May nag doorbell, nang buksan niya ay tumambad sa kanya ang kapatid ni Kairo si Karen.
"Hey Ate Drie, how are you?" sabi nito bago ako niyakap. Mabait sa kanya ang mga in laws niya kapag nagpupunta ang byenan niya ay lagi itong may dala na kung ano ano sa kanya.
"Okay lang, ikaw? halika pasok ka." paanyaya ko dito. Agad naman niyang isinara ang pinto ng makapasok ito sa bahay. Good thing na nakapaglinis na siya kanina bago pa man ito dumating.
"Same as before. Anyway where is Kuya?" tanong nito sa kanya na naupo na sa sofa nila. Naalala niya ang eksena kanina.
"Umalis na e." sabi ko dito agad akong kumuha ng maiinom para ibigay dito. Tumingin ito ng deretso sa mga mata niya.
"Alam mo Ate Drie, sometimes we should know how to let go. We should limit ourselves on how to handle pain. Alam na namin ang pinaggagawa ni Kuya sayo. At galit na galit sila Mommy at Daddy baka itakwil nila si Kuya." sabi nito na di naman naninisi o kung ano. Alam niyang concern lang ito sa kanilang mag asawa lalo at alam nito ang lahat ng pinagagawa ng kapatid nito sa kanya. Dahil minsan na din na nahuli nito ang kapatid na may dalang babae sa bahay nila.
"Okay naman kami. Tsaka at least now e kinakausap na niya ako. Unlike before na tila hangin lang ako." pagtatanggol ko sa asawa kahit sobrang layo nun sa katotohanan. Oo minsan kinakausap siya nito pero madalas ay pagalit ang tono nito. Nakasinghal o nakasigaw minsan nga ay napapakislot siya kalaunan ay nakasanayan na din naman niya.
Biglang lumukob ang takot niya para sa asawa. Alam niyang oras na mangyari iyon ay lalong lalaki ang galit nito sa kanya.
"Okay naman kami dito, pakisabi kina Mommy." sabi ko ulit dito.
"You can't always be a victim. Bumangon ka huwag mong ikulong ang sarili mo sa buhay na ganito. You were too young to suffer Ate Drie naman ako paba ang pagtatagoan mo ng mga ganito." sabi nito.
"Mahal ko kasi ang kuya mo e." malungkot kung sabi dito.
Uminom muna ito ng idinulot kung juice. Bago ako tiningnan at bakas ang awa para sa akin sa kalagayan ko.
"Babae din ako Ate Dri. Alam ko ang sakit na pinagdadaanan mo. Lalo ngayong dumating na si Christine malamang hahabol habolin na naman yun ni Kuya." sabi nito. Pumatak ang luha na pinipigilan kung pumatak.
"Gusto kung makawala pero di ko alam kung kaya ko paba? Di ko alam kung paano magsisimula? Di ko alam kung saan ako magsisimula. I get used to the pain he gave manhid na nga ako e." napangiti pa ako.
"Try to go abroad and set him free." sabi nito. Alam niyang may punto ito naiisip na rin niya naman na bumitaw nalang. Ang dami na ring panahon ang nasayang sa kanilang buhay, panahon na puro sakit at pagdurusa para sa kanilang pagsasama.
Nagmakaawa sa kanya noon si Kairo na palayain niya pero nagmatigas siya. Di niya alam kung hanggang kailan niya titiisin ang sakit. May kopya pa nga siya ng application for annulment form. Yun ang pilit na pina papermahan nito nung isang araw.
"Aalis na ako, Please let him go. Baka sakaling magbalik sa dati ang lahat." sabi nito bago umalis.
Hinatid ko ng tanaw ang hipag ko. Bago muling ipinagpatuloy ang kanyang nakabinbin na mga gawaing bahay.
Halos wala na itong araw na pinapalagpas na walang dalang babae sa bahay nila. At tuwina ay tanging pagluha ang kanyang kakampi.
Walang buhay niyang pinagmasdan ang kanyang paligid napakaganda. Pero sa kabila ng ganda nito di niya ma appreciate ang gandang iyon.
Ano bang nangyari at humantong ang lahat sa kanyang pagdurusa? Maganda siya, silang magkapatid pero hindi niya ma apreciate yun, di niya maramdaman kasi pandidiri at pagkamuhi ang nararamdaman ng asawa niya sa kanya.
Gabi na naman pero nanatiling nakadapa siya sa sofa. Nang dumating ang asawa ay wala itong kasamang babae, himala at maaga pa ito. Nilagpasan lang ako at pumunta sa may bintana.
"Kumain kanaba?" tanong ko dito. Ininit ko ang ulam na padala ni Mommy kagabi.
"Get lost." sabi nito na madilim ang awra. Bago umakyat pagbaba nito ay nakabihis mukhang may party na naman na pupuntahan ang mga ito at ang barkada nito.
"Saan ka pupunta?" tanong niya rito.
"In this house, you don't have the right to question whatever I want to do." sabi nito bago pabagsak na isinara ang pinto.
Napatingin siya sa pintong nilabasan nito. Kagabi nakita niya itong naka dapa sa couch habang paulit ulit n tinatawag ang pangalang Christine. Masakit sa kanya bilang asawa na oo ikaw ang kasama pero di ikaw ang mahal. Na kahit anong pilit mong siksik ng sarili mo sa buhay niya e gagawa at gagawa siya ng paraan mailuwa ka lang.
Malapit na ang kaarawan nito in a few days nalang. Sa tuwing kaarawan nito ay may handa siyang pagkain. Pero tuwina ito at ang dala nitong babae ang kumakain ng pagkaing inihahanda niya.
Isang sulat ang ginawa niya kagabi. Nitong huli medyo nagbago na ito may mga pagkakataon nagpapakita ito na mabait sa kanya kahit papano. May minsan na inalagaan siya nung nagkasakit siya. At marahil ay pagkakataon na niya para ibalik ang dating ito. Kahit masakit kahit alam niyang mahihirapan siya.
Nasa sala siya at nanonood ng tv, dahil nasa subdivision naman sila kaya kampante siya. Bandang nine pm ng maramdaman niyang may pumipihit sa main door.
Naalarma siya lalo at tanging ang asawa niya lang ang may susi na iba bukod sa kanya. Pinatay niya ang tv at nagtago sa likod ng isang mahabang shelf.
Tatlong malalaking lalaki ang pumasok. Pabalya nang mga ito na binuksan ang bawat pinto ng mga silid. Nanlamig siya at gusto niyang umiyak at manghingi ng tulong. Paano kung makita siya ng mga ito? paano kung patayin o malala kung marape siya? ano ang laban niya? naiiyak siya habang pinapanood ang mga itong hinahaloghog ang mga gamit nila sa taas.
"Walang tao." sabi ng isa.
"Eh di ko naman nakitang umalis ang babaeng maganda dito kanina. Sayang pre ang puti at ang kinis nun." tila gusto niyang panawan ng ulirat.
"Baka isinama ng babaeng dumating kanina. Balikan nalang natin yun, tara baka maabutan pa tayo." sabi ng isa may dala dalang mga bag at kung ano ano mula sa mga gamit sa taas ng bahay nila.
Nang makaalis na ang mga ito ay tsaka siya napahagulhol. Muntik na siyang mapahamak sa kagagawan ng asawa niya. Kung sana ay normal na lalaki ang napili niya. Disin sana ay di siya malalagay sa panganib di sana ay may magtatanggol sa kanya. Yung maalagaan siya kahit man lang sana may katulong sila, sa laki kasi ng bahay ay kahit sino matutukso na pagnakawan lalo at alam ng mga ito na mag isa lang siya at babae pa.
Mabilis siyang pumasok sa library at nilock ng maigi ang pinto. Di magkanda toto akong tumawag sa bahay namin.
"Hello?" rinig niyang sagot mula sa kabilang linya.
"Pwede kay D manang, si Dria po ito." sabi ko.
"Sandali lang po Ma'am." sabi nito nag hintay siya ng mahabang sandali.
"Hello Dria." sabi agad nito. Para siyang nakahanap ng kakampi.
"D, Sundoin mo ako please." sabi ko mabilis kung naibaba ang awditibo ng makita kung gumalaw ang doorknob. Umiyak na ako ng tuloyan sa sobrang takot ko.
"Pre may paparating." sigaw ng boses ng isang lalaki.
Narinig niya ang sasakyan na paparating sumilip siya sa maliit na bintana kinailangan niya pang pumatong sa upoan para maabot.
Si D at si Dustin dali dali kung binuksan ang pinto, halos lundagin ko ang mga ito.
"What happened?"tanong ni Dustin.
Ikinwento ko sa mga ito ang mga nangyari kanina. Kung paano pinasok ng masasamang loob ang bahay nila at pinabalakan pa siyang halayin.