Kabanata 1

1066 Words
"ANG tanging gawin mo lang naman ay ang kuhanin ang atensyon ng anak ko, hija." "Hindi naman ako kagandahan para makuha ang atensyon ng anak mo, Tita." Gusto kong matawa sa sinabi ni Mrs. Lucchese pero pinipigilan ko ang sarili, since seryoso talaga si Mrs. Lucchese sa nais nitong ipagawa sa akin. "Please?" Sumamo pa nito sa akin. Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "Pag-iisipan ko po muna." "Hmmm... gano'n?" "Yeah, Tita. Isa pa, hindi madali iyang pinapagawa mo sa akin. Pwede akong kamuhian ni Gio." Napansin ko ang pagnguso ni Mrs. Lucchese. Mula rito ay tinanggap ko ang baso, at inilapag sa bedside table kung saan naroon ang tray. "Ang tamang gawin na lamang natin ay ang maghanap po ng pruweba para mapatunayan natin kay Gio na niloloko nga siya nang girlfriend niya," suhestiyon ko. "Well, may punto ka. Pero paano kung hindi effective?" Natawa ako sa narinig mula kay Mrs. Lucchese. Masyado itong advanced kung mag-isip. Nag-iisip din ako kung kaya ko bang isingit iyon sa aking misyon. Ang totoo para sa akin ay simple lang iyong gawin. Pero kailangan ko muna iyong pag-isipan nang mabuti. Napasulyap ako sa orasan. "Oras na para sa iyong pamamahinga Tita. Kaya kailangan mo ng matulog." "Hindi pa ako inaantok, hija. Pwede bang samahan mo muna ako rito?" "Sure," sagot ko. "Darating mamaya ang anak kong si Steve at inaasahan kong ipakilala ka sa kanya." "Kilala ko na po siya. Sino ba naman ang hindi makakilala sa gwapong CEO ng Lucca Corporation?" Narinig kong humagikhik si Mrs. Lucheese. "Mahirap na nga talaga kapag may edad, nakakalimot na." "Maganda pa rin naman, Tita." "Hmmm... magaling kang mang-uto, hija. By the way, balita ko ay ulila na kayo ng kapatid mong si Leticia ba iyon sa mga magulang?" Kung dati ay inaatake ako ng matinding kalungkutan sa tuwing naririnig ang salitang ulila, ngayon ay galit at inis para sa taong pumatay sa aking mga magulang. "Ayokong pag-usapan pa sila Tita. Sariwa pa kasi sa akin ang sakit." "I'm so sorry." "Sige na Tita magpahinga ka na muna." Pinipilit kong ipaskil sa sariling mga labi ang ngiti pero alam kong hindi maipagkakaila sa aking anyo ang inis at galit para sa taong walang-pusong pumatay sa aking mga magulang. Biglang bumukas ang pinto ng private room ni Mrs. Lucchese at hindi na ako nagulat pa dahil mula roon pumasok ang lalaking kinamumuhian ko. Naikuyom ko kaagad ang dalawang-kamao. Mabuti na lamang at sanay akong magpigil. Napansin ko ang sugat sa kabilang braso ni Steve. Lihim akong natuwa sa nakita. Steve Lucchese, the charismatic CEO, possesses a strikingly captivating presence that turns heads wherever he goes. With his tall, well-built stature and a confident demeanor, he exudes an air of power and authority. His piercing, deep-set eyes reflect both intelligence and determination, drawing people in with their magnetic charm. Steve's perfectly styled dark hair adds to his allure, framing his chiseled features and complementing his strong jawline. His impeccable fashion sense effortlessly combines sophistication and modernity, showcasing his impeccable taste. His captivating personality and natural charisma make him a true embodiment of a captivating and being a hot CEO. "Steve!" "Mom, how are you." Nakamasid lang ako sa mag-ina. Siyempre, kailangan kong umakto na isang anghel sa harapan ng lalaking kinamumuhian ko. "I'm fine, hijo. By the way, I would like you to meet my personal nurse, Lorna. Lorna, meet my handsome son, Steve." Ang totoo nagulat ako sa narinig mula kay Mrs. Lucchese. Hindi ko pa alam kung alam na ba ito ng aking supervisor. "Don't worry hija, kinonsulta ko na sa supervisor mo ang regarding sa request ko na ikaw ang napili kong maging private nurse. Isa pa, ayoko na rito at gusto ko ng umuwi ng bahay. Mas lalo lang akong magkakasakit dito." "Gano'n po ba, wala na pala akong dapat na asikasuhin," sagot ko. Tila naman para akong nabunutan ng tinik. Hindi ko na binigyan pa ng pansin ang pakikipagkilala kay Steve which is sinadya ko namang gawin. Hindi ako interesado at lalong binalewala lang naman ako nito na tila hindi ako nag-exist. Halata namang nasa sariling ina ang buong-atensyon nito. "The doctor contacted me and informed me that you are now allowed to go home accompanied by your personal nurse." "Yes, son. Isasama ko sa bahay si Lorna." Nakangiting nakatitig sa akin si Mrs. Lucchese. Napayuko ako na tila kunwari nahihiya kahit kating-kati na akong sapakin ang lalaking nasa aking harapan. "Hija, ikaw na ang bahala sa mga ilang dapat nating dalhin. Dahil personal nurse na kita, doon ka na rin titira sa bahay namin." "Alright, Tita." Lihim na nagdiwang ang aking puso. Sino ba namang mag-aakala na ang tadhana na mismo ang naglagay sa akin sa mismong lugar ng taong pumatay sa aking mga minamahal na magulang. "Tita?" Singit ni Steve na halatang hindi nito nagustuhan ang pagtawag ko ng Tita sa sarili nitong ina. "Ano'ng problema, son? Hindi ba pwede?" Salubong ang kilay ni Steve nang tingnan ako nito na tila inaalisa ang buo kong pagkatao. Kunway katulad ko ngayon ang isang basang-sisiw na hindi makatingin ng diretso sa mga mata na puno nang pagdududa. "Son, please don't have any doubts about my private nurse. I genuinely like her." "I apologize, Mom, but I have reservations and I find it difficult to trust her." Kunway nanatiling tahimik lang ako sa may gilid. Nanatiling nakayuko. Kailangan kong maging isang best actress ngayon dahil hindi basta-bastang tao ang kaharap ko. Narinig ko na lamang ang mahinang malalim na buntong-hininga ni Mrs. Lucchese. "I have placed my trust in her, son. She is the only one I desire to have by my side. You know that I am cautious when it comes to trusting someone." Aaminin kong nanginginig ang aking mga tuhod sa matiim na titig ni Steve pero hindi ako pwedeng matinag. At least, nag-exist na rin ako sa paningin nito. "Come on, son. If you're thinking about making Lorna one of your bed warmers, you'll be up against me," Mrs. Lucchese responded with a hint of annoyance to her son. "I'm not interested in an innocent angel, Mom. What I desire is a woman who is skilled in bed to satisfy me, someone I can play with." "Steve, for goodness' sake, please show some respect to my personal nurse. Lorna is incredibly kind, and she doesn't deserve to be treated in such a manner by you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD