-Lorna- NAGISING ako sa boses ng isang babae at lalaki. "Gisingin mo na lang si Ma'am, Sam. Maintindihan naman siguro ni Ma'am. Ihahatid na lang natin siya sa hotel room na kinuha ni Mr. Lucchese." "Natatakot ako, paano kung pagalitan ako ni Ma'am?" "Paano 'yan mag-close na ang mall? Baka hanapin ka pa ng Nanay mo." "Kaya nga, e." Narinig ko ang isang marahas na buntong-hininga. Kaya kunway kumilos ako na tila parang gising na. "Ayan, mukhang gising na si Ma'am, Sam!" "Pwede ba huwag kang maingay. Ang ingay mo kasi kaya nagising si Ma'am. Naku, lagot tayo nito." Idinilat ko ang mga mata at kunway napatingin sa dalawang nag-uusap. "Nasaan si Mr. Lucchese?" tanong ko. Nagkatinginan pa ang dalawa bago sinagot ang aking tanong. "A...e... Ma'am, nauna na po si Sir sa party dahil aya