Pagpasok palang ng kuwarto na nasa penthouse niya ay kaagad ng hinubad ni Sam ang kaniyang mga damit. Kanina pa siya atat na atat na makaniig si Kimberly. Hindi. Noon pa man pa lang nasa Thailand siya. Kaya nga hindi na siya nakapaghintay ng kinabukasan ay sinundo na niya kaagad ang dalaga, pagkagaling niya ng airport. Sobrang miss na miss niya si Kimberly. "Bakit ang tagal mo?" Napangiti si Sam nang magsalita ang dalaga na nakaupo sa kama habang pinagmamasdan ang kahubdan niya. "Ang kulit kasi ni Dean, eh. Ang tagal ibaba ng telepono." Tugon ng binata. Pagkatapos nilang maghapunan ni Kimberly ay tinawagan siya ng kaibigan. Kunwari daw may itatanong lang ito. Pero bandang huli ay nauwi din ang pag-uusap nila sa kantiyawan. Ni minsan daw ay wala pa siyang dinalang babae dito sa penth