CHAPTER 6

1469 Words
"Sino 'to?" Kahit may kutob naman si Jasmin kung sino ang caller ay nagawa niya paring magtanong. Wala siyang idea kung saan nito nakuha ang numero niya pero wala na siyang balak na alamin pa. Napa-ayos siya ng upo at nakalimutan niyang kakain na pala siya dapat. "Aw, that's so sad that you didn't recognize my voice." anang lalaki sa kabilang linya. Napahinga siya ng malalim at sinikil ang sarili na tarayan ito. "A-anong kailangan mo?" "Ikaw." deretsahan nito iyong sinabi. Napipilan si Jasmin at hindi agad nakapagsalita. Tila nalulon niya ang sariling dila dahil sa sagot ng binata. "A-anong kailangan mo sakin?" "Be my woman." hindi niya matukoy kung seryoso ito sa pinagsasabi ngunit wala naman siyang naramdaman biro doon. "Nababaliw ka na, Mr. Santibañez." Nasabi niya bigla na agad ring pinagsisihan. Baka biglang magbago ang isip nito at putulin ang sponsorship sa MIS. "Maybe I am. So..payag ka na?" Hindi parin tumitigil nitong turan. Sa tono ng boses ng lalaki ay parang nag tatanong lang ito ng normal na bagay. Sa isip ni Jasmin ay nahihibangan siya sa lalaki. Kung tutuusin ay wala silang malalim na connection. Isa lang siyang babae na dumaan sa buhay nito ng isang gabi at nagkasundo sa isang deal. Walang espesyal na nangyari sa kanila kaya hindi niya maintindihan kung bakit nagkaroon ito ng interest sa kanya ngayon. Kung espesyal mang tawagin na ito ang lalaking nakauna sa pinaka-iingatan niyang pagkakababae ay nasa kanya na iyon. Kung ganda ang pag-uusapan ay mas marami naman itong nakakasalamuhang mas maganda at may class kesa sa kanya. Lalo na sa katawan. Hindi malabong puro celebrity at model ang nauugnay sa lalaki. "Hindi ako bayarang babae." matatag niyang wika. Humigpit ang kaput niya sa cellphone. "I know, And you will remain like that." anito sa kabilang linya. "But here you are planning to make me your woman. Pagkatapos non, babayaran mo'ko. Ganon 'yon diba?" "It's not like that. But showering you gift would not be so bad, right? That's how I pamper my woman." kalmado nitong sabi. Nagsalubong ang kilay niya. Hindi nito naiitindihan ang punto niya, o sadyang ayaw nitong tanggapin. "I am not your woman, And I will never be." "Let's see." "Besides, there's no difference. Babayaran mo parin ako at gagawin mong puta. Hindi ko alam kung bakit ako ang ginugulo mo Mr. Santibañez. Nanahimik ako dito." Narinig niya itong tumikhim. "Yon na nga eh, nananahimik ka lang pero nakuha mo ang interest ko. You're one lucky girl." anito, na para bang ang swerte niya dahil napansin siya ni Miguel Santibañez. Ang yabang! Siguro sa iba ay oo. Pero sa kanya ay bangungot ang makaharap o kahit makita man lang ang lalaking ito. "No. Lubayan mo nalang ako." wala na siyang ibang masabi kundi iyon. "I'm sorry, but I can't. The beast does not accept the word NO." Huling narinig niya bago nito binaba ang tawag. Napaawang nalang siya ng labi at napatapik sa noo. Gusto niya itong sigawan at murahin. Anong karaparan nitong salungatin ang desisyon niya? Kumain siya habang hindi parin nawawala sa isip si Miguel. Tuloy ay ilang kutsara lang ang nakain ni Jasmin kahit pa paborito niya ang ulam. Itinabi nalang niya iyon para mamayang gabi. Pagkatapos niyang magligpit ay nagtungo siya sa labas ng maliit niyang bakuran. Sa tagal niyang nangungupahan doon ay may naitanim siyang mga halaman. Nasa gilid lang iyon ng pinto kaya kumuha si Jasmin ng tubig sa tabo at diniligan ang mg halaman niya. Doon siya tumitig kahit wala naman talaga doon ang isip. Nang humapon ay wala siyang ibang ginawa kundi maglinis ng bahay. Halos lahat ng parte ay nalinisan niya na kaya siguradong kahit alikabok ay mahihiyang dumapo. Pagsapit naman nang gabi ay saka lang niya nakain ang ulam na hindi niya naubos kanina. Ininit lang niya iyon sa may katagalan nang oven at saka kumain. Pagod na pagod siya nang gumabi kaya nang makaramdam ng antok ay agad siyang nahiga sa kama. Saktong pipikit na sana ang mata ni Jasmin ng makarinig siya ng katok sa pinto ng bahay niya. Agad na lumipad ang antok at napabalikwas siya ng bangon. Malakas ang katok at tila walang balak na tumigil. Maaga pa naman pero wala siyang inaasahan na bisita kaya sobra siyang nagtaka kung sino ang nasa labas ng kanyang pinto. Maraming kapit bahay sa labas na kasalukuyan pang tumatambay kaya hindi naman siguro ito masamang tao. Takot lang nitong kuyugin dito sa looban kung saan siya nakatira. Lumapit siya sa pinto at sumilip sa siwang. Yari sa kahoy ang pinto niya pero matibay iyon. Hindi niya maaninag ang tao sa labas dahil may kadiliman at nakalimutan niyang e-on ang ilaw sa labas. May nginig ang kamay niyang humawak sa seradora ng pinto at bahagya iyong pinihit. Naisip niya baka kapit-bahay at may kailangan lang sa kanya. Ngunit nabigla siya ng sobra nang saktong bumukas ang pinto ay nasalubong niya ang matangkad at nakapamulsang lalaki. Salubong ang kilay at tila bagot na bagot na nakatayo sa labas ng bahay niya. Kahit medyo may kadiliman ay klaro sa paningin niya ang madilim din nitong mata. Walang gate ang bahay kaya malaya niyang nakikita ang nakaparadang harley davidson na motor malapit lang din sa inuupahan niya. Kulang ang sabihing nagulat siya. Nawindang ang tamang sabihin sa nararamdaman! "A-anong- paanong- B-bakit ka nandito?" gulat na gulat niyang tanong. "Why did you take so long to open the door?" sa halip ay iyon ang sinabi ng lalaki. Hindi man lang sinagot ang tanong niya. "A-anong ginagawa mo d-dito?" Mariin niyang tanong. Paano nito nalaman kung saan siya nakatira? Ganon ba kalawak ang connection ng lalaking ito na ang bilis malaman ang mga personal niyang info? Hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kanya. Ilang sandali pa ay tinulak siya bahagya ng lalaki papasok sa loob ng kanyang bahay. Nanlaki ang mata ni Jasmin at pumiksi. "Hoy! Ano ba, bawal kang pumasok sa bahay ko! Trespassing ka!" "You're not wearing underneath at maraming lalaking tambay sa labas." deretsong turan nito kaya napatigil siya sa pagtulak sa lalaki. Noon lang niya naalalang manipis na sando lang ang kanyang suot at walang suot na bra. And worse, sobrang ikli at nipis ng suot niyang shorts! Nag init agad ang pisngi ni Jasmin at pinag krus ang braso sa katawan. "Ngayon mo pa naisipang takpan kung saan ako nalang ang nakakakita." anito. "B-bastos!" "What? I didn't even touch the tip of your hair. Hindi pa ako kumikilos teacher Jasmin." "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Mataray niyang tanong. Ayaw niyang patulan ang sinasabi nito dahil hindi siya komportable. Tumatayo ang balahibo niya sa batok. "I have connections. More than you'll ever imagine." walang kurap nitong wika. Biglang may kumabog sa dibdib niya sa sinabi nito. Kung ganon kalaki ang connection ng lalaki ay hindi malabong malaman nito ang sekreto niya.Tila may kung anong takot siyang naramdaman sa isiping iyon. "Umalis ka na. Matutulog na ako." Tinalikuran niya ang lalaki at nagtungo sa kama niya. At dahil studio type ang bahay niya ay kita na halos lahat. Nilibot nito ang tingin sa kabuoan ng lugar pero wala siyang narinig na salita mula dito. "Inaantok na ako, kung ipipilit mo ang gusto mo, "Hindi" parin ang sagot ko." matatag niyang turan at sinalubong niya ito ng tingin. Nasa kama siya at ito ay nasa malapit lang sa pinto. "Matutulog kang ganyan ang suot? Your place in not even safe. And my bed is way more comfortable than yours." hindi nito pinansin ang sinabi niya at sa halip ay parang bisitang umupo ito sa pahaba niyang sofa. At dahil malaking tao ito ay naging maliit iyon tingnan. Naka de kwatro pa ang lalaki at sinablay ang dalawang braso sa sandalan ng sofa. Naguguluhan na si Jasmin sa inaakto nito. Ang labis pa na nagpagulo sa isip niya ay ang kaisipang may kasama siyang lalaki sa loob ng kanyang bahay ngunit hindi man lang siya makaramdam ng peligro. Ni hindi niya kilala nang labis ang taong ito ngunit wala man lang siyang takot na baka gawan siya nito ng masama. Wala naman kasi sa mukha ng lalaki ang pagka-kriminal. Mas mukha itong hari na kayang paluhurin lahat ng babae sa paanan nito! Talaga ba Jasmin? Ipinilig niya ang ulo at nakipagtitigan sa lalaki. "Wala akong pakialam sa kama mo, Mr. Santibañez. Kung nagpunta ka lang dito para punain kung anong klaseng buhay meron ako, pwede ka nang umalis. Wala ka rin namang mapapala sa akin." Tahasang pagpapalayas niya. Tumaas lang ang sulok nang labi nito at tumayo mula sa sofa. Bago ito tumalikod ay nagbilin pa ito ng mga salitang nagpakabog sa dibdib niya. "As I said. I will not accept No for an answer. I swear that one of these days ,you'll be my woman and you can do nothing about it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD