"Sa Korea mo ba gustong pumunta?" Tanong ng binatang si Zach na ngayon ay nakatitig sa mga pinakamagagandang mata na nakita niya sa balat ng lupa. Iyon ay walang iba kundi ang mga mata ni Geanne. "Uh-huh," tumango ang dalaga habang ang tingin ay nakatuon lamang sa mga kumikinang na bituin sa kalangitan. Sila ay kasalukuyang nasa rooftop ng mansion, silang dalawa lamang ang magkasama sa malamig na gabing ito. Mags-star gazing raw sila pero si Geanne lang naman ang nag-e-enjoy sa mga bituin. "Then we will go to Korea." Bahagyang nadapo ang tingin niya kay Zachary dahil sa ibinigkas ng labi nito, "J-Jinja? Sigurado ka ba?" Pakipot niyang tanong na hindi maipagkakailang nakaramdam din ng kaunting saya. Alam niya kasing magagawa ni Zach ang lahat, knowing na napakayaman niya. So, hindi impos