Kabanata 11 - Keanna

1220 Words

Narito kami ngayon ni Charlie sa airport. Bakit ba kasi kailangang sunduin ang babae na iyon? Kaya naman mag-isang umuwi ni Keanna. "Nakabusangot na naman ang mukha mo, Chanel. Huwag mo masyadong ipahalata na hindi mo gusto si Keanna," natatawang sabi ni Charlie. Kasi naman, bakit pa kailangan mag-aral sa Torreon Academy kung gusto niya lang makatrabaho si Rinniel? Malakas talaga ang kutob ko na lalandiin niya ito. Kahit papaano ay pinsan ko siya at ayokong ma-bash siya ng mga tao. "Tuloy ba ang pag-transfer niya para sa next sem?" naiinis na tanong ko. "Yup. Kaya nga siya uuwi, aasikasuhin ang mga papeles para hindi na siya gahol. Pinili na rin niya na itigil ang unang sem niya sa ibang bansa para dito ituloy na lang. Bale, freshman ulit siya sa second sem sa Torreon Academy," sagot

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD