Nang malaman ng media ang tungkol sa relasyon namin ng asawa ko pinagka-guluhan kaagad kaming dalawa ng media ng dalawang network. Alam naman ng management ang totoo kaya wala silang reaksyon. Dumating ako sa network ko na nag-aabang ang mga media sa entrance hinarangan ito ng mga security guard para makadaan ako sa hallway. "Kaya pala hindi gusto ni Liam si Rea dahil asawa niya si Barbie at ang type mas bata sa kanya," narinig kong bulungan ng mga nag-uusap sa gilid namin. "Magkapatid talaga ang pinatulan nila ng kapatid niya na dating actor," narinig kong kwento pa nila napapailing na lang ako. "Shhh..ibig sabihin anak nila 'yong Jerri Yang?" banggit naman ng dalawang nag-uusap. Sinaway sila ng manager na nadaanan namin nakita kong nakatayo sa tapat ng dressing room ko si Rea na kun