Tila ay nakipag karera siya sa kabang nararamdaman niya kasi kung kahapon ay nagawa niyang makatakas kay Kairo ngayon ay kinakailangan niya na itong harapin. Tumawag kanina ang Kuya Domminick niya. Nasa hospital ang Lolo ni Kairo at hinahanap siya nito ayon sa kapatid niya. Akala ata e isa siyang doktor o di kaya healing goddess kaya hinahanap siya. Maaga siyang gumayak at ngayon nga ay nandito na siya sa hospital. Ibang iba na siya kaysa sa Dria noon wala na ang pagkalampa niya ang pagka iyakin niya. Hinubog na siya ng panahon at sa tingin niya ito na ang kanyang pagkakataon para maibangon ang kanyang sarili. Lalo at may mga pasabog siya sa mga darating na araw. "Dria Hija! you look good." bati ng byenan niyang si Mommy Kaye. "Ate Dri you look stunning." bati ng kapatid nito na Kendra