Inaamin ni Geanne na magaan ang kaniyang loob kay Zen dahil sa kabaitan nito sa kaniya, subalit hindi naman iyon nangangahulugang nagugustuhan niya ito gaya ng sinabi ni Miko. "Sana ay maayos lang siya, at sana ay hindi na siya magpapakita sa akin, o lalapit man lang." Wika ng dalaga sa kaniyang sarili habang ang tingin niya ay nakatuon sa Master niyang may kainuman na sexy'ng babae. Her gaze was focused on Zach, but her mind was thinking about Zen. "Nilalamig na ako," bulong ni Jelly ngunit dinig iyon ng dalawang tainga ni Geanne. Mabagal na itinuon ni Geanne ang kaniyang tingin sa kaibigan niya na nakayakap sa sarili nito, "Sumasakit na rin ang tuhod ko, kanina pa tayo nakatayo rito." She slightly massaged her knee upon saying this. "Lasing na si Boss, pero bakit ayaw niya pang umuwi?