Nanood na lang kaming dalawa sa sala nakasandal ako sa paanan niya at ako nasa sofa. Napag-pasyahan namin na uminom din ng alak habang nanonod ng pelikula. "Honey, cheers!" sigaw ko na lang sa kanya at tinaas niya ang basong hawak ko. Kinuha niya ang hawak ko nang iinumin ko na ang laman ng baso. "Hep! Awat muna, honey," sabi naman niya sa akin at inagaw ang basong hawak ko. Lumungayngay ako sa likod niya ramdam ko na ang kalasingan ko at hinawakan ko ang leeg niya. "Honey?" pag-tawag niya sa akin dinilat ko ang mata ko para makita ko siya. "Huwag mo—ako iwanan—" utal ko sa kanya at hinalikan ko ang pisngi niya. Naramdaman ko na tinulak niya ako pahiga sa sofa umingit na lang ako. Bumangon siya at binuhat niya ako sumandal na lang ako sa sldibdib niya. Hiniga niya ako sa kama at na