Chapter 14

1332 Words
Eliza Nagising ako sa sobrang init pinagpawisan ako halos basa ang suot kong damit. Gumaan na ang pakiramdam ko hindi katulad kagabi. Bumangon ako at umupo sa kama napatingin ako sa unan na katabi nang unan ko. Inabot ko at inamoy iyon ibig bang sabihin dito si James natulog? Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon. Agad kong binalik ang unan sa puwesto nito. "Gising ka na pala kumusta ang pakiramdam mo?" Inilapag niya sa side table ang tray na dala lumapit siya at kinapa ang aking noo. "Magbihis ka muna bago ka kumain".Aniya na naglakad papuntang closet. Hindi na ako umimik hinayaan ko na siya pagbalik niya dala na niya ang kulay puti kong damit. Inagaw ko sa kamay niya ang damit tumayo ako nagmamadaling pumasok sa banyo. Pumikit ako dahil gumuhit ang sakit sa pagkababae ko. "Baby huwag ka muna maligo kagagaling mo lang sa lagnat." Napaigtad ako sa gulat at napatingin sa pinto naiinis ako pero hindi ko masabi sa kanya. Napatingin ako sa salamin pinagmamasdan ko ang aking sarili. Dahan-dahan kong hinubad ang aking damit napahawak ako sa dibdib ko halos buong katawan ko may kiss mark. Hindi naman ako pinanganak kahapon para hindi alam kung ano ito. Agad kong pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko dahil kumakatok si James sa labas nang banyo. "Baby are you okay?" Sinuot ko ang aking damit pagbukas ko nang pinto nag alalang mukha ni James ang sumalubong sa akin. Agad niya akong hinapit sa baywang at inalalayan para makarating sa kama. James hindi mo na kailangan gawin ito kaya ko na. Napaiwas ako nang tingin dahil nakatitig pala siya sa akin. "Nakaramdam ka parin ba nang sakit sa katawan?" Hindi na,kaya puwidi mo na akong iwan! Umupo siya sa tabi ko. "Kumain kana iinom kapa nang gamot!" Walang imik kong inabot ang kutsara at sumubo nang pagkain. "I'm sorry huwag ka masyadong mag isip."Inabot niya ang isang kamay ko at hinalikan ito. "Dito kaba natulog?"Yes Baby wala kang kasama at sobrang taas nang lagnat mo kagabi. Kaya pala mukhang wala siyang tulog dahil napuyat siguro sa kakabantay sa akin. "Mabuti nga bumaba na ang lagnat mo pagkatpos mong kumain magpahinga ka ulit." Inabot ko ang juice inisang lagok ko lang iyon. Simula ngayon hindi mo na kailangan linisin ang kuwarto ko ayoko kung mapagud ka. Nakatitig lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Tumango ako at umiwas nang tingin iwan ko ba kung anong nagustohan nang binata sa akin. Sa tingin ko seryoso si James kaya hindi ko maisip na sa akin siya nagkagusto. Mahirap lang kami wala akong maipagmamalaki sa kanya. Siya ang unang lalaki na nakilala ko,sa buong buhay ko wala pa akong naging crush o nobyo. Pero nang dumating si James inaamin ko humanga ako sa kanya. Hindi ko akalain na umabot kami sa puntong ito. Maraming pumasok sa isip ko pero huli na ang lahat para magsisi. "Babe! Babe! Anong iniisip mo?I told you to stop thinking?" Wala gusto ko nang magpahinga sinubo niya ang gamot sa bibig ko at pinainom ako ng tubig. Salamat iwan mo na ako akala ko aalis na siya. Napasinghap ako dahil nag lock siya nang pinto. Bumalik siya sa kama inayos ang higa ko at humiga siya sa tabi ko. Kumabog nang malakas ang dibdib ko James baka makita tayo ni Mama ano na lang ang sasabihin niya. "Shh..Go sleep Baby huwag ka muna mag isip take rest." Naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko inabot niya ito pinatong sa balikat niya. Gumapang ang isang kamay niya sa ilalim nang kumot at mahigpit akong niyakap sa baywang. Ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko. Panay ang halik ni James sa aking buhok habang ang kamay niya haplos ang baywang ko. Napapikit ako at bumigat ang aking mata. Napabalikwas ako nang bangon alas dyes na pala. Nagtataka naman ako kung bakit hindi ako ginising ni Mama. Siguro dahil may lagnat ako kaya hinayaan niya akong mag pahinga. Bumangon na ako at dumiritso sa banyo,napatingin ako sa mga bagong shower gel na nasa cabinet. Huwag mong sabihin na si James nag lagay dito. Malinis na rin ang banyo wala na yong pinaghubaran ko. Napahinga ako nang malalim pati damit ko pinakialaman niya. Lumabas na ako nang banyo nagbihis at inayos ang sarili. Pagbaba ko narinig ko ang malakas na tawanan nang mga kapatid ko sa labas nang kubo. Sumilip lang ako at naglakad papuntang kusina. "Oh anak gising ka na pala maayos na ba pakiramdam mo?" "Sorry po Ma!"Nalate ako nang gising humalik ako sa pisngi ni Mama. "Kumain ka na at baka mapagalitan ka ni James kanina pa iyon pabalikbalik sa silid mo tinitingnan ka kung gising na. Napamaang naman ako sa sinabi ni Mama. Nagsumbong ba si James kay Mama?"Anak huwag mo nang u-ulitin ang ginawa mo mabuti nakita ka ni James kung hindi baka kong napano kana." Sorry po hindi na mau-ulit hingi kong paumanhin kay Mama. Umupo ako nakasunod ang tingin ko kay Mama na ngayon tila nakangiti. Siya nga pala lumabas ka doon dumating ang kuya Aarush mo kagabi pa,hindi ka na namin ginising dahil may lagnat ka. Hinahanap ka niya marami yatang pasalubong sayo. Napangiti naman ako,tumayo ako lumapit ako kay Mama. Ma kayo na po ang lumabas ako na po dito. " Anak makisama ka naman minsan sa mga kapatid mo." Ma dito lang po ako aasarin lang ako ni kuya Aarush don sige na Ma kaya ko na po ito. Hindi naman sa hindi ako nakisama nahihiya talaga ako. Lalo na nandito si James nakakahiya nagligpit ako nang mga kalat. Sinunod ko ang lababo nagulat ako sa mainit na kamay na yumakap sa baywang ko. James halos hindi na ako makahinga sabay tingin ko sa pintuan. Hindi na ba masakit ang katawan mo?Don't worry sinabi ni Mama na puntahan kita dahil ayaw mo raw pumunta sa labas. Nagulat naman ako sa sinabi niyang Mama. Ngumisi siya nang nakataas pa ang kilay James ano ka ba? Tinangal ko ang kamay niya na nasa baywang ko at dumistansya ako sa kanya. "I'm sorry hindi ko napigalan yakapin ka." Hind ko siya inimikan nagpatuloy ako sa pag huhugas. Nabigla ako nag inagaw niya sa akin ang hawak kong baso. Inabot niya ang kamay ko pinunasan niya ito gamit ang damit niya. Lumaki naman ang mata ko sa ginawa niya. "Kagagaling mo lang sa lagnat nag babad ka na naman sa tubig." Inakay niya ako at pina upo sa isang tabi! Diyan ka lang huwag kang tatayo,kapag hindi ka sumunod alam mo na ang gagawin ko. Banta niya napairap naman ako sa kinikilos ni James bahay namin ito pero kung umasta akala mo siya ang may ari. Huminga ako nang malalim iniwan ko siya lumabas ako at pumunta sa likod bahay,dito ako tumatambay kapag gusto kong mapag isa. Masarap umupo rito malamig dahil nasa ilalim ito nang puno. Bigla kong na-alala ang nangyari sa amin ni James. Kaka (19) ko pa lang nong nakaraan buwan hindi sumagi sa isip ko na sa ganitong edad naisuko ko ang pagkababae ko sa isang taong hindi ko pa lubos kilala. Napaigtad ako nang lumapit si James at hinapit ang baywang ko. "Stop thinking baby I love you so much you know that." "James ilang buwan ang bakasyon mo dito?"Napangiti siya sabay amoy sa leeg ko. Hindi ko pa alam pero kung ayaw mo na akong pauwiin mas maganda 'yan. Don't worry Baby I will extend may vacation ang sarap kasi nang buhay dito lalo na kapag kasama kita. Napatingin ako sa guwapong mukha ni James sobrang seryoso siya kung magsalita. Bumuntong hininga ako at winaglit sa isip ko ang mangyayari. Iniisip ko paano na ako kung babalik na siya sa US kaya ko ba siyang malayo? Gusto kong magtanong pero nahihiya ako. Nalungkot ang puso ko dahil sa naisip agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Kakausapin ko si Mama gusto ko isama kita sa US hindi ko kakayanin kapag magkalayo tayo. "Ano?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD