Ang mga butil ng hamog ay dumadami sa makinis na balat ng dalagang si Geanne. Anong oras na ba? Sa palagay niya'y alas nueve na ng gabi. Bahagya siyang napatingala sa madilim na kalangitan, sa gitna ng mahalimuyak na hardin, kasama si Zen na kanina pa siya pinagmamasdan. Alam ng dalaga na siya'y kanina pa tinititigan ni Zen, kanina pa siya naiilang subalit napag-isip-isip niyang lamunin na lamang ang pagka-ilang. All she had to do was to talk to Zen, and then tapos... tapos ang usapan. Ang pagkailang na nararamdaman niya'y walang maidudulot kundi pagka-utal lamang. She had to be professional kahit na ganoon lang ang kaniyang trabaho. At isa pa, it would unnecessary for her to be stuttered and uncomfortable. "I'm leaving next day," wika ni Zen. Marahang ibinaba ng dalaga ang kaniyang ti