CHAPTER 3

1784 Words
Athena POV "Maraming-maraming salamat po, Sir Ace, masyado ko na po kayo na abala ngayong araw. Pasensya na," tinuran ko kay Sir Ace. Mabait ito at ang Lola Daisy niya, sa totoo lang. Gusto pa nga nang Lola nito na roon na ako mag-stay sa resort nila. Isa pala 'yun private resort na pagmamay-ari ng pamilya nila. Napakaganda roon at maaliwalas, kung ako nga ang tatanungin ay gusto ko sana kaso alam ko mahahanap ako ni Tiya. Ayaw ko naman na madamay pa sila sa kawalanghiyaan ng tiyahin ko na demoñita. "Paano, Sir Ace, dito na lang po ako. Maraming salamat po ulit," ani ko kay Sir Ace na nakangiti na naman sa akin. Nakakainis din ang lalaking ito, e. Baka mamaya magkaroon pa ako nang crush dito kapag panay ang ngiti nito sa akin. "Ihahatid na kita, Athena." Aba't talagang may pa ganoon pa siya, huh. Ihahatid daw niya ako, bakit bigla ako kinilig? "'Wag na po, Sir Ace, masyado nang nakakahiya sa inyo," tanggi ko na lang dito kahit gusto ko sana ihatid ako nito, kaso hindi talaga maari at baka maipahiya pa ako ni Tiya sa harap nito. Wala pa naman pinipiling lugar o taong kaharap ang Tiya ko na bruha. "Haist, sinabi ko naman sa 'yo na tigilan mo na ang pagtawag mo nang 'Sir' sa akin, e. Ace na lang okay?" banggit nito habang nakangiti na naman. Bakit ang gwapo nito? Nakakaloka na talaga, parang naiihi na ata ako sa kilig. "Ah, eh, sige, Ace. Salamat," mahinang tugon ko rito, baka mamaya mautal pa ako. "Ano hatid na kita," akmang lalabas na sana ito nang kaniyang sasakyan nang pigilan ko ito. Nagpumilit pa ito pero minabuti ko'ng tanggihan na lang baka mamaya kung ano pa ang sabihin ni Tiya. "'Wag na talaga, Sir. Ah, este, Ace. Okay na ako rito. Sige na makakaalis ka na. Salamat ulit." ‘Di ko na ito inintay pa magsalita at naglakad na ako. Hindi na ako lumingon dito. Sana makita ko siyang muli, ang bait niya at ang gwapo pa. Naku, panigurado kung nakita lang siya ni Suzette titili 'yun ng sobrang lakas. Kumusta na kaya ang babaeng 'yun. "Walanghiya kang babae ka! Talangang ngayon ka lang umuwi, huh! Bwisit kang lintik ka!” Nagulat ako pagbukas ko nang pinto, pinagsasampal agad ako ni Tiya habang ang pinsan ko ay nakangisi lang sa akin. "Tiya, sandali lang po magpapaliwanag po ako,” sambit ko rito habang hawak-hawak ang kamay nito na nakasambunot naman na sa buhok ko. "Anong magpapaliwanag, huh?! Walanghiya kang babae ka! Nanggulo ka pa raw sa palengke, wala kang kahihiyan talaga! Nakakagigil ka!" Tuloy lang sa paghila ng buhok ko si Tiya. "Aray! Tiya, nasasaktan na po ako,” sigaw ko nang lalo pa nitong hilahin ang buhok ko. Napaupo na ako sa sobrang lakas ng pagkakahila nito sa aking buhok. "Mommy, tingnan mo ang suot ng babaeng 'yan. Ibang klase at bumili pa nang bagong damit. Hay, naku! Panigurado ay ginugulangan tayo niya'n kaya konti lang binibigay sa atin na pera." Demonya talaga itong pinsan kong ito, e. Mag-ina nga talaga silang Demonya! Nanulsol pa kaya naman hinigit ni Tiya ang dress ko’ng suot, nagkanda punit-punit na tuloy ang dress na hiniram ko lamang sa kapatid pa naman ito ni Ace. "Tiya, please! Maawa po kayo sa akin. 'Di po ito sa aking damit pinahiram lang po ito,” pagpapaliwanag ko rito ngunit kahit kailan ay bingi ito sa mga sinasabi ko. "Wala akong pakialam kung kanino pa ‘yang damit na 'yan, 'di 'yan nababagay sa katulad mo’ng basura." Pinagpupunit nito ang dress na suot ko at ang magaling ko’ng pinsan sinampal pa ako nang dalawa beses kaya naman nagdugo nang sobra ang labi ko. "Maawa naman kayo sa akin, pamilya niyo rin naman ako, ah!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapasigaw. "Gaga! Sino may sabi sa ‘yo, huh?! 'Di ka namin kadugo, noh! Ampon ka lang ng mga inakala mo’ng magulang, gaga!” Nagulat naman ako sa sinabi nang pinsan ko. Anong ampon lang daw ako? Hindi ako naniniwalang ampon lang ako dahil kamuka ako ni Itay kaya naniniwala akong anak ako nang mga nakagisnan ko’ng mga magulang. "Napakasama niyo talagang dalawa!" Naitulak ko si Tiya 'di ko naman ito sinasadya itulak masyado lang masakit na ang ginagawa nila sa akin. Tumingin ito nang masama sa akin kaya naman tumakbo ako nang mabilis. Nang makalabas ako nang bahay rinig ko pa ang sigaw ni Tiya at ni Claudet na pinsan ko. Alam ko’ng galit na galit ang mga ito baka mapatay na nila ako kung magtatagal pa ako ngayong gabi roon. --- Kitang kita ko kung paano nila saktan si Athena, tama ito sobra ang p*******t ng tiyahin at pinsan nito sa kaniya. Parang dinudurog ang puso ko nang mga oras na 'yun, gusto ko siyang tulungan kaso baka lalo itong pag-initan ng mga ito. Kaya naman ng makita ko’ng nakatakas si Athena, agad akong sumakay ng kotse ko at pinaandar ito at hinanap kung saan direksyon siya tumakbo. Masyado itong mabilis kaya nahirapan ako kung saan ito tumakbo. "Sorry, Athena, dapat 'di kita hinayaan mag-isang humarap sa Tiyahin mo. Eh di, sana 'di ganyan ang nangyari sa ‘yo,” tanging nasambit ko sa aking sarili. --- "Grabe sila, sobra na sila. Halos mapatay na nila ako pati magulang ko dinamay pa nila,” tinuran ko sa sarili ko habang tumatakbo at kung su-swertehin ka nga naman nakisabay pa ang ulan na ito sa pag-agos ng mga luha ko. Malas nga siguro ako. Awang-awa ako sa sarili ko kung bakit kasi nawala agad ang mga magulang ko. Kung bakit kasi iniwan nila agad ako? Wala na ako nagawa kung hindi umiyak habang naglalakad sa ilalim na malakas na ulan. "Saan ka na pupunta ngayon, Athena? Sana mawala na lang din ako sa mundong ito!" tanging bulong ko sa sarili ko kasabay ng pagkulog ng malakas. Nagulat naman ako nang biglang may kotse nakasunod sa akin kapag minamalas ka nga naman mare-r**e pa ata ako. Kaya naman tumakbo na ulit ako nang mabilis. Dinig ko pang bumubusina ang sasakyan na sumusunod sa akin kaya lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Pagod na ako sa kakatakbo kasabay pa nang malakas na ulan na nagdudulot sa akin ng sobrang lamig. Nanginginig na ako sa lamig wala na rin din akong taong makita sa daan. Takot at ginaw ang aking nararamdaman. "Panginoon kayo na po bahala sa akin,” tanging nausal ko na lang hanggang sa manigas na ang buong katawan ko at unti-unti na akong nanghina. Naramdaman ko na lang na may mga bisig na sumambot sa akin, 'di ko na nakita kung sino ang taong sumalo sa akin. "’Wag po maawa po kayo sa akin!" huling salitang nasambit ko at tuluyan na nandilim ang buong paligid ko. --- "Athena, wake up! Gising, Athena! Shocks! Ang init niya." Dalian ko nang isinakay si Athena sa sasakyan ko at pinaandar ko na ito habang si Athena ay nakaupo sa unahan. Wala na itong malay at nanginginig na ang buong katawan nito. Marahil ay gawa na rin ng sobrang lakas ng ulan kaya ito nilamig ng husto. Hawak ko ang isang kamay nito at pinisil-pisil ko iyon, 'di ko alam kung bakit ako sobrang nakakaramdam ng pag-aalala sa babaeng ito. Hindi ko maipaliwanag, basta ang nasa isip ko ngayon ay ang protektahan siya. "Pangako, Athena, po-protektahan kita simula ngayon. Wala nang mananakit sa ‘yo, pangako,” banggit ko kay Athena, habang hawak-hawak pa rin ang isang kamay nito. Dinala ko siya sa private rest house ko na ako mismo ang nagmamay-ari. Malapit lang ito sa resort namin at 'di ko siya pwedeng dalhin sa resort dahil paniguradong darating si Mama bukas baka magtaka pa ang mga ito kung sino si Athena. Kilala ko ang ugali nang mga magulang ko baka kung ano pa isipin nila kay Athena. Nakarating kami sa rest house nang maayos, tinawagan ko ang kaibigan ko’ng Doctor na Si Ethan para matingnan nito si Athena. "Tol, bilisan mo nanginginig na siya sa lamig,” sambit ko kay Nathan sa kabilang linya. "Sabi mo basang-basa siya. Bakit 'di mo palitan para 'di manginig? Tol naman, oh!” Napatingin ako kay Athena. Paano ko ba ito mapapalitan? Shocks! Bakit ba 'di ko naisip 'yun kanina? Dapat pala pinapunta ko si Manang Judith, kaso sa mga oras na ito panigurado akong tulog na 'yun. "Ano, tol? Bihisan mo muna ‘yang pasyente natin! Kung ayaw mo naman ako na lang magbibihis sa kaniya pagdating ko riyan. He-he." Manyak talaga itong si Ethan kahit kailan talaga. Gago. Hay, naku! Naturingang doctor pero kung anu-ano pinagsasabi at iniisip. "Sige na, bibihisan ko na siya! Hindi naman siguro siya magagalit? Ikaw, Ethan baliw ka talaga,” mahinang sambit ko pa kay Ethan na tatawa-tawa pa sa akin. "Grabe siya, oh! Ha-ha, sige na, Tol. Pasalamat ka at kaibigan kita. Kung 'di lang kita kaibigan talaga, 'di kita pupuntahan d'yan, e,” tugon nito sa akin sa kabilang linya. "Dami mo’ng sinasabi, bilisan mo na! Baka mamaya kung mapaano pa itong si Athena, e. Okay!" "Okay! Okay! Mahal ang sisingilin ko sa ‘yo, huh!” tatawa-tawang sagot nito sa akin. "Byeeee!" Binaba ko na ang phone dahil kung anu-ano na naman ang sasabihin ng isang 'yun. Napatingin ako kay Athena na basang-basa pa rin ang kasuotan. " Tol, Bilsan mo nanginginig na siya sa lamig. " Wika ko kay Nathan na kararating lamang. " Sabi mo basang basa siya.Bakit 'di mo palitan para 'di manginig. Tol naman ohh!"Napatingin ako kay Athena,Paano ko ba ito mapapalitan shocks! Bakit ba 'di ko naisip 'yun kanina. Dapat pala pinapunta ko si Manang Judith,kaso sa mga oras na ito panigurado akong tulog na 'yun. " Ano tol? bihisan mo muna yang pasyente natin! kung ayaw mo naman ako na lang magbibihis sa kanya pagdating ko d'yan hehe." Manyak talaga itong si Ethan kahit kailan talaga Gago ito.Hay naku! naturingang doctor kong anu-ano pinagsasabi at iniisip. " Sige na? bibihisan ko na siya! hindi naman siguro siya magagalit? Ikaw Ethan baliw ka talaga. " Mahinang wika ko pa kay Ethan na tatawa-tawa pa sa akin. " Grabe siya ohh! haha sige na tol pasalamat ka kaibigan kita. Kung 'di lang kita kaibigan talaga 'di kita pupuntahan d'yan e."Tugon nito sa akin sa kabilang linya. " Dami mong sinasabi bilsan muna! Baka mamaya kung mapaano pa itong si Athena e. Okay!" " Okay! Okay! mahal ang sisingilin ko sayo huh! " Tatawa tawang sagot nito sa akin. " Byeeee!"Binaba ko na ang telepono dahil kung anu-ano na naman ang sasabihin ng isang 'yun. Napatingin ako kay Athena na basang basa pa rin ang kasuotan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD