CHAPTER 10

1635 Words
Athena POV "Bakit kaya 'di sumasagot si Ace? Ano ba 'yan 'di ko pa naman naitanong kung ano pangalan ng lugar nila. Paano ako makakauwi nito ngayon?" Wika ko sa sarili ko habang nakaupo sa isang gater dito sa harap ng restaurant. Halos lahat ng mga kasamahan ko ay nagsipag uwian na at ako na lang ang natitira dito sa labas. Malapit na rin mag alas onsi ng gabi 'di ko pa rin matawagan si Ace. Mukha nakalimutan na ata ako nito o baka busy ito kaya naman nagpasya akong maglakad lakad na lang muna. "Psst!! Ms, Ms, pwede makipagkilala mukha nag iisa ka ata ahh? Gusto mo maki-joint sa amin?" Binilisan ko ang paglalakad ng bigla may isang kotse ang sumunod sa akin nakita kong lima ang sakay noon at puro lalaki. Mukhang mga nakakainom pa ang mga ito,kinabahan ako bigla dapat pala 'di na ako umalis pa sa harap ng restaurant.Ano na naman bang kamalasan itong pinasok ko hanggang dito ba naman minamalas ako. "Ms. Teka! lang sabing gusto namin makipagkilala eh! wag kang mag alala mababait naman kami 'yun nga lang pag tulog! 'di ba mga pare?! hahahahaha!" Nahaplot ako ng isang lalaking amoy alak nagpupumiglas ako 'di ko namalayan nakababa na pala ang mga ito at hinabol ako. Hindi ako makawala dahil ang lakas nila,Gusto ko na lamang umiyak dahil aa takot at kabang aking nararamdaman.Mas malala pa pala ang mga tao dito sa maynila kesa sa probinsya. "Aba! pare! lumalaban si Ms.Beautiful ahh! Pare! ayos ito maganda at mukhang sexy jackpot tayo nito." Wika pa ng isang lalaki, lalo ako natakot ng lumapit din ito sa akin.Nagsisigaw ako at wala na akong makitang tao sa paligid nanginginig na ako sa takot. "Huwag ka nang lumaban Ms. beautiful sisiguraduhin namin na mag e-enjoy ka din sa gagawin namin sayo." Hinawakan ako ng isang lalaki sa mukha at akmang hahalikan ako nito. "Ano ba!! bitiwan niyo ako! parang awa niyo na maawa naman kayo sa akin Tulong!! Tulong!!!parang awa niyo na tulungan niyo ako!!!" Wala na akong ibang magawa kundi ang magsisigaw. "Pare! maigi pa dito na natin tirahin ang babaeng ito wala naman na masyadong tao dito ehh." Wika ng lalaking balbasarado na may hikaw pa sa kanan tenga. "Oo nga no! tara doon tayo sa medyo madilim. Tara! Ms. Beautiful papaligayahin ka na namin." Hinigit ako ng dalawang lalaki at sumunod ang tatlo pang lalaki 'di ko na alam kung ano gagawin ko tuloy tuloy sa paglandas ang mga luha ko. "Ace! asan ka na sabi mo 'di mo ako pababayaan?,sabi mo po-protektahan mo ako? Ace! Tulungan mo ako!" Tanging sigaw ko sa isip ko habang nagpupumiglas lang ako sobrang lakas ng mga lalaking ito pinunit na ng isang lalaki ang blouse kung suot. Sumigaw ako ng malakas kasabay ng pag agos ng mga luha ko ang malas! malas! ko talaga. "Huwag!! please!!! maawa po kayo sa akin!" "Anong maawa pasensya na Ms. wala kaming awa ehh! hahahaha" "Bitiwan niyo siya!" Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang familiar na boses tama si Ace 'yun. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ace na nakikipagsuntukan na sa tatlong lalaki habang ang dalawa lalaki ay hawak-hawak pa rin ako. "Sige! lumapit ka sasaktan namin ang babaeng ito!" Wika ng isang lalaking nakahawak sa akin lumalapit naman si Ace habang nagpapahid ng dugo sa tagilirang labi.Maya-maya sumugod ang isang lalaking nakahawak sa akin napatumba ito ni Ace at ang lalaking may hawak sakin ay agad ako itinulak at kumaripas na ito ng takbo. "Nasaktan ka-" 'Di ko na pinatapos si Ace sa sasabihin niya niyakap ko ito bigla nanginginig pa ako habang nakayakap dito. Niyakap naman ako nito ng mahigpit. "I-im sorry kung pinag intay kita ng matagal Athena. nagka emergency lang ako kaya 'di ko nagawang sagutin ang mga tawag at text mo." "Ace! bakit ang malas-malas ko kahit saan na lang ako makarating lagi na lang ako minamalas!" Wika ko kay Ace, habang umiiyak hinagod hagod nito ang likod ko para pakalmahin ako. "Shhhh,,,,,tahan na Athena. Kasalan ko ito kung 'di ko sana hinayaan na mag intay ka ng matagal 'di sana nangyari ito." "Takot na takot ako Ace akala ko mapapatay na nila ako paano kung 'di ka dumating baka talagang mapatay na nila ako pagkatapos nila akong lapastanganin." Wika ko kay Ace iniangat ako nito at pinahid ang mga luha ko. "Shh,,,tahan na nandito na ako. Salamat sa Dios at walang masamang nangyari sayo. Buti na lang din itinuro nung isang guard kong saan ka dumaan kaya nasundan kita sorry ulit Athena. Promise 'di na ito mauulit pa muli 'di ko hahayaang may mangyari pa sayo masama." "Salamat! Ace, Salamat!" Hinubad ni Ace ang leather jacket niya at ipinatong sa akin dahil nasira ng mga hayop na 'yun ang blouse ko. "Ace, Gagamutin ko muna ang sukat mo pasensya ka na nasaktan ka pa tuloy ng dahil sa akin." Wika ko kay Ace, nandito na kami sa bahay nasa salas kami dalawa at kasalukuyang ginagamot ko ang natamo nitong sugat sa labi. "Wala 'yun kasalanan ko din naman hinayaan kita mag isa deserve ko ito Athena. Bayaan mo 'di na talaga mauulit pa 'yun promise." "Basta salamat at sorry Ace huh!" Hinawakan ako nito sa mga kamay ko napatingin naman ako dito. "Simula ngayon huwag kang aalis ng restaurant hanggang 'di kita nasusundo okey! at kung may appointment man ako or emergecy ipapasundo kita kay Ethan. nagkakaintindihan ba tayo wag kang aalis mag isa okey?" Tumango-tango na lang ako kay Ace. "Ace, ahmm- " Nag aalinlangan ako sabihin kong bakit ginagawa ito ni Ace sa akin pero sa huli naitanong ko pa rin. "Ace, bakit mo ito ginagawa sa akin? " Tumingin ito sa akin na may pagtataka. " Ang alin Athena?" "Ahmm,,, ito, ahh! ibig ko sabihin bakit mo ako pi-no-protektahan? Bakit ang bait mo sa akin kahit na-" Nagulat ako ng bigla ako nitong halikan 'di ako makakilos ni 'di ko nagawang ipikit ang mga mata ko dahil sa gulat. "Ang ingay mo talaga. Ohh' siya Thank you sa magaling kung nurse sa pag gamot sa sugat ko. Sige na Athena uuwi na ako wag ka na muna pumasok bukas sasabihin ko kay Cristy na may importante kang lalakarin magpahinga ka na lang muna okey!" Hindi pa rin ako makapagsalita namalayan ko na lang na nakahawak na ako sa labi ko. "Athena, Ang lambot ng labi mo. Sorry, huh! 'di ko napigilan eh! Sige na goodnight." --- Iniwan ko na si Athena natulala ito ng bigla ko itong nakawan ng halik. Ang dami kasi nitong tanong pero hindi totoong gusto ko siyang halikan at alam kong ako ang first kiss niya napangiti ako habang nag-da-drive. Ako ang firstkiss niya at ang lambot ng mapupula niyang labi 'di ko na hahayaan pang may masamang mangyari kay Athena.Hindi na mauulit ang ganoong pangyayari, 'di ko alam pero labis ako nag alala ng malaman ko sa security guard ng restaurant na umalis na ito. Mabuti na lang nasundan ko agad ito kung hindi baka kung ano na ang nangyari kay Athena at 'di ko mapapatawad ang sarili ko pag nagkataon. 'Di ko rin maintindihan kong bakit ako nagkakaganito sa babaeng ito madalas ko siya naiisip nawawala ang problema ko pag nakikita ko ang magandang bilogan na mata nito at ang dalawang malalim nitong dimple sa tuwing ngumingiti ito. Siguro nga gusto ko na si Athena. ---- "Ohh! iha? Okey ka lang ba? masakit ba ang labi mo?" Nagulat ako nang bigla magsalita si manang Pasing. Kasalukuyan nasa harap ako ng salamin halos 'di ako nakatulog kakaisip kong bakit ako hinalikan ni Ace. Si Ace ang kauna unahang lalaking humalik sa akin ganoon pala ang pakiramdam pag nahahalikan. Ang lambot lambot ng mga labi niya. "Hoy! Athena, kinakausap kita mukha nanaginip ka pa ata ahhh?" Wika ulit ni manang Pasing. "Ahh! manang pasensya na po may bigla lang po pumasok sa isip ko eh." "Ahh! ganu'n ba? halika na at mag almusal ka na baka mamaya dumating na si Ace eh." Nanginit ang mukha ko ng marinig ko ang pangalan ni Ace. "Ahhh! manang pwede po bang magtanong? ahh! Ano po kasi, ahm kasi ano po e." Naghihintay si manang sa sasabihin ko nakakahiya naman magtanong wag ko na lang kaya sabihin. "Ang itatanong mo bang bata ka ay kung ano ibig sabihin pag hinalikan ng lalaki ang isang babae iha?" Napaubo ako bigla ng sabihin ni manang 'yun mang huhula ata itong si manang Pasing. "Ano Iha, tama ba ako?" "Ahh! e, oo manang pasing. Eh! ano po bang ibig sabihin ng ganu'n?." Wika ko kay manang habang napapayuko at lihim na napapatawa. "haha ang batang ito ngayon ka lang ba nahalikan?" "Po? ahh! 'di ,'di po ako manang 'yung ano! yung ano po kasamahan ko sa work. ahh! oo nga 'yung kasamahan ko manang nagtanong wala ako masagot eh. hehe" Natawa naman si manang ng malakas nakina kunot ng noo ko. " hahaha Hay! naku!Athena, Okey! okey! pag hinalikan ka ng lalaki ibig sabihin lang nu'n mahal ka o kaya gusto ka niya.Teka! baka naman ikaw 'yun nag kiss na ba kayo ni Ace?" Napaubo na naman ako sa sinabi ni manang na kinahalakhak na naman nito. "Ohh!! mukha pinag uusapan niyo ako ahhh? Aba tamang tama pala nag aalmusal na kayo. Good morning! Athena,nakatulog ka ba ng maayos?" 'Di ko magawang tumingin kay Ace, nahihiya ako para tuloy akong matataeng pusa. "Ahh! ano, ahh! manang ano pala kailangan ko na pala magbihis nandyan na si Ace." " Huh?! pero iha, nakabihis ka na?" Napakamot ako sa ulo ko tama si manang nakabihis na nga pala ako. "Ahh! mali, ano pala kukunin ko po 'yung bag ko sa kwarto sandali lang po aakyat muna ako." narinig kung tumawa si manang masyado ata akong obvious ahh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD