Chapter 20

1175 Words
Eliza Ayokong isipin na niluluko ako ni James mahal niya ako iyon ang panghahawakan ko. Walang tigil ang luha sa aking pisngi parang sinaksakan ako ng matalim na punyal. Ibig bang sabihin matagal na silang magkakilala ng babae?Sa kilos ng dalawa kilala nila ang isa't isa. Sobrang sakit naman sa harapan ko pa sila naghalikan,ayaw tumigil ang aking mga luha kaya nagpasya akong hindi muna papasok. Isang buwan pa lang kami magkalayo ni James ganito na ang mangyayari. Wala akong malapitan gusto ko sana ilabas ang sakit na nararamdaman ko para kahit papaano gumaan naman ito. Si Beth hindi rin nagparamdam kaya wala akong makausap siya lang ang nag- iisang kaibigan ko. "Miss are you okay?"Napa-angat ako ng tingin nang biglang lumapit sa akin ang isang lalaki na puno ng tattoo. Inabotan ako nang panyo at tumabi sa akin sa pag-upo."Salamat po pero hindi na kailangan." Tinanggihan ko siya ngunit inilagay niya sa palad ko ang puting panyo na sobrang bango nahiya man pero sa huli tinanggap ko rin. Mas lalo akong napaiyak ng maalala ko si James masama ba akong babae? Ginawa ko naman ang lahat sinuklian ko ang pagmamahal niya,wala akong tinira sa sarili ko lahat kinuha niya pero lahat ng iyon hindi parin sapat. Pinahid ko ulit ang luhang lumandas sa aking pisngi mahal kita James hikbi ko. Wala akong paki-alam kong may isang pares na mata na nakatutok sa akin. Salamat dito sa panyo walang lingon akong umalis at hindi na pinansin ang tawag ng lalaki. Bahagya pa akong nagulat sa oras gabi na pala ngayon ko lang naramdaman ang gutom. "Ate Eliza?"Sinalubong ako ni Ben masama itong nakatingin sa akin. Ben,pagod ako mamaya mo na ako kausapin. Tinungo ko ang aking kuwarto pagbukas ko ng pinto naunang pumasok si Ben. "Ate sunundo kita sa school mo pero wala ka?Sabi ng kaibigan mong si Beth hindi ka raw pumasok?" Sorry Ben,nakalimutan kitang tawagan sabay iwas ko ng tingin hindi ako sanay magsinungaling pero ngayon natuto ako. "Ate umiiyak ka?May problema ba?"Please Ben huwag mo na ipaalam kay Mama na lumiban ako sa klase hindi na mauulit. "Bakit ka umiiyak?"Namiss ko lang si James kaya naging iyakin na ako ngayon sige na huwag mo nang kulitin si ate okay?Nakangiti kong wika. "Okay ate sorry po!" Hindi ko puwiding sabihin kay Ben ang natuklasan ko panigurado kamuhian nila si James. Napamahal na sila sa binata ayokong sirain siya sa pamilya ko. Titiisin ko lahat ng sakit hanggang hindi ko pa nalalaman ang totoo. Hindi ko alam kong ilang oras ako natulog pag-gising ko gabi na nakatulogan ko ang pag-iyak. Binuksan ko ang aking cellphone buong araw at gabi ko itong pinatay. May cellphone naman si Ben at Mama kapag may kailangan si ate Aila doon iyon tatawag. Nang mabuksan ang cellphone ko napaiyak na naman ako dahil ni isang tawag o messages wala akong natanggap. Hindi ba magpapaliwanag si James sa akin?Hindi na ba niya ako mahal?! Ganun na lang ba kadali sa kanya para kalimutan ang lahat? Kahit si Beth na matalik kong kaibigan hindi ako naalala. Tinanggal ko ang zim card bukas bibili ako ng bagong zim nang sa ganun hindi na ako makontak ni James wala na akong halaga sa kanya ginamit niya lang ako. Alas kuwatro ng madaling araw gising na ako.May exam ako hindi ko alam kung masasagot ko dahil lutang parin ako hanggang ngayon. Sisikapin kong makapagtapos ng pag-aaral ito lang ang kaya kong ipagmalaki sa lahat. Sumakay na ako ng tricycle kinakabahan ako na hindi ko mawari kanina pa kasi nakasunod ang Ducati motor sa sinasakyan kong tricycle. Sino ba siya?Bakit niya ako sinusundan? Nakahinga ako ng maluwang dahil nawala sa paningin ko ang motor. Nagmamadali akong bumaba para makabili ng kailangan ko. Sa pagmamadali nabunggo ko ang isang lalaki,napasinghap ako dahil siya ang nag abot sa akin ng panyo kahapon. Kinusot ko pa ang aking mata dahil baka mali ako,ngayon ko lang nakita ang itsura ng lalaki. "Eliza are you okay?I'm sorry!"Nagulat naman ako sa pagtawag niya sa aking pangalan. I-ikaw 'yong lalaki kahapon?"Halos mautal pa ako sa pagsasalita. Sorry! Nakayuko akong humingi nang paumanhin. "It's fine,kahapon ko pa kasi napapansin na malungkot ka." Nakakatakot naman ang lalaking ito bigla kasi siyang sumulpot,iniwan ko na siya at mabilis na pumasok baka mahuli pa ako sa exam. Hindi naman ako mapakali dahil feeling ko nakasunod ang mga mata niya sa akin. Natampal ko ang aking noo nakalimutan ko palang isauli ang panyo niya. Pagdating ko sa room agad akong umupo pinalitan ko ang aking zim. Mas mabuti ito para hindi ako makontak ni James. Malungkot akong bumuntong hininga ang hirap pala kapag mahal mo ang isang tao palagi siya ang laman ng isip mo. Natapos rin ang mahabang araw ko sa school marami akong homework ngayon kaya kailangan kalimutan muna ang lahat. Alas syete na rin ako nakarating sa bahay,nadatnan ko si Mama sa kusina. Mano po Ma! Anak may sakit ka ba?Pinilit kong ngumiti sa harapan ni mama actually masakit po ang puso ko Ma. Gusto kong isumbong kay Mama ang lahat nang nakita ko pero kapag ginawa ko iyon alam kong magagalit sila. Minabuti ko na lang tumahimik kaysa magbigay ng problema sa pamilya ko. Ma,marami lang po talaga akong ginagawa sa school. "Anak!Magpahinga ka muna sa tingin ko nalulungkot ka sa pag alis ng nobyo mo." Napatingin ako kay Mama paano niya nalaman? "Masasanay ka rin,kumusta nga pala si James nag usap ba kayo?" Umiwas ako ng tingin dahil nagbabadya ang luha sa aking mata. "Opo Ma!"Naituwid ko rin ang sinabi ko. Aakyat na po ako! Iniwan ko na si Mama baka mahalata niya ang luha ko. Pagdating ko sa loob nang aking kuwarto agad akong nag lock ng pinto hindi ko mapigilan ang umiyak. "Eliza anak!"Mabilis akong tumayo at pinahid ang aking pisngi. "Anak,ang ate mo nasa kabilang linya hindi ka raw makontak?Nasaan ba ang cellphone mo?" Hindi ko na sinagot si Mama agad kong inabot ang cellphone sa kamay niya. "Hello ate Aila!"Malakas na buntong hininga ang narinig ko galing kay ate alam kong nag-alala siya. "Eliza saan ka ba galing?Anong nangyari sayo?" Ate hindi na po kasi gumagana ang zim card kaya hindi po matawagan sorry ate huwag na po kayo magalit. "Nagwawala si James kahapon pa raw siya tumatawag sayo?At kami ang kinikulit niya. "Nag-away ba kayo?Umamin ka kay ate?" Natawa ako ng pagak."Nagwawala?" Nagwawala ba talaga siya o nag celebrate dahil may bago na siyang babae. Mabuti na lang lumabas na si Mama. Eliza nandiyan kapa ba?Sigaw ni ate sa kabilang linya. Opo! "Sagutin mo ang tanong ko nag away ba kayo ni James?"Ate siya na lang po ang tanungin mo,tuloyan na akong bumigay humagugol ako. "Tahan na mag usap tayo okay?Huwag ka ng umiyak baka mag-alala si Mama sayo." "Opo sorry ate!"Shh.. Huwag mong iyakan ang gagong iyon humanda siya sa akin. Natakot ako sa banta ni ate Aila.Ate puwidi po alamin mo muna bago ka magalit sa kanya. "Ako na ang bahala mag fucos ka sa pag-aaral mo diyan,Eliza kunting tiis na lang. Salamat Ate Aila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD