CHAPTER 5

1230 Words
Matapos ng araw na bumisita si Miguel Santibañez sa school ni Jasmin ay hindi na niya ito nakita ulit. Mas nakahinga siya nang maluwag sa isiping iyon. Hindi napapanatag ang loob niya kapag palagi niya itong nakikita. Tila may kung anong damdamin itong pinupukaw sa kanya kaya mas mainam kung hindi na sila magkita pang muli. Nasa loob lang siya ng apartment niya nang mga oras na iyon. Wala siyang pasok dahil sabado ngayon at kakatapos lang din niyang gumawa ng lesson plan. Naisipan niyang tawagan ang pamilya niya kaya dinampot niya ang phone sa mesa at ni-dial ang numero ng mama niya. Nag ri-ring palang ang telepono ngunit napunit na nang ngiti ang kanyang mga labi.. Lalo na nang may sumagot sa kabilang linya at narinig niya ang maingay at maliliit na boses. "Hello? Ganda , kaw ba'to? Ano ba! Ako nga muna eh!" Tila may kaagaw pa ito sa telepono dahil mataray ang maliit nitong tinig. Parang may kung anong init ang bumalot sa puso niya nang marinig ang boses ng batang babae. Bahagya siyang tumikhim at inalis ang bara sa lalamunan. "Hi! K-kamusta kayo diyan?" nakangiti ngunit naiiyak niyang tanong. "Okay lang po kami, ganda. Bakit po ikaw malungkot?" "Huh? Hindi ako malungkot no.. Nami-miss ko lang kasi kayo.." aniya. "Ako din, ganda.. Miss na miss na kita. Alam mo ba si Blue, palagi akong inaaway.. Huwag mo nga siya pasalubungan ng Jollibee, ganda." Kahit hindi niya ito nakikita ay nakikinita ni Jasmin sa isip ang nakasimangot na mukha ni Purple. May narinig siyang isa pang boses at bigla nalang yata inagaw ang phone. "Ganda!!!! Hindi ko siya ni-aaway, ayaw kasi niya akong pahiramin ng crayons." boses maliit din iyon matinis pero panglalaki. "Huwag kayong mag away. Bibili si Ganda ng maraming crayons kapag nakauwi ako, gusto niyo 'yon?" Naging choppy ulit sa kabilang linya at walang sumagot sa tanong niya. Ilang segundo lang ay ibang boses na naman ang kanyang narinig. "Hi, pretty! Kailan ikaw uuwi?" kahit hindi siya magtanong ay kilala niya ang boses ni Red. "Sa susunod na buwan pa, Pero kaunting tulog nalang iyon. Atsaka, kakauwi ko lang diyan noong isang linggo.." napalabi niyang sagot. Ang totoo ay gusto niyang palaging umuwi sa probinsya. Kung sana lang ay mayaman siya para kahit araw-araw ay pwede siyang makauwi. "Siya nga pala, nasaan si Lilac?" tanong niya sa mga ito. "Nanonood po ng Coco Melon.." Pagkuros pang sagot ng tatlo kaya mas lalo siyang napangiti. "Nasaan ang Lola niyo?" naisipan niyang itanong. "Nasa labas siya ng bahay po.. Nakikipag marites." sagot ni Purple. "Nasa harap ng tindahan ni Aling Lucy, ganda.. bumubula ang bibig." Si Red naman ang nagsabi kaya nanlaki ang mata niya. "Anong bumubula ang bibig?" "Kasi nga po, nakiki-tsismis si Lola sa bagong kapit bahay." si Blue naman ngayon ang sumagot. Umikot nalang ang mata ni Jasmin sa kakulitan ng tatlo. Hindi pa nga nakisali si Lilac kaya hindi pa sagad. "Kayo talaga, kung ano-ano nalang sinasabi. Oh siya, kumain na ba kayo?" "Opo, ganda. Nagluto si Lola kanina nang pakpak ng aswang!" Malakas ang pagkakasabi ni Red kaya natawa siya ng bahagya. "Pakpak ng aswang? Nakakain pala 'yon?" "Ang sabi kasi ni Lola, kapag hindi daw kami kumain ng marami, yong pakpak ng chicken magiging pakpak ng aswang. Totoo po ba yon?" Seryosong tanong ni Red. Narinig niya ang hagikhikan ng mga bulinggit kaya mas lalo niyang na-miss ang mga ito. "Oo totoo iyon, kaya kailangan niyo kumain ng marami ha? Inumin niyo din vitamins at gatas niyo." bilin niya. "Areglado po, ganda." Si Blue na halatang nang agaw na naman ng telepono. "Oh sige na. Mag iingat kayo ha. Sabihin niyo sa lola na tumawag ako. I love you you sa inyo mga kulitis." aniya.. Isa-isang nagpaalam ang mga bata bago niya binaba ang telepono. Gusto pa sana niyang makipag-usap ngunit mas lalo siyang mangungulila kaya pinutol na niya. Hindi pa naman siya nakokontento sa boses lang. Bago magtanghali ay lumabas siya ng apartment upang bumili ng lutong ulam. May malapit na karenderya sa labas kaya doon na siya bibili. May sinaing naman siya kaya ulam nalang ang kulang. Nakakatipid naman siya kapag lutong ulam ang binibili dahil bukod sa hindi na kailangan magluto ay mag-isa lang din siyang kakain. Kailangan niyang magtipid ng sobra dahil weekly ang padala niya sa probinsya. Hindi kasya ang sahod niya sa pagtuturo kaya nag o-online din siya ng mga tinda. Katulad ng mga bags at sapatos. Mabuti nalang at may nakilala siyang supplier na mabait. Doon niya kinukuha ang paninda at pumapayag itong hindi full ang bayaran niya at kapag nabenta niya lahat ay doon palang niya babayaran ng buo. Malaking tulong iyon sa kanya lalo pa at dumadami na din ang costumer niya online. "Oh Jasmin, mabuti at maaga ka ngayon. Hindi pa naubos ang paborito mong binagoongan. Kako, ipagtira kita baka maubusan." ani aling Marta. Ito ang may-ari ng karenderya sa kanto na naging kaibigan niya. Sa ilang taon ba naman niyang pagbili sa babae ay hindi malabong naging magkaibigan sila. Wala itong anak pero may asawa. Matanda na si Aling Marta pero sobrang bait. Napangiti siya nang makita ang paborito niyang ulam. May tira pa nga ngunit malapit nang maubos tulad ng sinabi nito. "Salamat ho..Isang serve ho niyan aling Marta at isang tortang talong." turan niya. Agad naman itong kinuha ang order niya at nilagay nito sa isang supot bago binigay sa kanya. "Alam mo Jasmin, sa ganda mong yan, maraming mayamang lalaki ang magkakandarapa sayo ineng! Naku, kung ako lang noong kabataan ko, hindi ko palalampasin kung ganyan ako kaganda." Pahabol nitong sabi. Umiling lang siya at nangingiti sa sinabi ni Aling Marta. Ilang beses na niya iyong narinig mula dito kaya nasanay na si Jasmin. Pauli-ulit nitong sinabi na hindi niya kailangan magtiis sa maliit niyang apartment dahil maraming mayayaman ang nanliligaw sa kanya. Sa isang banda ay naisip na niya ang bagay na iyon. Totoo ang sinabi nito na maraming nagpapalipad hangin sa kanya. Minsan na itong nakasaksi ng mga lalaking nagliligaw sa kanya ngunit hindi niya pinapansin. Hindi niya din maintindihan ang sarili, tila wala siyang maramdaman na kahit ano sa mga lalaking napapalapit sa kanya. Siguro ay nakatatak lang sa isip ni Jasmin ay kailangan niyang magsikap dahil may malaki siyang responsibilidad na dapat gampanan. Isa pa ay hindi pa siya nakakabawi sa kanyang mga magulang. Sa mga sakripisyo nito sa kanya. Naisip niya na kung magiging practical siya sa buhay ay magiging madali sana ang lahat ngunit hindi naman siya makokontento kung hindi siya masaya. "Mauuna na ho ako aling Marta. Salamat po ulit." Sabi nalang niya sa ginang. "Walang anuman. Pag isipan mo ang sinabi ko ha." pahabol pa nitong sabi bago siya tumalikod. Hindi nalang siya sumagot at bahagya lang na tumango. Pagdating sa kanyang bahay ay naghanda na siya para kumain. Napatigil lang si Jasmin sa biglang pag tunog ng cellphone niya sa bulsa. Kinuha agad niya iyon at tiningnan para lang mapakunot ang noo dahil hindi niya kilala ang tumatawag. Automatic declined. Nagsalubong ang kanyang kilay nang tumunog iyon ulit. Sa kaparehong numero. Nagdesisyon siyang sagutin para malaman kung sino ang hindi kilalang caller. "Sino 'to?" "Hello, Teacher Miranda.. Miss me?" Ang swabe at baritonong boses sa kabilang linya ang nagpakaba kay Jasmin sa hindi malamang dahilan. Hindi agad siya nakapagsalita ngunit kilang-kilala niya ang boses na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD