Lanie's Pov: Mabagal na naglakad ako palabas ng cafeteria. Lunch break ngayon pero wala akong nagustuhang pagkain doon. Wala din kasi akong gana. Dalawang araw na mula nang mangyari ang insidente tungkol sa pagkaka-damage ng system ng eskwelahan. Naayos din agad ang tungkol doon pero hanggang ngayon ay wala pa akong naririnig kung anong nangyari sa imbestigasyon, kung may nakita ba silang magle-lead sa totong nagkalat ng virus o kung ano pa man. Napabuntong-hininga na lang ako nang tuluyang makalabas sa cafeteria. Hindi man ako nagawang i-trap ng kung sinuman sa nangyari, may masama pa ding dulot sa akin iyon. Hindi man lahat pero may pailan-ilan pa ding estudyante na pinagdududahan ako, lalo na iyong mga nakarinig at nakakita sa nangyaring pag-uusap namin nina Inspector. Tinatamad n