CHAPTER 40: Talking to Pepper

1081 Words

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Si Pepper ang kausap ko ngayon..." mahinang sagot ng binata sa mga curious na tanong ni Geanne. Agad namang natigil ang dalaga sa pagwawala, na tila ba bumagal ang takbo ng oras. Maging ang baba ni Jelly at Miko na nakikinig lamang ay nalaglag din. Ano ang ibig sabihin ni Zach? "Si Pepper ang iniibig ko!" Dagdag ng binata gamit ang nangangalit na mga ngipin. Doon ay tila nabuhusan ng napakalamig na tubig ang buong katawan ni Geanne. Para bang sandamakmak na multo ang yumakap sa kaniya dahilan upang magsitaasan ang buhok niya sa braso. Napaatras siya ng isang hakbang patalikod kasabay ng pangungunot ng kaniyang noo. "A-Ako ba?" Tinuro niya ang kaniyang sarili, "Ako ba ang tinutukoy mo?" Muling umiwas ng tingin si Zach nang buohin niya ang kaniyang kamao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD