. “I can kill him for you. Just say the word.”
Serena chuckled at her sister's suggestion. “No need. Ayokong mapahamak ka.” Muli siyang sumimsim ng wine.
“Oh, dear sister, you don’t know me well enough. I can kill anyone, no matter who they are.”
“No, don't kill my husband.” She let out a sigh. “Ikaw kumusta ka na? I heard Dad is arranging your marriage with one of his business partners. Is that true?”
“Yes, kailangan kong magpakasal para sa trono,” Shanel answered with a nonchalant shrug.
Umarko na ang kilay ni Serena sa kapatid. “So, magpapakasal ka talaga?”
“Yes, I have to.”
“Kahit hindi mo naman mahal?”
Shanel chuckled. “Does love even matter? Look at you—you married for love, yet he never treated you right.” Napailing-iling ito at marahan pang inaalog-alog ang wine habang nakasandal sa couch. “But if I do get married, that doesn’t mean I’ll let anyone control me. I’m a queen—I’ll do whatever I want. And if anyone dares to stand in my way, I’ll kill them.”
Napangisi na lang si Serena sa narinig mula sa kapatid. “Don’t tell me you’ve never experienced love? Ang mabaliw sa isang lalaki katulad ko?”
Shanel grinned and rolled her eyes. “I don’t need to lose my mind over a man. Yrem and Pietro are more than enough for me—even until I grow old.”
Serena raised a brow and glanced at her sister’s right-hand man, who was seated not far from them, calmly playing the piano. Shanel preferred having soft piano music playing while they talked—it helped ensure their conversation wouldn’t be overheard by the maids lingering nearby.
“I think they like you, Shanel.”
“Who?”
“Your bodyguards, Yrem and Pietro.”
Shanel chuckled. “I like them too.”
“Iba naman ’yon. I mean, they like you romantically. Kaso mukhang hindi mo yata alam ’yon kasi manhid ka at hindi mo pa nararanasan magmahal.”
Shanel simply shrugged. “Let’s not talk about me. We’re here to talk about you, remember? Your problem is the reason you came. So, my advice? Gumanti ka na lang sa kung anong ginawa sa iyo ng asawa mo. Cheat on him the same way he’s been cheating on you. Give him a taste of his own medicine—make things even.”
Namilog bigla ang mga mata ni Serena sa suhestiyon ng kapatid. “No way! Hindi ko kaya makipag-s*x sa iba’t ibang lalaki, ’no!”
Shanel chuckled once again. “Then just pick one. Every time you’re hurt, use him to make yourself feel better. Kaysa naman pasakitin mo ang ulo mo sa galit at selos, eh wala naman palang pakialam sa ’yo ’yang lintik mong asawa na ’yan.”
Natahimik si Serena at humigpit na lang bigla ang hawak sa glass wine. “P-pero sino naman ang lalaking gagamitin ko?”
“Whoever you want,” ngising sagot sa kaniya ni Shanel at nilagok na ang lahat ng wine sa glass nito bago muling ngumisi sa kaniya. “Just make sure it’s someone who can actually make you happy—someone who helps you forget that bastard, even for a while. Subukan mo lang, malay mo naman makatulong sa mental health mo. Kung wala kang mahanap, ako mismo ang maghahanap para sa ’yo. Hahanapan kita ng matino kaysa riyan sa lintik mong asawa.”
Natahimik si Serena at hindi na mapigilan ang mapaisip
Hanggang sa sakay na siya ng kaniyang kotse pauwi ay hindi na nawala pa sa isip niya ang suhestiyon ng kaniyang kapatid na humanap na lang siya ng lalaking magiging panakip butas niya.
Pag-uwi niya ng mansyon ay nakita niya maraming kotse na ang mga nakahinto sa labas. Mukhang nakauwi na ang kaniyang asawa.
Parang nakalimutan niya bigla ang galit, at excited siyang napangiti.
Nagmamadali na siyang bumaba ng kaniyang kotse. Pero nang maalala ang pambabae ng kaniyang asawa ay agad ding naglaho ang kaniyang ngiti at napilitan ulit ng pagka-disappoint.
“Good afternoon, Madam!” magalang na pagbati ng mga tauhan ng kaniyang asawa na nadaanan niya sa labas.
Hindi siya sumagot at diretso lang pumasok ng mansyon.
Ngunit pagkapasok niya ay agad din siyang napahinto sa tabi ng pinto at napatingin sa dalawang security guard na parehong nakatayo.
“Where’s my husband?” she asked.
Pero bago pa makasagot ang dalawang lalaki ay naunahan na ang mga ito ng isang baritonong boses.
“He's still in Italy, Madamé.”
Napalingon na siya sa sumagot, isang guwapong lalaki ang bumungad sa kaniya na nakasuot ng formal outfit: white long-sleeved polo na nakatupi hanggang siko, without coat but with black vest, and black pants.
It was none other than her husband's right-hand man, Allain Chester.
“Boss was expected to return home next week.”