Nang magising ako nakita ko ang isang batang lalaki nakatayo sa harapan ko umiwas naman ako nang tingin dahil sa titig nito, sino ang batang 'to? "Papa, ni xingle!" umiiyak nasabi nito kumunot ang noo ko sa binanggit niya. (you're awake!) Papa? Sino siya? "Sino ka?" tanong ko na-blurd pa ang mata ko, nasaan ba ako? Ang huling tanda ko nasa taping ako kasama ang mga cast sa isang teleserye. Nang luminaw na ang paningin ko napatingin ako sa batang lalaking kaharap ko. "Nasa hospital ka, Pa na-aksidente ka mabuti na lang nagising ka nag-alala sina lola at tito Zhang sa'yo." pahayag naman ng batang lalaki sa akin kumukunot ang noo ko. "Tito Zhang?" bulalas ko ibig sabihin may anak na ako? Wala pa akong anak ah? "Sabi sa amin ng doctor, Pa mawawalan ka talaga ng memory dahil sa akside