Chapter 05: A Taste Of His Own Medicine “Subukan mo ako ulit, at baka magmakaawa ka pa ng isa pang round,” kagat-labi niyang panghahamon sa akin. Mabilisan kong binawi ang aking kamay mula sa pagdama ng nakabukol niyang harapan. Tinitigan ko ang kulay bughaw niyang mga mata. Aninag ko mula sa kanyang mga mata ang dating Flavio at ang mga rason kung bakit ko siya iniwan nuon. “Wala ka pa ring pinagbago, Flavio. Nakakaawa ka,” pang-iinsulto ko sa kanya. Natahimik siya kasabay ng pagtangis ng kanyang panga. Tinapon ko sa kama ang kumot na tumatakip sa aking katawan. Sinikap kong hindi tapunan ng atensyon ang kanyang nakakasuklam na pagmumukha. Lalagpasan ko na sana siya pero mahigpit na hinawakan ni Flavio ang kanang pulsuhan ko. “Nghh,” ngiwi kong daing habang nakatitig sa kanya.