HBS 2

3006 Words
    HBS 2   Pagkatao   Ang sarap humilata maghapon kapag wala kang iniisip na problema. Iyong tipong hindi mo na iisipin kung saan ka kukuha ng pera. Sa laki ng kinita ko sa bar, hindi ko na poproblemahin pa ang mga gastusin ko. Kung titipirin ko lamang ang mga nakuha ko, maaaring umabot pa ito hanggang isang buwan. Ngunit hindi ako ganun. Ayokong magtipid lalo na kapag sarili ko ang pinaguusapan. I'm still Barbara Sofia Lachica; nakukuha ang gusto sa kahit na anong paraan.   "Letse! Tatlong araw na pero ang sakit pa rin!" dahan-dahan akong bumangon sa kama at uminom ng pain reliever para sa pananakit ng aking puson.   Tatlong araw ang nakakalipas simula nang magising ako sa sikat at mamahaling hotel. Sa una'y nagtaka ako kung bakit naroon ako, ngunit nang maaalala ang pinagagawa ko gabi, bago 'yon, hindi na ako umalma pa.   Ang lubusan ko lamang pinagtataka ay kung bakit naka-hubo akong nagising kinabukasan. Nasagot lamang ang katanungan kong iyon nang mabasa ang nakasulat sa sticky note sa bedside table na nagsuka daw ako nang gabing iyon.   Nagpapasalamat na lang ako at hindi ko na nakita pa ang lalakeng iyon hanggang sa umalis ako sa hotel dahil nakakahiya namang makita niyang nadumihan ko iyong bedsheet dahil sa kabuwanang dalaw ko.   Gulat din ang rumehistro sa mukha ni Marga nang makitang pumasok ako nung biyernes. Marahil ay nagtataka kung saan ako kumuha ng pera pambayad sa Miscellaneous, gayung walang-wala ako. Ngunit imbes na pansinin siya, itinuon ko na lamang ang atensyon sa exam.   Dumiretso ako sa mall matapos nun at bumili ng gamit sa boarding house. Ngunit umuwi din kaagad dala na din ng pananakit ng aking puson.   Araw ng lunes ay hindi ako pumasok at nag-malling lang maghapon; bumili ng gamit sa boarding house pati na rin mga bagong damit.   "Ano 'yan?" Marga's brows furrowed while staring at the paper bag I was handing her.   Imbis na magsalita, sinaksak ko sa kaniyang dibdib ang paperbag na hawak ko. Letse! "Why don't you see it yourself? Tanga ka ba?!"   Irap ang sinagot niya, ngunit sinunod naman ang sinabi ko at nanlalaki ang mga matang napatingin sa dress na ibinili ko para sa kaniya.   "Holy cow, Barbara! Saan ka kumuha ng pera para makabili ng ganitong mamahaling damit -- branded pa? Pangkain at pang-tuition nga, wala ka! Itong branded na damit pa kaya?! Nagtulak ka ba ng droga, ha? Panu kung matokhang ka? Naku! I can't accept this, friend. I'm sorry!" eksaheradang aniya at kabaligtaran sa mga sinasabi -- yakap-yakap na niya ang paperbag at kumikislap ang mata sa tuwa.   Punyeta! "Shut your mouth, will you?! At anong branded ang pinagsasabi mo? That dress's cost only 5K. Branded na pala sa 'yo ang ganung lagay? Ang cheap ha!"   Bumalik ako sa kinauupuan ko at yumungko. Hindi ko na inintindi ang armalite na bunganga niya. Pasalamat nga siya at naaala kong bigyan siya ng damit. Kapalit na din sa pagtuloy ko sa kanila ng ilang araw.   Nang matapos ang klase'y inaya ko si Marga mag-malling. Kahit na panay ang talak niya'y sinama ko pa rin para may mga taga bitbit ng mga pinamili ko. Pinag-grocery ko din siya at nilibre sa fast food chain na paborito niya.   "Naku! Salamat sa mga ito, Barbara friend. Kahit na ba'y galing ito sa masama ang pera, ayos lang. Tatanggapin ko na, kapalit man lang ng pagtuloy mo sa amin ng ilang araw --"   Napaismid at inikot ko ang aking mga mata at hindi inintindi ang pagtatalak niya. Pinakain ko na nga't lahat, hindi pa rin matigil ang bunganga sa pagdada. At talagang pinagdudahan pa akong galing sa masama ang pera.   Hangga't wala akong inaapakan, hindi ko iisipin na galing iyon sa masama.   "--sana maulit pa 'to, ha? Barbara?"   Hanggang sa makarating kami sa paradahan ng dyip, hindi ko siya kinakausap. I was busy staring at the guy na kabababa pa lamang sa isang mamahaling sasakyan. He's familiar kaya hindi ko tinigilan hanggang sa maaalala ito.   Kaya nang mapagtanto kung sino iyong gwapong lalake, dali-dali kong inagaw kay Marga ang mga pinamili ko saka ito tinulak papasok sa loob ng dyip.   Hindi ko inintindi ang pagtawag niya at sinundan ang lalake. Papasok din ito sa fast-food chain na pinasukan namin kanina ni Marga.   My forehead creased. Mayaman, pero sa fast-food pumasok?   Akala ko ay magtatagal ito sa loob pero matapos nitong makuha ang order, lumabas na ito. Hawak sa kaliwang kamay ang pagkain at ang kanang kamay naman ay nasa tapat ng tenga habang hawak ang telepono. Nakangiti ito sa kaniyang kinakausap sa kabilang linya at tila walang pake na may mga babaeng nakakakuha na ng atensyon niya.   Sinadya kong bundulin ito nang makalapit na siya sa kinatatayuan ko. Sinadya ko ding binitiwan ang mga paper bag na hawak ko saka mas lumapit pa sa kaniya.   "S-sorry," kunya'y saad ko. Pinagpupunas ko ang bandang dibdib niya kahit na ba wala namang natapon na kung anu dito.   Napaatras naman ito at nagpaalam sa kinakausap niya. "No, it was my fault. I'm not looking sa dinadaanan ko," binulsa nito sa jeans na suot ang telepono saka ako tinulungan sa pagpupulot.   "N-no, kasalanan ko. Sorry ulit,"   Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang tinigil nito ang pagpupulot sa paper bag saka ako mariing tinitigan.   Kumunot ang kaniyang noo ngunit pinagpatuloy din ang pagpupulot. Nang maiabot na sa akin ang paper bag, basta na lamang ako nito nilagpasan. Muling kinuha ang telepono saka may tinawagan.   "W-wait," nahawakan ko ang braso niya. Ang tigas! Letse! Mukhang tinamaan pa ako sa lalakeng 'to.   Tumigil naman ito at ngayon nga'y iritado nang nakatingin sa akin. "What? Look miss, if you ha--"   "Y-you look familiar kasi. Nagkita na ba tayo kung saan?"   Natigilan naman ito at lantarang sinuri ang aking kabuuan. Tila nanliit naman ako sa aking sarili dahil sa uri ng pagtitig niya. Kahit na ba sabihing, libo ang halaga ng damit ko, pakiramdam ko ay hindi ito bagay sa isang tulad ko.   Naging sunod-sunod ang paglunok ko. Kinakabahan ako at nawawala ang confident ko sa sarili.   "P-para kasing nagkita na tayo dati," patuloy ko at pasimpleng itinapat ang mga paper bag sa hita ko nang tumapat doon ang paningin niya.   Hindi ko masabing sa bar kaming dalawa nagkita dahil nahihiya akong pag-isipan niya ako ng iba. Baka isipin niyang manghihingi ako sa kaniya ng pera.   Nanatiling nakakunot ang kaniyang noo ngunit kapagkwan ay bumuka ang mga labi.   "Are you one of my flings? Sorry but I don't remember flirting with you," aniya sa tonong tila hindi magagawang pumatol sa akin. Pinasadahan pa ako nito ng isang tingin bago tuluyang nilagpasan.   Ako nama'y tila natulos sa kinatatayuan. Nanghihina ang tuhod ko sa inis at galit sa lalakeng iyon! Hindi ba ako maganda sa paningin niya?! Punyeta! Ako pa talaga! Sa akin pa talaga! Madami ang nagkakandarapa sa akin sa University tapos ganun-ganun lang?!   Hindi sa naghahabol ako sa kaniya. Gusto ko lang malaman kung naaala niya pa ako matapos niya akong dalhin sa hotel.   Ang paghangang nadarama ko sa gagong lalakeng 'yon ay tila bula na lamang na naglaho.   Ipagdasal lang ng punyetang gwapong lalakeng 'yon na hindi na mag-krus ang landas naming dalawa dahil sisiguraduhin kong isasampal ko sa pagmumukha niya kung gaanu ako kaganda!   "Tinitingin-tingin niyo!?" irap ko sa grupo ng kababaihang kanina pa pala nakikinig sa pinaguusapan namin ng aroganteng lalakeng 'yon.   Naghagikhikan lang ang mga ito saka ako tinapik sa balikat. "Hindi tumalab 'yong ganda mo, Friend,"   Isang linggo matapos kong mapahiya sa sarili ko pero hindi ko pa rin makalimutan ang punyetang lalakeng iyon. Hindi ko makalimutan ang pamamahiyang ginawa niya sa 'kin.   "Barbara friend, kaylan ulit tayo magsho-shopping?"   Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naramdaman na ang panget ko. Ang daming nanliligaw sa akin, pero dahil sa lalakeng 'yon, nabawasan ng konti ang tiwala ko sa sarili na lahat ng lalakeng gugustuhin ko ay mapapasaakin.   Nanggigigil ako! Gusto kong ingudngod ang mukha ng gagong 'yon nang sa gayo'y makaganti ako!   "Earth to Barbara Sofia Lachica!"   "Punyeta naman Marga! Hindi na naman matigil ang bunganga mo sa pagdada!"   Sa inis ay inihampas ko ang paborito niyang libro sa mesa. May mga napatingin sa amin ngunit wala akong pake!   Nagulat naman si Marga ngunit nang makabawi ay pinanlisikan niya ako. "What?!"   "Ang dami mong pwedeng ihampas, iyong libro ko pa!" bumubulong na aniya.   Hindi ko ito inintindi saka nangalumbaba sa mesa. Letse! Hindi mawala-wala ang panggalaiti ko sa lalakeng 'yon.   "Sinabi mo ibibili mo ako nung sapatos na gusto ko? Kaylan tayo magma-malling ulit?"   Napaikot ang aking mga mata. Kung madami lang akong kaibigan, matagal ko na sigurong iniwan itong si Marga. Napaghahalataang pera lang ang habol sa akin.   "Wala akong pera!" bagot kong sagot. Napabuntong hininga ako at yumungko na sa mesa.   "Anu! Akala ko ba unlimited ang pera mo? Ba't ngayon wala na?!"   Sa pagkakataong ito ay siya naman ang humampas ng kamay sa mesa.    Napaangat ang aking ulo dahil sumakit ito. "Punyeta Marga! Gusto mo bang sampalin kita!"   Hindi nito inintindi ang banta ko. Bagkus ay inabot nito ang bag ko saka hinanap ang wallet. "Isangdaan? Ito na lang ang lamang ng wallet mo? Panu na iyong sapatos ko?"   Letse talaga! Nasabi ko na bang bukod sa gagong lalakeng iyon, pera din ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko ngayon? Ang higit bente mil na kinita ko sa bar ay naubos na. Tumagal lang ito ng isang linggo mahigit dahil panay ang malling ko.   Ngayon nga ay namomroblema ako kung saan kukuha ng ipambabayad sa mga handouts na binibigay kada subject. Ang huling kain ko ay kagabi pa. Mabuti na lang at may natira pang stocks sa boarding house ko; pero kanina ko lang din napansin na paubos na ito kaya hindi na ako kumain kanina.   "'Wag mo sabihing mangungutang ka na naman sa 'kin!"   Masasabi mo talaga kung sino ang tunay mong kaibigan sa oras ng kagipitan.   "Hindi ako mangungutang, 'wag kang mag-alala,"   Lumiwanag ang mukha ni Marga. Natigil na din ito sa pag-dada. "Buti nama--"   "Sa inyo ako makikikain,"   Nanlaki ang mga mata nito saka ako dinuro. Ngumisi na lamang ako saka inagaw ang wallet ko.   "Sabihin mo lang kung gusto mo pa ha? 'Wag kang mahihiya, Barbara!"   Tinotoo ko ang sinabi ko kay Marga. Kinagabihan ay dumiretso ako sa kanila kahit na pinagtaguan niya ako kaninang uwian.   Akala naman niya hindi ko alam ang bahay nila. Ang tanga talaga.   "Sige, Tita Marina. Kapag ubos ko na po itong nasa pinggan ko,"   Kung nakamamatay lamang ang masamang titig, malamang ay kanina pa ako nakabulagta ngayon.  Kanina pa ako pinanlilisikan ng tingin ni Marga dahil sa pagsilbi sa akin ng nanay niya. Kanina nga ay todo ang pasasalamat nito sa 'kin sa mga pinamili kong groceries para sa kanila. Aniya pa ay sana maulit iyon.   "Gusto mo bang matulog dito, Barbara? Gabi na din kasi. Baka mapano ka pa sa daan,"   Lihim na akong napangisi. Pinanlakihan na din ako ng mata ni Marga pero nagkunwari akong hindi ko siya nakita.   "Pwede ka namang sa kama ni Marga. Tapos sa lapag na lang siya,"   Maliit lang kasi ang kama ni Marga. Iyong tipong isang tao lang ang makakasya. Kaya nga nang nakitira ako dito, salitsalitan kami kung sino ang sa lapag at sa kama. Si Tita Marina kasi ay maliit lang din ang kwarto.   Kaya paniguradong tuwang-tuwa ito nang umalis na ako dahil hirap na hirap na ito sa tuwing nakikitira ako sa kanila.   "Wag na ho. May dadaanan din po kasi ako,"   Hindi pumayag si Tita na hindi ako ihatid ni Marga sa labas. Kaya nang nasa tapat na kami ng gate saka ako nito binulyawan. "Mabuti't may plano kang umuwi!"   Ngumiwi ako kunwari. Sumulyap din ako sa relong nasa aking palapulsuhan. "Naku, late na pala. Ano kaya kung dito na ako sa inyo makitulog? Ikaw sa lapag tapos ako sa kama,"  inosenteng ngumiti ako.   Nanlalaki naman ang mata nito saka ako dinuro. "Ang kapal mo talaga, Barbara, anu!? Hindi ka ba talaga marunong mahiya?!"   Nangibit balikat ako. "Aalis na ako. Bukas abangan mo iyong text ko dahil dito na ako makikikain ng agahan, pananghalian, isali mo na din 'yong panghapunan..."   Nanlalaki na ang butas ng ilong nito sa pagkapikon sa akin pero hindi din nagsalita. Tinalikuran ko na si Marga pero bumalik din nang may maalala. "Pengeng pera, wala akong pamasahe," inilahad ko ang kanang kamay ko.   "Ang kapal mo talaga! Pati iyong pamasahe mo, iuubliga mo pa sa akin!"   "Madali lang naman ako kausap. Ano kaya kung bawiin ko sa 'yo 'yung dress na binigay ko par--"   Hindi ko na itinuloy ang sasabihin dahil padaskol na kumuha ng pera si Marga sa kaniyang bulsa."Oo na! Oo na!" padaskol niya ding inabot ito sa akin saka ako tinalikuran.   Napailing na lang ako. Ang pikon talaga.   Nadaanan kong may party sa bahay ni bakla habang naglalakad patungo sa paradahan ng dyip. Nang sumilip ako sa loob, ni isang babae, wala akong makitang bisita niya. Ang landi ng letseng bakla. Matanda na, kumikirengkeng pa.   Gusto ko sana siyang kausapin baka pe-puwedeng bumalik ako sa bar dahil walang-wala ako pero tingin ko ay hindi ito ang tamang oras.   "Barbara, kaylan ka magbibigay?"   Napahinto ako sa pintuan ng silid. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok, may humarang na sa akin mula sa loob.   Umangat ang aking kilay. "Magbibigay para saan? May pinatago ka ba?"   Tila nataranta naman ito saka kumumpas-kumpas ang kamay. "I-ikaw na lang kasi ang hindi nakakapagbayad sa grupo natin sa Thesis."   Doon ko lamang naalala isa pala siya sa kagrupo ko sa Thesis. Apat kami sa grupo pero lahat sila ay hindi ko kilala. Nataon lang na wala akong kaibigan maliban kay Marga.  Ang huli naman ay may kagrupo na kaya walang ibang pagpipilian kundi makisali sa mga losers tulad nila.   Binundol ko ang balikat niya saka nilagpasan. "Magkano ba?"   Nanlumo ako nang sabihin niya ang amount ng babayaran ko. Ganun na kaagad kamahal ang nagagastos para sa thesis?   “Sa susunod na lang ako magbibigay. Wala pa akong pera,” dumiresto ako sa upuan ko saka yumungko.   Letse kasi! Ba’t ang daming bayaran kapag graduating student?   “Barbara kasi, nung isang linggo pa nila kaylangan ng pera. Baka tanggalin ka nila sa grupo kapag hindi ka pa nakapagbigay. Wala ka na ngang naitutulong, pati ba naman sa financial—wala ka pang maibibigay?”   Napahugot ako ng hininga. At talagang sinundan pa ako dito sa upuan ko. Sa inis ko ay tumayo ako at nilapitan siya. Agad naman siyang napaatras. “Bakit ngayon ka lang kasi naningil?” kung kaylan wala na akong pera saka naman may mga bayarin.   “N-nung isang linggo pa ako naniningil sa ‘yo. Ang kaso hindi mo ako pinapansin,”   Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hindi ako nakaimik nang makitang hindi siya nagsisinungaling. Siya iyong lapit ng lapit sa akin pero tinataboy ko lang.   “Gawan mo ng paraan,” mahinang sambit ko at bumalik sa upuan ko. Pero hindi pa rin niya ako tinigilan; sumunod siya sa akin. “Barbara kasi, hind—“   “Anu ba! Barbara ka ng Barbara! Baka may bumara r’yan sa lalamunan mo kapag hindi ka tumigil sa pagbanggit ng pangalan ko!”   Ang aga-aga binibwesit ako ng isang ‘to. Hindi na nga ako nakatulog kagabi sa kaiisip kung saan kukuha ng pera, dadagdag pa siya.   Gumuhit ang takot sa kaniyang mukha. Naging sunod-sunod din ang paglunok nito. Nang nakitang kumakalma na ako, saka siya nagsalita. “S-sorry, b-bakit ako?”   “Bayad ka na ba?” inilihis ko ang usapan.   Umiling ito. “P-pero tumutulong ako sa mga paper works,”   Pinanlisikan ko ito. “Pinaparinggan mo ako?” agad din siyang umiling.   “Ako ng bahala sa ipangbabayad mo basta gawan mo ng paraan.  Sabihin mo, dodoblehin ko iyung isang libong sinisingil nila.” winasiwas ko ang aking kamay sa harap niya, senyales na pinapaalis siya.   Ano na Barbara? Saan ka kukuha ng apat na libong ipangbabayad sa kanila?   Bumalik ulit ako sa bahay ni Bakla. Nagbabakasakaling maabutan ko siya doon pero laglag ang mga balikat na bumalik ako sa boarding house. Nag-out of town ito ayon sa napagtanungan ko.   Hindi ko na alam kung kanino ako manghihiram ng pera. Hindi pwedeng kay Marga dahil bukod sa kuripot ito, madami din itong gastusin. Kay Dos naman, may kapatid din itong pinag-aaral.   Ipinara ko ang dyip nang madaanan namin ang bar na pinagtrabahuhan ko. Sinubukan kong pumasok ngunit hinarangan lamang ako nung dalawang bouncer. Wala na akong nagawa kundi ang maupo sa tabi at yumungko. Alangan namang pumalag pa ako, e ang lalaki ng katawan ng mga gagong ‘yon. Baka anu pang gawin sa ‘kin.   Dumaan pa ang isang linggo, hindi na ako nakakapasok pa dahil itinuon ko na lang sa paghahanap ng trabaho. May kumuha naman sa akin sa isang karinderya pero tinanggal din kaagad ako nang sapakin ko ang isa sa masugid na customer nila. Hindi nila ako pinaniwalaang hinipuan ako kaya ako ang mas piniling ipatalsik. Sinubukan ko pang maghanap sa mga fast-food chain pero hindi ko kinaya. Hindi pwede ang babagal-bagal sa kanila kaya tinaggal din agad ako.   “Matagal mo na daw akong hinahanap,” agad akong napatayo sa labas ng gate ng bahay ni Bakla nang huminto sa harapan ko ang isang sasakyan at iniluwa siya nito. “Akala ko hindi ka na magpapakita pa sa akin,”   Inirapan ko ito. Bagaman seryoso, hindi pa rin nito maitatago ang ngisi mula sa kaniyang mga labi, natutuwang nasa harapan niya ako. “Shut up! Matagal na ba sa ‘yo ang pitong araw?”   Kasi oo! Pitong araw na akong naghihirap!   Imbis na magalit, humalakhak lang ito at iginaya ako papasok sa bahay niya. “Magbihis ka na. Alam ko kung anu ang kaylangan mo,”   Napapikit ako at sinunod ang sinabi niya. Heto na naman ako; papasok sa trabahong kaylanman ay hindi ko ginusto. Kahit hindi ko aminin, dito sa puso ko, may pangamba akong nadarama. Natatakot ako na baka kinabukasan, magising na lang ako na hindi na buo ang aking pagkatao.   To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD