"Jusko! Mabuti na lang walang naiwang basag na glass sa loob ng laman mo!" Magkasalubong ang kilay ni Geanne dala ng labis na pag-aalala. Nalinisan na niya ang sugat sa kamay ni Zach gamit ang maligamgam na tubig, and she tied a clean cloth on in to stop the bleeding. "Put some! Put some! Kill me!" Parang batang umiiyak si Zach sa dibdib ni Geanne. Pareho silang nakaupo sa kama, dahil nga sa kalasingan ay hindi na makayanan ng binata na umupo nang maayos. Nalalanta ito at nahihilo, and to be able to sit firmly, he needed Geanne's chest. Hinayaan lamang ng dalaga na umiyak si Zach sa dibdib niya, "I know he can't do something bad to me, isang tulak ko lang sa kaniya ay tutumba na siya. Kaya h'wag niya 'kong mamanyak-manyakin, baka madagdagan pa ang sugat niya sa kamay." Wika ng dalaga sa