Umorder ang mga kaibigan niya para sa aming lahat bago kami lumayo sa kanilang mesa. "Mga kasama nyo ba sila, ma'am?" tanong ng isang staff sa amin at tumango kami at nakilala ako nang ibaba ko ang suot kong salamin. "Shhhh...gusto namin ng asawa ko ng privacy sa pagsasaya minsan lang mangyari sa magkakaibigan na magsama sila." bulong ko sa staff tinawag nito ang manager ng bar. "Huwag nyo ipagkakalat sa social media ang mangyayari sa bar na 'to gusto lang namin ng kasiyahan naiintindihan nyo ba? Kung may mangyayaring landian sa kanila ng babae lumalapit sa kanila hayaan nyo pero bantaan nyo." birong totoo ko sa staff at manager tumango kaagad hindi nagsalita ang mga kasama ko na asawa ng kaibigan ni Liam. Dating actress ang dalawang kasama ko pero hindi nila kilala dahil nagbago ang