-LORNA- SIGE LANG Steve. Mabaliw ka sa akin. Pero sisiguraduhin kong magtatagumpay akong makuha ang hustisyang para sa mga magulang ko. Habang sinasalita iyon ng aking isipan, pansin ko ang guilt na nararamdaman sa aking puso. Heto ba talaga ang nais ko? Nakikiliti ako sa mga halik ni Steve sa aking batok. Halos tumayo ang ilang balahibo ko sa braso at batok sa ginagawa nito. "Tell me, anong iniisip mo, babe?" tanong nito. "Hmmm... bakit mo na itanong?" "I'm curious." Hinarap ko si Steve. Since narito lang din naman ako. Susulitin ko na ang pagkakataon. Paiibigin ng matindi si Steve Lucchese, at kapag gano'n ang mangyari ay saka ko dudurugin ang puso nito nang pinong-pino. Ang iwan ito ng walang-sabi sa ire. Ikinawit ko ang aking magkabilang-braso sa batok nito at walang-sabing s