Ngumiti naman si Delisia na abot tainga. "Kitams... hindi ba kinilig?" turan ng kaniyang ama. Sabay humagikgik ang dalawa na parehong hindi nila ito napigilan. "Haaa love you... raw Naynay," anito. "Haaa love you too darling ko..." para ngang bagets si Delisia. "Ayyy... pak na pak! Paka-wow!" Tuwang-tuwa si Ula sa kaniyang mga magulang at ganoon rin si Giby. Nakatulugan nila ang ulan at kahit tulog ay nakahawak pa rin si Ula sa payong. Ang kanyang ulo ay nakasandal sa balikat ng kaniyang boss. Na alimpungatan si Giby at nakita niya ang posisyon ni Ula. Awang-awa siya rito, kinuha niya ang payong at siya ang humawak. At pina-unan niya si Ula sa kaniyang hita. Kinabukasan ay maagang nagising si Ula at hindi pa rin tumila Ulan. "Sir..." yugyog niya. "Uhmm..." ungol rito. "Umaga