Nalaman ni Geanne na gabi-gabi pala may katabi ang Master niyang si Zach. Sa totoo lang ay nandidiri siya rito, that was her first time meeting a real f**k boy. At sa harap niya pa nangyari ang pangyayaring iyon. She couldn't believe na minsan nang naisipan ni Zach na ipabilang siya sa mga koleksyon nito. "Mabuti na lang hindi ako gold digger," bulong niya sa sarili bago niya ipinikit ang kaniyang mga mata sa pagtulog. Sa pagmulat ng kaniyang mga mata, nakabukang bibig ni Jelly ang kaagad na bumungad sa kaniya. Napabalikwas siya dahil doon. "Anong oras na ba?" Tanong niya sa sarili bago bumangon at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng mesa. "Ala sais na?!" Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang oras sa cellphone, tanghali na. "Jelly gising! Gising!" Dali-dali niyang inalog ang tulog-