Kabanata 40 - Kagustuhan

1152 Words

Nakatulala lang ako habang patuloy silang nagkukuwentuhan. Hindi ko n masundan ang topic nila. Inihanda nila ang mga pagkain na dala ko. Masaya sila at kitang-kita na parang magbe-best friend ang turingan nila. "Paano po kayo naging magkakaihigan?" pasingit na tanong ko. Napatingin sa akin ang mom ni Rinniel. Kahit na nagkakausap kami noon ay hindi niya pa naikukuwento sa akin paano sila nagkakilala ng mga magulang ko. Gusto ko malaman kung dahil lang ha iyon sa business. "Actually ako, ang Dad mo talaga ang naging kaklase ko noon. Noong maging mag-asawa na sila ay tsaka naging malapit kami ng mom ninyo. Ngayon ay pamilya na mismo ang malapit sa kanila at masaya ako na magkaibigan na rin kayo ni Rinniel," sagot ni Tita. Napakagat ako ng aking labi sa pagbuking niya sa amin ni Rinniel.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD