-STEVE- "Si Lorna ito, n—nasa hospital kami ni Tita Sylvia." "What?!" Bulalas ko. "Saang hospital, at anong nangyari, Ms. Monsanto?" "Nagkagulo kanina sa katapat na Cafe, aksidenteng natamaan ng ligaw na bala si Tita." "Bullshît!" Malutong kong mura kasabay ng pagkuyom ng aking kamao, at pagtangis ng aking mga bagang. Hindi tuloy ako mapakali. "Answer me, saang hospital kayo at pupuntahan ko kayo!" Inis kong tanong. "Nasa Medical City kami." "Kumusta na ang lagay ni Mommy?" "Hinihintay ko pa ang doktor. Kasalukuyang nasa operating room pa si Tita Sylvia, p—para makuha agad ang bala na bumaon sa kaliwang dibdib niya." "Dàmn it, nahuli na ba iyong nakabaril kay Mommy?" "Kasalukuyan pang hinahabol ng mga pulis." Napasulyap ako kay Yvan. Hindi rin ito mapakali sa kinauupuan. Hangg