"Geanne?" Nahinto ang dalaga sa paglalakad nang may lalakeng tumawag sa kaniya mula sa kaniyang likuran. Nilingon niya ito at nabigla nang makita si Zen. Kaagad na yumuko si Geanne upang magbigay galang sa kapatid ng kaniyang boss. "Magandang hapon po, Sir Zen," bati ni Geanne. "Magandang hapon din. Saan ang tungo mo?" Nakangiting tanong ni Zen sa dalaga. "Ahm, papunta po ako sa bar. Nagpapakuha kasi si Zach... ay este, si Master Zach." Napakamot siya sa ulo, "Nagpapakuha kasi ng tequila sunrise si Master Zach." "Master?" Katulad ng iba ay nagtaka rin si Zen sa itinawag ni Geanne kay Zach. "Master po ang nais niyang itawag sa kaniya." "Talaga?" Nanlaki ang mga mata ni Zen, "Napaka-feeling naman ni Kuya. Teka, kasama niya ba 'yong kaibigan niyang si Jason?" "Jason?" Bahagyang tuming