"Ayun! bilis baka makawala pa!" Narinig kong turan ng isa sa mga body guard na kinuha ni daddy para mag masid at bantayan ang mga ginagawa ko.
Dapat ay nasa isang conference meeting ako ngayun upang magkaroon ng ideya tungkol sa kung paano patakbuhin ang kumpanya ni daddy na siyang nais niyang ipamana sakin pero dahil sa personal na dahilan ay mas pinili kong pumunta sa parke at mag sketch. Alam ni daddy na pangarap kong maging manunulat at sikat na pintor ngunit tinututulan niya ito dahil Wala naman daw akong mararating doon.
Masyadong maraming tao ngayon sa palengke kaya't marami akong nakakabangga at ang iba pa'y nagagalit ngunit hindi iyon sapat upang tumigil ako sa pag-takbo. maya maya ay hindi ko na sila nakita sa aking likuran kaya't tumigil muna ako pansamantala upang bumili ng maiinom.
"Magandang hapon po!" bati ng isang hindi pamilyar na boses dahilan upang lumingon ako. Sakto lamang ang tangkad nito, kulot at itim ang kaniyang buhok na itinali sa bandana , kumikinang naman ang kaniyang mga kulay kapeng mata na natatamaan ng liwanag, at mapapansin ang natural nitong mala rosas na labi. Natulala ako sa kakaibang taglay nitong ganda dahil hindi niya kailangan maglagay ng kolorete upang lumabas ang angking ganda ng dalagita, kung ako ang tatanungin ay mukha siyang painting mula sa renaissance.
"Oh! hija, nandiyan kana pala!" Saad ng matanda bago i-abot ang supot na may lamang mga tinapay.
"Salamat ho! mang Nestor!" sambit naman pabalik ng dalagita bago ito umalis. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako dito.
"Mayumi" sambit ng matanda na siyang dahilan upang bumalik ako sa wisyo.
"h-ho?" Nagtataka kong sagot pabalik
"kung nais mong malaman ang pangalan niya, Mayumi." Saad ng matanda bago ako tuluyang nahuli ng dalawang body guard ko.
A/N
This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.