Chapter 22

1243 Words
James Exited akong lumabas nang airport nakangiti ako habang naglalakad palabas.Malayo pa lang nakita ko na si Aarush,siya ang sumundo at siya rin ang maghahatid sa akin sa probensiya. Silang dalawa lang ni Sandro ang nakaka-alam na nandito ako sa Pilipinas. Agad akong sumakay sa kanyang Maclaren 720 S."Welcome to Philippines."Nakangisi si Aarush habang hinihintay ako. "Thank you dude!"Masaya kong tugon.Gusto mo bang kumain muna mahaba pa ang byahe natin. "No need sa bahay na lang."Tumango naman si Aarush at nagsimula ng magmaneho. Hindi ba magagalit ang asawa mo?Baka mamaya bubuga ng apoy si Aila natatawa kong wika. "Nagpaalam na ako kaya nga marami akong dala para hindi tayo mabuking talagang mapapalayas ako sa sarili kong pamamahay kapag nalaman ng maganda kong asawa na tinulongan kita." Napailing at natawa na lang ako,sa buong byahe hindi ako natulog exited akong makita si Eliza. Eksaktong alas sais ng umaga nakarating kami,marami kaming dala kaya tinawagan ni Aarush ang mga tauhan niya para maipasok lahat ng mga bigas at boxes. Nagulat naman ang Mama ni Eliza dahil sa biglaan naming pagdating. "James?Aarush?"Hindi man lang kayo nagpasabi na darating kayong dalawa kakaalis lang ni Ben at Eliza. Good morning po Ma!Magkasabay naming wika ni Aarush sabay abot ng kamay nito at nagmano. Sobrang na miss ko ang tahanang ito dito ko naramdaman ang pagmamahal ng pamilya na wala kami ni Kamila.Napakagago ko para saktan ang anak nila."Ma anong oras po uuwi si Eliza?" Alas syete pa iyon ng gabi anak kung maluwang si Ben dadaanan niya. Nagtitimpla siya ng kape at inabot sa amin,tatawagan ko si Ben ako na ang susundo kay Eliza. Nakangiti naman ang ginang kaya napangiti narin ako. Pagkatapos namin mag almusal nagpaalam na si Aarush,may mahalaga pa kasi siyang asekasohin sa mansyon. Kabayo ang gagamitin niya dahil hiramin ko muna ang kanyang sasakyan. Umakyat na rin ako dumiritso ako sa kuwarto ni Eliza. Dito raw muna ako dahil hindi pa nalinis ang kuwarto kung saan ako dati natutulog. Pabor naman sa akin kaya hindi na ako umangal.Napahinga ako ng malalim bumalik sa alala ko ang mga masasayang araw na kasama ko si Eliza. Pumasok na ako sa banyo para makaligo mamaya alas kuwatro aalis na ako. Pagkatapos maligo nagbihis na ako,nag ring ang cellphone ko si Sandro tumatawag. "Boss pasensya ka na sa abala, kagagaling lang ni Ivy dito hinahanap ka. Pero huwag ka mag alala hindi ko sinabi kong nasaan ka,mag-ingat ka lang." Napahinga ako ng malalim thank you Sandro tawagan mo ako agad kung may problema diyan. "Yes Bossing!"Nagpaalam na ako kay Sandro nagmamadali akong bumaba at tinungo ang sasakyan. "Hijo saan ka pupunta?"Ma,susunduin ko na po si Eliza."Mag-ingat ka!"Opo Ma. Kinakabahan ako habang nag mamaneho mabuti tumawag si Sandro sinipat ko ang pambisig na relo alas kuwarto pa ng hapon. Napangiti ako sa harapan ng salamin inayos ko ang sarili ko ilang minuto akong nakatayo sa tabi ng sasakyan lahat tuloy ng mga babae nakatingin sa akin.Napatayo ako ng makita si Eliza nakatuon ang mga mata ko sa lalaking kasama niya. "Samuel?" Nawala ang ngiti sa aking labi,kumuyom ang kamao ko agad akong pumasok sa sasakyan para hindi nila ako makita. Ang exitment ko napalitan ng galit,kaya ba hindi ako sinagot ni Samuel dahil nandito siya sa probensiya? Paano niya nalaman ang lugar na ito?At ano ang sadya niya kay Eliza? Huminga ako ng malalim,kinalma ko ang aking sarili gusto ko silang sugurin pero iniisip ko si Eliza. Nag-alala ako sa kanya pero siya masaya kasama si Samuel. Napapangiti pa ang dalaga habang kausap si Samuel. Mahigpit kung hinawakan ang manubela sumikip ang dibdib ko napuno ng selos ang aking puso. Pinagbuksan ni Samuel ng pinto si Eliza kaya lahat ng mga estudyante nakatingin sa kanila.Nanatili naman nakayuko ang dalaga.Kung titingnan mo sila para silang magkasintahan kaya kinikilig ang ibang nakakita. Nang makasakay na sila pinaharurot na ni Samuel ang kanyang magarang sports car.Hindi ako nag pahalata sinundan ko sila tinawagan ko si Kamila ngunit hindi ito sumasagot. May kutob ako na alam ni Kamila na nandito si Samuel,kung ang sadya ni Samuel ang kapatid ko bakit dito siya pumunta? Kung hindi pala ako umuwi hindi ko malalaman.Posible kayang inutusan ni Ivy si Samuel? Huminto sila sa isang park kong saan maraming mga couple ang nag da-date hindi ko matanggap na may kasamang iba si Eliza. Mamaya ko na siya tatanungin total sa bahay rin ang uwi niya gusto ko makasiguro kung ano ang kailangan ni Samuel kay Eliza. Baka mamaya dalhin niya sa malayo ang dalaga mapapatay ko siya.Panay tango lang ng dalaga kapag may sasabihin ang binata sa kanya. Halos lumabas na ang litid sa aking leeg sa pagpipigil ng galit.Napangiti ako,uma-ambon na hiniling ko na sana lumakas ang ulan para makauwi na si Eliza. Nakita ko nagmamadali silang umalis at tinungo ang sasakyan nakasunod ako sa kanila.Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan kaya basang basa na ang kalsada. Malapit na ako sa bahay kaya huminto ako.Sa di kalayuan natanaw ko si Samuel na kumuha ng payong at ibinigay kay Eliza. Akala ko aakyat pa siya pero sumakay ulit sa sasakyan at umalis ito. Sinundan ko siya hanggang sa nakalabas na kami sa pinakadulo malayo na sa bahay nila Eliza. Mabilis ang kilos ko hinarang ko ang sports car niya.Napapreno siya ng malakas at nabasag ang salamin ng kanyang sport car. Nakita ko ang pagtagis ng panga ni Samuel hinintay ko siyang makalapit bumaba ako at sinalubong siya. Nagulat siya dahil isang malakas na suntok ang tumama sa kanyang mukha. Hayop ka pati ba si Eliza gusto mong agawin sa akin. "James?" Papatayin kita Samuel,akala mo hindi ko alam kanina ko pa kayo sinusundan. Kinuwelyuhan ko siya at ginitgit sa sasakyan binugbog ko siya hanggang sa napagod ako. Binuhos ko lahat ng galit ko kay Samuel nakita ko dumugo ang kanyang labi. Basang basa kami sa ulan puro putik na rin ang damit namin. "Puwidi na ba akong umalis?"Ngising aso niyang saad. "Samuel bakit ka nandito?" Wala kang pakialam James kung anong ginagawa ko dito.Sinaktan mo si Eliza diba?Ngayon alam mo na kung gaano kasakit ang makita na may kasamang iba ang mahal mo. Hindi pa ba sapat si Eliza sayo at naghanap ka pa ng ibang babae? "Shut up!"Wala kang alam sa nangyayari, mapapatay kita Samuel sisiguraduhin kong pagsisihan mo ito. Naglakad na siya papunta sa kanyang sasakyan at iniwan akong galit na galit. Hindi ko alam kong anong motibo ni Samuel sa tuno ng boses niya wala siyang alam sa ginawa ni Ivy. Nakarating ako sa bahay sinalubong ako ni Mama. "Anak basang basa ka!Saan ka ba galing? Kanina pa tumatawag si Ben sayo." Pasensya na po malakas kasi ang ulan.Ma si Eliza po? Kaka-akyat lang nag alala iyon sayo kanina pa niya tinatawagan si Aarush baka raw nagpunta ka doon. Sige po Ma aakyat na ako gusto kong kausapin si Eliza. "Magbihis ka Hijo baka magkasakit ka saka malinis na ang kuwarto mo." Maraming salamat po Ma!"Mabilis akong umakyat at tinungo ang kuwarto ni Eliza. Pagbukas ko ng pinto naabotan ko siyang may kausap sa cellphone,nang makita ako agad niya itong ibinaba. Inilang hakbang ko ang pagitan namin hindi ko na alintana ang basa kong katawan. Baby I miss you so much! "James?"Sinunggaban ko agad ang mapula niya labi hindi naman siya umangal bagkos ay niyakap niya ako ng mahigpit at tinanggap ang mapagparusa kong dila. "I'm sorry baby!"James,mamaya na tayo mag usap maligo ka muna baka magkasakit ka. "I love you baby Eliza!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD