Nang mag-hiwalay na kami ng landas may natanaw pa akong babae nakatingin sa mag-ama ko mabuti na lang hindi ako bumaba ng taxi nang lumabas sila kanina. Hindi ko namukhaan ang babae pero hindi siya fans ng mag-ama ko marunong ako tumingin ng mga taong fans o hindi at kung nagmamatyag lang ba ang isang tao sa amin dahil tinuruan ako ni Mama ko nang subukan kong hawakan ang negosyo namin kailangan kong kilatisin ang mga taong nakikita ko kung nag-sisinungaling ba ito o hindi sa negosyo namin. May stalker ang mag-ama ko, ito ang unang hinala ko. Nang dalhin na ako ng driver sa hotel na malapit sa airport bumaba na kaagad ako at humingi ng tulong sa isang crew na tulungan akong dalhin ang gamit ko. "Thank you," sabi ko na lang sa crew at umupo ako sa lobby ng hotel katabi ng maleta ko. Na