Angel
Pagdating ko sa Italy ay agad akong dumiretso ng hospital habang tinatawagan ang aking ama. Agad naman siyang sumagot at sinabi kong malapit na ako sa hospital at sinabing abangan na ako sa mismong entrada ng hospital. Bumaba ako ng cab na aking sinasakyan at mabilis na binayaran ang driver.
Agad kong nakita ang aking ama na naghihintay na sa akin at tumakbo akong lumapit sa kanya. Agad ko siyang yinakap at lakad-takbo ang ginawa namin habang papunta sa kwarto ng aking kapatid. Ininterview ko ang aking ama kung ano ang nangyari sa aking kambal.
“Dad, ano’ng nangyari sa kanya? Akala ko ba ang sabi ng doctor ay tinatanggap ng kanyang katawan ang chemotherapy niya?” tanong ko.
“Hindi ko alam, anak. Iyon din ang akala ko, ang kaso ay mukhang hindi gano’n ang nangyari,” simula niya. “Pumunta ako rito para tignan sana ang kalagayan niya at kamustahin siya pero nakita ko na lang na tumatakbo ang mga doctor at nurse kanina papunta sa kwarto niya. I asked what is wrong, and that is where they told me that your sister is not doing well.”
Agad kaming pumasok sa kanyang kwarto at nakita ko na mukhang katatapos lamang siyang asikasuhin ng mga doctor dahil mukhang kumalma na siya. Mukhang nakatulog na rin siya dahil sa mga gamot na itinurok sa kanya. Pagkakita sa amin ng doctor ay tinawag niya kami sa labas upang kausapin.
“Is my sister going to be okay, Doc?” nag-aalalang tanong ko pero agad ko nang nakita na hindi ang sagot niya base sa kanyang ekspresyon.
Tumingin siya sa aking ama bago sa akin at huminga ng malalim. “I’m going to be totally honest with you, Ms. Nebrez. Your sister is not accepting the chemotherapy that we are giving her.” Kumunot ang aking noo.
“But you told us that this could work? What happened? Are you telling me that my sister is going to die?” medyo inis kong tanong sa doctor.
“As much as we want to help her now, we can’t continue giving her medications. Giving her this chemotherapy was the last option, but her platelets are continuously going down. Even her organs are starting to shut down one by one, and we can’t see any improvements already.” Napapikit ako ng mariin at nagsimulang maluha sa aking nalalaman ngayon. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ng aking ama.
“H-How long, Doc?” rinig kong tanong ng aking ama.
“About six to twelve hours maximum. I’m sorry.” Iyon lang ang sinabi ng doctor at umalis na siya.
Napaupo kaming dalawa ng aking ama sa upuan at wala ni isa ang nagsasalita sa amin. Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak ng aking ama sa aking kamay sabay napatingin ako sa kanya.
“W-We should talk to your sister.” Huminga ako ng malalim at saka tumango ng dahan-dahan.
Pumasok kami sa kanyang kwarto at naabutan namin siya na medyo gising ang kanyang diwa pero sobrang hinang-hina na. Tanging tunog lang ng mga makina na nakakabit sa kanya ang aming maririnig habang lumalapit kami sa kanya. Agad akong humila ng upuan at saka umupo sa tabi ng kanyang kama. Dahan-dahang napunta ang tingin niya sa akin at agad niya namang inabot ang kanyang kamay sa akin. Hinawakan ko naman ito at saka hinalikan habang may pilit na ngiti na nakapaskil sa aking mga labi.
“A-Ate…” simula niya sa nanghihinang boses.
“Shh. Don’t talk, okay. Preserve your strength.” Hinaplos ko ang kanyang noo at ulo na wala nang makitang buhok ni isa dahil sa paglagas nito.
“T-Thanks for being here, A-Ate. I…I wanted to tell you that I-I’m sorry because I will leave you soon.” Tumulo na ang aking luha sabay umiling.
“Don’t say that. Hindi mo naman ako iiwan dahil alam ko na kung saan ka man mapunta ay alam ko na babantayan mo ako.” Pilit siyang ngumiti sa akin.
“K-Kahit wala na ako ay g-gusto kong maging m-masaya ka. Gusto kong maging m-masaya kayo ni P-Papa. Thank you for making my dream as an assassin come true. Ngayon na mawawala na ako ay gusto kong gawin mo na ang gusto mo. I-I want you to be free.” Tumango ako habang umiiyak pero agad ko itong pinahid dahil ayokong makita ako ng aking kapatid sa ganitong kalagayan.
“We promise,” sagot ko. Maya-maya ay bigla siyang tumahimik at may tinitignan na kung ano sa kisame.
“Pagod na ako, Ate. I want to sleep so bad,” paanas na bulong niya habang dahan-dahan nang pumipikit ang kanyang mga mata.
“It’s okay. You can take a rest.” Halos bumara ang aking lalamunan sa pagsabi nun sa kanya kasabay ng pagtunog ng kanyang makina. Nakita ko na unti-unti nang nagiging tuwid ang linya sa makina tanda na hindi na tumitibok ang kanyang puso.
Ang hawak niya sa aking kamay ay lumuwag at doon na bumuhos ang masagang luha na kanina ko pa pinipigilan. Rinig ko ang paghagulgol ng aking ama habang ako ay tahimik na lumuluha kasabay ng aking puso na naghihinagpis. Pagtingin ko sa kanya ay iniisip ko na lang na natutulog lamang siya ng mahimbing at nananaginip ng magaganda.
Makalipas ang ilang oras ay pumasok na ang mga nurse at doctor at idineklara ang pagkamatay ng aking kapatid. Tinakluban na siya ng isang puting tela at saka isa-isang inayos ang mga aparatus na nakakabit sa kanya. Lumabas na kami ng aming ama na latang-lata dahil sa pagkawala ng aking kambal. Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay para akong lumulutang at hindi ko alam kung tumatapak pa ba ang aking mga paa sa sahig.
Nang lumingon ako sa aking ama ay nakapatong ang kanyang ulo sa kanyang kamay na tahimik na umiiyak. Agad ko siyang yinakap at yinakap niya rin ako pabalik habang ramdam ko ang luha na bumabasa sa aking buhok. Nang mahimasmasan na siya ay linabas niya ang kanyang panyo upang pahiran ang kanyang namamasang mga mata.
“We’ll be fine, Angel.” Tumango naman ako sa kanya.
Makalipas ang dalawang linggo ay nasa sementeryo na kami ng aming ama upang mamaalam sa huling pagkakataon sa aking kambal. Habang linilibing ang kanyang kabaong sa lupa ay nagbato ako ng isang puting bulaklak at sinabing mag-iingat siya sa kanyang pupuntahan.
“Ikamusta mo na lang kami kay Mama. Paalam.”
Nang matapos ang libing ay pumunta kami ni Papa sa isang condo kung saan tumitira noon ang aking kambal. Kinuha namin ang kanyang mga kagamitan upang iuwi ito sa bahay ni Papa at ilagay ito sa dati naming kwarto noong mga bata pa lamang kami. Pagdating namin sa aming bahay ay agad kong binuhat ang kahon na naglalaman ng kanyang mga gamit at agad na dumiretso sa kwarto naming dalawa.
Pagpasok ay agad kong nakita ang luma naming mga litrato simula noong naipanganak kami hanggang sa lumaki kami. Naalala ko pa noon na halos lahat ng bagay ay sabay naming ginagawa at ni minsan ay hindi ko siya narinig na nagreklamo. Habang pinagmamasdan ko ang aming mga litrato ay narinig kong pumasok ang aking ama.
“This room holds a lot of memories.” Dumiretso siyang umupo sa kama namin noon ng aking kambal at kinuha niya ang kwadrado na nakalagay sa ibabaw ng isang mesa. “Ano na ngayon ang balak mo ngayon na wala na ang iyong kambal? You became an assassin for her because she wanted it so badly. Now that she’s gone, what are you planning to do?”
Tumabi ako sa kanya at humugot ng hangin bago ako napatingin sa kanya. Simula nang malaman ko ang tungkol sa sibilyan na aking nakitil ay natakot akong magsabi ng katotohanan sa mga taong nakapaligid sa akin. Hindi ko ito sinabi sa aking ama dahil ayokong madagdagan ang kanyang problema lalo na at kapapanaw pa lamang ng aking kambal. Ayoko siyang mag-alala ng sobra sa akin kaya naman naisipan ko na lamang magpakalayo-layo. Pagkatapos ng mga nangyari sa aking kambal ay wala naman na akong rason para manatili pa rito.
Kinuha ko ang hawak na kwadrado ni Papa kung saan ay masaya kaming magkaakbay at walang iniisip na kahit na anong problema. Hinaplos ko ang kanyang mukha na nasa litrato sabay napangiti at napatingin sa aking ama. Ibinalik ko ito sa kanya at saka binigyan siya ng halik sa kanyang mga pisngi.
“I’ll be fine, Dad. I promise. I just wanted to be with my twin for a long time.” Pagkatapos nun ay lumabas na ako sa kwarto namin at naisipang magpakalayo-layo na lang muna.