MAGKATABI SILANG NATULOG. Walang nagawa si Jasmin kundi tumabi kay Miguel. Halos nanigas na siya sa kinahihigaan dahil takot siyang dumikit ang balat nito sa kanya. Sinong hindi matatakot sa sinabi nito? Araw-araw daw itong horny! For a second ay bigla siyang nagsisi sa naging desisyon. Mukhang bago sila maghihiwalay ay lasog-lasog na lahat ng parte ng kanyang p********e. Wala siyang kakilos-kilos habang ang lalaki ay nakatagilid paharap sa kanya. Ayaw niyang lumingon dahil nakatitig ito panigurado! "Why are you stiff? Sasakit ang katawan mo kung ganyan ka humiga." pansin nito sa kanya. Paano ay straight na straight ang katawan niya at pati paa! Balot na balot din siya ng kumot hanggang leeg. "H-ha? H-hindi.. Okay lang naman ako sa ganito. Ganito talaga ako matulog." Pagsisinun