bc

My Grim Reaper Housemate

book_age12+
3
FOLLOW
1K
READ
others
opposites attract
curse
drama
sweet
bxg
mystery
scary
like
intro-logo
Blurb

Meet your new housemates! Paano na lamg kung magkaroon ka ng housemate na grim reaper? Magpapasundo ka ba sa kaniya o tatakasan mo siya?

Mapag-isa at tahimik na grim reaper, iyan ang katauhan ni Alex. Ngunit isang araw, nabulabog ang kaniyang buhay ng di inaasahan. Kaya napagdesisyunan niyang lumipat ng bahay.

Si Pat naman, nagsumikap sa kaniyang pagtatrabaho at kahit paano ay masaya na sa kaniyang buhay. Ngunit mayroon ding nakabulabog sa kaniyang buhay.

Paano nila pakikisamahan ang isa't isa? Magiging compatible kaya ang pagsasama ng isang mortal at grim reaper sa iisang bubong? Paano kung mahulog ang loob nila sa isa't isa?

This story consists of works of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, or some television programs or movies is entirely coincidental. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form without the permission of the author, except where permitted by the law.

OPEN FOR CRITICISMS.

PLAGIARISM IS A CRIME.

Copyright © 2021

Story and Cover by: @Nath_A_Lee

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Beginning
Naniniwala ka ba na kapag namatay ang isang tao ay mayroong isang susundo sa bawat isang tao? Naniniwala ka ba sa grim reaper? Isang lalaking naka-itim ng kasuotan na nakakapagtago dahil sa kaniyang sumbrerong may kakaibang kapangyarihan? Tumatawid ako ngayon sa isang pedestrian lane. Mag-isa sa gitna ng katahimkan. Katahimikan sa umaga na ikinatutuwa ng iilan. Naramdaman ko na lang ilang saglit na mayroong malaking bakal ang tumama at huminto sa aking gilid habang ako ay tumatawid. Isang malaking bagay na may ilaw sa harapan. Hindi naman ako nasasaktan kahit anong gawin ng iba. Kahit ano pa 'yan. Rinig na rinig ko kung paano kumalabog ang malaking metal na iyon. Mula paitaas hanggang paibaba ang naging pagkalabog nito. Malaking metal na pinapaandar ng sarili nitong makina. Ilang saglit lang ay mayroon na akong mga yapak na narinig. Tiyak na papunta na ito sa akin. "Ano ba!!!! Basta-basta ka na lang kasi tumatawid eh! Gusto mo bang magpakamatay ha? Wag mo 'kong idamay!" Rinig na rinig ko kung paano tumataas ang tono ng pagsasalita niya. Ang mga ngipin mula sa itaas at ibaba ay nagdidikit at nanggigigil. "Anong klase kang..." Nautal na lang siya nang dahil sa nangyari sa harapan ng kotse niya. At lalong umuusok pa ang makina sa harapan na akala mo'y isang chimney. Hindi makapaniwala sa mga kung anong nangyari ngayon. "Tao ka ba?" Nauutal na nitong katanungan sa akin. Mukhang may nararamdaman na siyang panginginig dahil sa kaniyang mga nakita. Lumingon na ako sa kaniya upang malaman ang dapat niyang gawin. Tumitig ako sa kaniyang mga mata ng diretsong-diretso. Parang isang laser beam na nakadiretso sa target nito. "Aso. Ang nabangga ng sasakiyan mo. Isang Siberian Huskey ang breed ng asong nasagasaan mo." ang sabi ko sa kaniya na puno ng kaseryosohan. Habang ginagawa ko iyon ay para siyang nakatingin sa kawalan o kaya naman sa isang langit na puno ng mga ulap. Umalis na ako pagkatapos kong isuot ang aking sumbrero at nagpatuloy sa paglalakad. Nagpatuloy lang ako hanggang sa nakalayo-layo na mula sa pedestrian lane. Ilang saglit lang ay may dumating na isang puting van sa harapan niya. Bumaba ang mga taong sakay ng van at nilapitan ang lalaki, pati na rin ang kotseng nasira. "Pare, ayos ka lang?" Ang panimulang tanong ng lalaki na sakay ng puting van na puno ng pagmamalasakit sa lalaking kinausap ko kanina. "Siberian Huskey. Nakabangga ako ng Siberian Husky. Nagulat ako. Basta bigla na lang sumulpot 'yung baboy d**o sa harapan." utal-utal na sabi ng lalaking kausap ko kanina. Para siyang timang na sinabi ang lahat ng nga pinasabi ko sa kaniya. "Siberian Huskey seryoso ka ba? Sa ganiyang kalaking sira ng kotse mo hindi Siberian Huskey ang nakasira ng haprapan ng kotse mo." Aba, hindi niya mapaniwala ang isang 'to ah. Well, sino ba namang hindi maniniwala sa lalaking 'to nang dahil sa lala ng sira ng harapan ng sasakiyan. Eheheh. May biglang tumiling babae na kay lakas-lakas. Ang babae ay mula sa mga tao sa may malapit sa gilid ng kotse. Malamang, isa siya sa mga sakay ng van o inosenteng pedestrian na inosenteng naglalakad. Ang katabing babae ng tumiling babae ay napaupo na lamang sa pedestrian lane nang dahil sa pagtayo ng sariling mga balahibo. Mga nangangatog ang mga buto nila sa mga nakita nila sa likod ng kotse ng lalaking kausap ko kanina. "Bangkay ng babae! Saan galing' yan!" sabi naman ng lalaking umalalay sa babaeng napaupo sa kalsada. Tinuturo-turo pa niya ang bangkay at nagkaroon din siya ng reaksiyon na mayroon sa mga nakakakita nito. "Hello, NCRPO? Mayroon pong isang babaeng patay sa trunk ng isang sasakiyan. Hindi na po siya gumagalaw at hindi ko na po alam ang nangyari. Nandito po kami sa may..." iyan ang sinabi ng lalaking umalalay sa babaeng napaupo sa kalsada habang tumatawag siya sa mga opisina ng pulis. Tumigin ang isa pang babae na kanina pa nasa likod ng babaeng napaupo sa kalsada at lalaking tumatawag. Tinitignan niyang mabuti kung sino ang mukha ng babae na nasa likod ng kotse. Ilang saglit matapos titigan ang babaeng iyon ay nagkaroon siya ng panlalaki ng mga mata at napatili na lang siya ng may kalakasan. Napaupo na lang din siya sa may kalsada. Nanghina ang buong katawan nito at hindi maiayos ang pagsasalita ng kaniyang labi. "Bakit a... ako? Ba... bakit ako nandoon?" Naririnig ko ang panginginig ng kaniyang mga ngipin at labi. Malamang, nakita niya ang magkaparehas na singsing at kamay na mayroon silang dalawa. Okay, oras na ng trabaho. "Melanie Fernandez, 25 years old. Ipinanganak ka noong January 8, 1995. Namatay ka noong 8:25 AM ng January 31, 2020. Cause of death, suffocation. Ikaw 'yun, tama ba?" Iyan ang aking sinabi sa kaniya habang papalapit sa kaniya na nakaupo pa rin sa may kalsada. Napanganga na lang ang babae dahil nakita na niya ang grim reaper na totokhang sa kaniya dahil natodas na siya. Kita ko sa mga mata niya ang panlalaki nito. Hay, buhay nga naman. Sumama siya sa akin sa aking opisina sa upang magkaroon kami ng pagpirma ng kontrata tungkol sa mga dapat gawin ngayon ng mga patay na tulad niya. Inihanda ko na rin ang mga dapat kainin o inumin niya. Habang naghahanda ako ay kitang-kita ko ang pagtitig niya sa bawat bahagi ng opisina ko. "Pirmahan mo ang kontratang nasa harapan mo. Patunay iyan na nakadaan ka na sa isang grim reaper. Bago ka naman umakiyat ng langit, kainin mo ang maliit na tinapay na nakikita mo ngayon at uminom ng katas ng ubas na nasa maliit na baso na mala-minature size. Kailangan mo ang lahat ng iyan. Sa ipagpapatawad ng mga maliliit at hindi sinasadiya na kasalanan at pagkalimot dahil buburahin nito ang mga ala-alang mayroon ka." Iyan ang naging paliwanag ko sa babae. Pero sa tingin ko, nagbe-benteng isip pa ata ang babaeng ito kung gagawin pa ba niya ang mga pinapagawa ko. "Pag kinain at ininom ko ang mga 'to, anong mangyayari sa akin?" Sabi na nga ba. Sa tono pa lang ng smooth niyang pagtatanong, nagbe-benteng isip ang babaeng ito. Nagkaroon ng takot o pangamba sa bawat gagawin niya ngayon. "Hindi ka magsisisi kapag kinain at ininom mo ang mga 'yan. Pero sana, wala ka nang pagsisisi sa kalagayan mo ngayon na patay ka na." Iyan ang naging sagot ko sa katanungan ng babaeng nagbe-benteng isip na sinundo ko ngayon. Ilang saglit lang ay sinunod na niya ang mga dapat niyang gawin. Pumirma na siya ng kontrata o "Proof of Meeting with a Grim Reaper". Kinain na niya ang mala-hinliliit na tinapay at uminom na siya ng katas ng ubas. Nang buksan na niya ang pintuan papuntang langit, lumingon siya sa akin at nagsalita. "Mr. Grim Reaper, mayaman ang pamilya ko kaya malaki ang makukuhang abuloy na para sa pagsundo mo." nakangiti pa niyang sabi at kumaway sa akin. "Sige, salamat." Sinuklian ko ang kaniyang mga ngiti at kumaway na rin ako sa kaniya. Pumasok na siya sa pintuan papunta sa kabilang buhay. Napahinga ako ng kasing-lalim ng sink hole dahil sa wakas... Tapos na rin ang shift ng trabaho ko ngayong araw. "Hay, hindi ko talaga maramdaman ang tindi ng sikat ng araw." Nakangiti kong sabi at tumawid sa pedestrian lane na maraming tao. Ilang saglit lang ay nag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin at bigla akong nagkaroon ng pagkailing sa ulo ko. "Oh hello, ma'am?" Iyan agad ang bungad ko sa babaeng tumatawag sa akin sa cellphone. Ito na ata ang isa sa mga masasayang araw ko. Nagpatuloy lang kami ng babae sa pag-uusap. Diniscuss niya ang mga bagay na kinakailangan kong marinig sa araw na ito. Nakakapagod man ang maglakad ngunit hindi ko na naging alintana ito nang dahil sa pag-uusap namin. Hay, salamat naman... "Ah ganoon po ba? Buti naman at tapos na rin ang pagbabayad ko sa loan na inapplayan ko." nakangiti kong sabi sa kausap ko. Ang tagal na din noong binayaran. Halos hindi na ata ako kumain parang bayaran ang mga utang ko. Hay, ang hirap talagang magkapera lalo na 't kung isang grim reaper ang nangangailangan. Nnag matapos na ang tawag ay masaya akong binati ng isang lalaki. Isang lalaki na may motor, at sa motor nito ay may nakakabit na isang istanteng may nakakahalinang amoy. "Oy manong, kumusta naman po. 50 pesos sa akin." masaya kong sabi at tinignan ang bubong ng kaniyang istante. Kulay blue, parang langit ang kakulay ngunit may kainitan ang usok na minsan ay napupunta dito. "Wala ka pa ring pinagbago Alex. Pati kung magkano ang gusto mong bilhin ay parehong-pareho pa rin." natatawa niyang sabi ng manong at kumuha ng nais kong bilhin sa kaniya. Amoy na amoy ko na ang mga paninda niya. Hay, nakakahalina nga naman para sa isang gutom. Nilagay niya sa isang transparent na plastic cup ang mga pagkain na kanina ko pa gustong-gustong kainin. Hirap talaga kapag nangangalampag na ang tiyan dahil wala pa itong laman. Iniabot na niya sa akin ang cup na may laman. Mayroon itong masarap na sawsawan. Miski sawsawan na pinipili ko ay kabisado na rin niya. Parang ang talas ng memory. "Grabe, ang sarap pa rin ng tokneneng na itinitinda ninyo. Ibang klase. Parang may magic." Oo, tokneneng na hindi ko makalimutan ang lasa. Para kasi itong may gayuma even wala na babalik-balikan mo kahit anong kalimot mo o kahit may problema ka pang pinagndadaanan. Hindi ko maisip sa ngayon ang mga pagod na iniinda ko bilang isang grim reaper. Siguro, dahil na rin sa pagpuno ng pagkain sa aking kumakalam na tiyan. Ito na halos ang almusal ko. Siguro dahil sa protina. "Ay mauuna na po ako manong. Marami pa po akong aasikasuhin sa bahay ko." Nakangiti kong sabi sabay saludo sa kaniya. Hay, oo nga pala, mayroon nga pala akong mga dapat ipasa sa mga superiors ko. "Oh sige Alex, mag-iingat ka ha?" nakangiting sabi ng maaalahaning tindero ng masarap na tokneng. "Sige po. Mag-iingat din po kayo." sabi ko naman at naglakad na papalayo sa kaniya. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa bahay ko. Nakaramdam na ako ng pawis kaya uminom na ako ng tubig na mula sa isang bote na nakalagay sa bag ko. Pagkatapos kong ibalik sa bag ko ang bote ng tubig ay kinuha ko naman ang manipis na puting paniyo na nasa bulsa ko at pinunas sa mukha ko. Hay, mukhang oras ko na para maligo. Nagpatuloy na ako sa paglalakad matapos kong magpunas ng pawis at ibalik ang paniyo sa bulsa ko. Habang naglalakad ako ay nakita ko ang isang bata na binubully sa may kalye. Loko ang dalawang bata na 'to ah. Hindi ba nila magawang maawa sa binbully nila? Hindi ba nila maisip kung ano ang kalagayan ng binubully at kinokotangan nito. "Hoy! Tigilan niyo nga 'yan. Umuwi na nga lang kayo." Mabilis kong sabi at ang dalawang bata na nambu-bully at nangongotong sa batang paslit na ito. Kita kong wala sa sarili ang bata. Ang kaniyang utak ay tila lumulutang sa ere. Parang eroplano na lumilipad pero walang piloto ang nagpapaandar ng maayos nito. "Bata, ayos ka lang?" Tanong ko sa bata at inabot ang isang bote ng tubig na hindi niya tinatanggap. Hindi ko pa naman naiinuman ang tubig. Kaya naisipan kong ilagay sa kaniyang kamay ang bote ng tubig para sakaling mahimasmasan siya ay mayroon siyang tubig na maiinom. Umalis na ako at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko kailangan ang thank you niya. Mas gusto kong naa-appreciate nila ang pagtulong ko kaysa naman sa kapag nag-thank you sila ay baka humingi pa ng kasunod. Nang ako ay nakapasok na sa bahay ay inilapag ko ang bag ko sa loob ng kwarto ko. Nagpalit na rin ako ng dami dahil ang damit na suot ko ngayon ay napakainit sa pakiramdam ko. Nakapagpunas na din ako ng pawis sa buong katawan at uminom ng malamig na malamig na tubig mula sa refridgirator. "Buti na lang, may shower dito sa bahay na 'to." Pumasok na ako sa shower room para maligo. Siguro naman mas gugustuhin ninyo ang mag-ikot at maghintay ng tubig na lalabas sa itaas kaysa naman sa magsalok ka ng tubig gamit ang tabo mula sa isang timba o drum. Pero gumagamit kayo ng shower, siguraduhin ninyo na kapag nagsasabon kayo ay papatayin ninyo ang shower. Hindi porket gumagamit kayo ng shower ay ibig sabihin ay sasayangin mo na ang tubig. Wag ganun. Conserve water ika nga. Pero nang matapos na akong magsabon ay mala-crispy pata akong nagmura dahil nang binuksan ko ulit ang shower ay walang tubig ang lumalabas. Nakakainis isipin na nangyayari ang mga ganitong bagay. Pero malamang, lagot ako sa mga superiors ko sa taas dahil sa mala-crispy pata kong pagmumura. "Teka, nagbayad naman ako ng renta noong isang araw ah! What happening in this house!" Napapasigaw na lang ako dahil sa mga nangyayari ngayon. Gusto ko nang magbanlaw! Gusto ko nang matapos ang paliligong ito nang magkaroon na ng pahinga ang katawan ko. Ilang sandali pa ay nagkaroon na rin ng tubig pagkatapos ng may katagalang pagpapahintay nila. Ngunit alam ko na baka mawala na rin ito agad kaya naman mabilis kong nagbanlaw ng sarili ko. Pagkatapos kong maligo ay kumuha ako ng malaking towel at itinapis sa katawan ko. Pumasok na ako sa kwarto ko para makapagbihis na. Isang short na checkered at t-s**t a este t-shirt na puti ang sinuot ko para mediyo presko sa pakiramdam. Nang makapagpalit na ako ng damit ko ay inasikaso ko ang lahat ng mga papeles na dapat kong ipasa sa superior ko. Pero naalala ko ang mga gawaing bahay na kailangan kong gawin. Kaya naisipan ko munang unahin ang mga gawaing bahay na dapat gawin. Katulad na lang ng paglilinis ng bahay, pagliligpit ng mga gamit, paglilinis ng mga pinggan, pagba-vaccum... teka, tama ba ang narinig niyo? Siguro mapapataas na lang ang kilay niyo dahil sa paupahang ito ay kailangan ng mga tenants dito na mag-vaccum cleaner hindi lang dahil sa may pa-vaccum ang bawat kwarto, siguro dahil na rin sa pagiging metikuloso ng may-ari. Masiyado siyang strikto pagdating sa kalinisan. Pero mas okay na rin kaysa sa matapobre at mataray ang landlady niyo. Pagkatapos noon ay ginawa ko na ang mga papeles na kailangan kong ipasa agad sa mga superiors ko. Masiyado silang sinturon to be like kaya wala kaming magagawa kung hindi sundin sila. Nang matapos ko ang mga papeles na dapat kong ipasa ay itinago ko na ito sa isang safe na taguan. Pero ilang saglit ay mayroon akong narinig na pagkatok ng pintuan ng kwarto ko. Nang hinarap ko ang kumatok ay si landlady lang pala ito at kinausap ako. "Ah oo nga pala Alex, may darating na mga bagong tenant dito. Sana naman ay hindi siya maging panggulo dito at hindi mo rin siya makaaway." sabi ng landlady namin na tila ba nagpapawis din ang mga kaniyang mga kamay. Siguro, hindi niya matatantsa ang ugali ng bagong tenant dito dahil hindi pa naman sila magkikita o masiyado pa siyang inosente sa tunay na kulay nito. "Okay po Aling Nena. Salamat po sa pagpapa-alam ng information." Siyempre, kailangan kong magpasalamat kay Aling Nena aka Misis Landlady namin dito kahit ano pa ang pag-uugali ng bagong salta "Oh siya, mauna na ako. Marami pa akong aasikasuhin." Iyan ang nakangiting sabi niya sa akin at naglakad na papalayo sa akin. "Sige po, ingat." Yumuko ako at pumasok na din ako sa kwarto ko at gusto ko nang matulog dahil sa night shift na pagtatrabaho bilang grim reaper. Hay sa wakas, makakalalasap na rin ako ng tulog na matagal ko na ring inasam-asam. Ipinikit ko ang aking mga mata at biglang kumalampag ang isang kaldero. What the heck! Nakakainis. Gusto ko nang matulog. Okay, focus ka lang. Focus. Nang natahimik na ang lahat ay ipinikit ko ang dahan-dahan ang mga mata ko. Isang tahimik at payapang kapaligiran magkaroon ng pagkakataong matulog ng mahaba at maaliwalas. Pero nasa kalagitnaan na ako ng pagtulog ay narinig ko ang maingay na mga ungol. Puro letter A na may arte ang naririnig ko galing sa boses ng isang babae. Nagising ako nito mula sa sa mahimbing na pagkakatulog ko. "Hay, ang lalandi ninyo. Kung maglalandian kayo, magpatulog kayo wag kayong mandamay!" May pagkunot na sa aking mga noo nang sinabi ko ang mga salitang iyon habang may pagtaas ng tono. Anak ng bwiyset, gustong-gusto ko nang matulog. Pero ilang araw na kasi 'yan na problema ko. Ang mga malalanding ka-housemate ang pinakamahirap pakisamahan. Masiyadong nagsasaya sa kung anong meron sa mga pinanggagagawa nila. Sarap na sarap nga sila, tapos ako naman akong bwiyset na bwiyset. "Kung ako sa'yo ser, layasan mo na mga bahay na 'yun. Hinding-hindi ka niyan patutulugin." Iyan ang junior ko. Hay, ang lalaking 'to, masiyadong kwela. Pero rumaraket bilang isang tagalinis ng nitso. Siya halos ang naging kaibigan ko at siya na rin ang nilagay sa akin ng mga superiors ko para alalayan ako. At kailangan ko din daw siyang turuan ng basics. Nandito kami ngayon sa isang restaurant na nagse-serve ng masarap na beer at chicken. Pati na rin ng steak at pork belly. Kaya lagi kaming nakatambay dito. "Joseph, may alam ka bang malilipatan na bahay? Kahit upa lang? Kahit kwarto lang." Iyan agad ang tanong ko sa kaniya na may konting pakikiusap ng aking mga mata. Kaysa naman sa mukha akong si Perry The Platypus dahil sa pagpapahaba ng mga labi. "Parang may naikwento sa akin ang kapitbahay ko noon na nagtatrabaho sa kumpaniya na nagpaparenta ng kwarto. Kaso, baka magpaalis na ang may-ari ng bahay dahil parang nabwiyset sa housemate." Hay, sana ganiyan din ang landlady namin. Pinapaalis ang mga pasaway at istorbo. Pinapaalis dahil panggulo "Hoy!" Habang nag-uusap kami ay narinig na lang namin ang isang malakas na tono ng boses na nagpataas bigla ng balahibo ko. Hay, ano ba 'yan, nag-uusap kami eh! Bwiyset ka, ingay mo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
76.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
187.0K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
43.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
138.8K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
42.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
131.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
173.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook