Umalis na kaagad ako set nang pag-salitaan ako ng hindi maganda ni Liam sa harap ng maraming tao. Sumakay kaagad ako sa van at sumunod sa akin ang manager ko na pinapagalitan ako sumimangot na lang ako sa harap nito katabi naman niya ang personal assistant ko na nakatingin lang sa akin. "Nakakahiya ka talaga, Rea kaya maraming project na hindi binibigay sa'yo dahil sa ugali mong 'yan binibigay nila sa ibang artist." sabi sa akin ng manager ko at inirapan ko siya totoo naman ang sinasabi niya. Hinagisan ako ng tumbler ng assistant ng manager sinamaan ko na lang ng tingin dahil muntik ng matapon sa mini skirt ko ang laman nito. "Kumalma ka nga, Rea may pamilya na si Liam tigilan mo na siya, ano ka ba! Baka ma-karma ka sa ginagawa mong 'yan." saway nito sa akin pinag-mumura ko ng malutong